CHAPTER 6
“You got my heart all in a whirl, and now it needs cooling off.”
- Ehu Girl, Kolohe Kai
Rayne.
“And one more thing ha? Walang kami ni Nathan.”Natatawa niyang sabi.
“My bad. Akala ko talaga boyfriend ka niya.” Nahihiya kong pag-amin. Baka isipin niya kasi malisyosa ako.
“Do you know?” Sabi niya.
“Ano?” Napatingin ako sa kanya dahil ngumisi siya.
“Wala pala. By the way, why did it take you so long to finally move here?” Tanong niya.
The sudden ache hit me. Sumagi nanaman sa isip ko si Cain.
“Busy lang sa pag-aaral.” mababakas sa boses ko ang pagpiyok, hindi ko alam kung napansin ba yon ni Gideon.
"Oh, okay. Um, at least summer na. You have enough time to relax before going to college." Sabi niya habang sinasamahan ako pumili ng mga sabon na pang laba.
"Yeah." Hindi ko alam ang sasabihin actually, the thought of Cain bothers me. Akala ko kaya kong wag siyang isipin pero sa tuwing mababanggit yung San Juan or anything sa past ko naaalala ko siya.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
Tumango lang ako.
"You look so sick yesterday, okay ka na ba?" Tanong niya habang tinutulak ang cart.
"Yep, napagod lang ako sa biyahe." Pagsisinungaling ko.
"Mukha ka kasing, bangag. Until now honestly." Natatawa niyang sabi.
Napalunok ako, "Alam mo sa totoo lang, ito talaga yung itsura ko bangag lagi kaya wag kang mataka." Naiiling kong sabi.
He chuckled, kinda reminds me of Cain's chuckle tho. Hindi ko alam, siguro sobrang namimiss ko lang si Cain kaya kahit sino nagiging kamukha niya na. I'm so pathetic.
"I don't believe that, you just have puffy eyes right now. Let me guess?" Ngumisi siya.
Napatigil ako sa pagkuha ng facial wash, at tinignan siya ng masama.
"Ano?" Singhal ko.
Nakangisi lang siya, at dinukot ang cellphone niya mula sa bulsa.
"I'll be back Summer." Nakangisi niyang sabi bago sinagot ang tawag sa phone. "Hey, Santino?" rinig ko pang sabi niya bago tuluyang umalis.
Alam kong hindi ako nagiilusyon lang pero, I have this feeling that he's kinda vibing. Di ko alam pero parang mabait naman siya. Do first impression lasts?
Itinuloy ko ang pamimili ng mga bilihin na nakasulat sa listahan na hawak ko. Dahil hindi ko kayang itulak yung cart palakad-lakad, at pabalik-balik lang ako kung nasaan yung cart.
"Where's Gid?" tanong ni Via na kasama si Kuya, kadarating lang.
"May kinausap lang siya, maybe he's just out there." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa listahan.
"Anong pinag-usapan niyo? Did you find him cute, isn't he?" Tanong niya.
Napangiwi naman ako sa sinabi ni Via.
"So that's why you guys left me with him alone?" nakangisi kong sabi.
"Aminin mo, gwapo yung pinsan ko di ba?" Panunukso niya.
"He's cool." Sabi ko habang dumadampot ng noodles.
"Cool lang? Oh come on, Rayne!" Natatawang sabi ni Via.
"Bakit?" tanong ko. "You know Via, I just broke up not totally broke up pero parang ganun na with my man, well ex-man in San Juan last day. So I'm not yet ready for another heartache."
"I'm sorry, I -I -sorry." Sabi niya, "kaya pala you look so shattered."
"Okay lang. Gid is kinda good man. I can sense it. I'll get to know him in the long run, he'll be a good friend maybe." sabi ko.
Niyakap ako ni Via kaya naman naluha ako. Ayoko talaga ng niyayakap o kinocomfort ako kasi mas lalo akong naiiyak. Isa pa, kanina ko pa pinipigilan 'tong pesteng mga luha na to kaya naman bumuhos na lang bigla.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Kuya.
"Girl thingy." Sabi ni Via sa kanya.
"Pinaiyak ka ba ni Gid?" Tanong ni Kuya umiling-iling naman ako.
"Hindi naman siguro kayang gawin ni Gid yon." Pagtatanggol ni Via kay Gideon.
Ilang minuto pa dumating na rin si Gideon, at kunot-noo siyang napatingin sa akin.
"What happened? May nanakit ba sayo rito nung umalis ako?" He's furious and looking everywhere. Umiling-iling ako.
"Okay lang ako." I lied. Napagdesisyunan na rin ni Via, Gideon na mauna ng umalis dahil napadaan lang naman sila.
Gideon gave me a worried look before they left, and I can see curiosity on his eyes.
Bago maglunch nakauwi na rin kami ni Kuya, at hindi ako tinantanan ni Kuya sa katatanong kung bakit ako umiiyak. Kinulit niya ako ng kinulit kaya sinabi ko sa kanya ang dahilan.
"So aside from you don't want to leave Tita, there's another one reason why you don't wanna leave San Juan huh?" Pang-aasar ni Kuya sa akin. Dapat talaga di ko na sinabi sa kanya, alam ko naman na aasarin lang niya ako ng aasarin.
"Shut up." I rolled my eyes towards heaven.
"You know if he's not for you let him go. Kung para sa'yo ang isang tao babalik yon sa'yo." Nakangit niyang sabi.
I just gave him an interesting look, he looked back at me.
"You know Via is my middle school crush. Since freshmen ako nung high school crush na crush ko na siya." Ngumisi siya habang nagkukwento.
"Hindi ko siya maligawan noon kasi torpe ang Kuya mo, at isa pa may boyfriend siya. nagbreak sila ng boyfriend niya nung nagsenior na kami dahil lumipat na sa ibang school doon ko siya niligawan." Nakangiti siya pero parang may kakaiba sa ngiti ni Kuya, may halong bitterness.
"Mali na niligawan ko siya noon kasi kagagaling niya lang sa break up, hindi niya ako pinayagan noon. That was my first time na manligaw, and the first time also na nabusted ako. We stayed as friends, hindi ko na inulit mag-attemp. Hanggang sa nagcollege kami, and as the days go by mas lumalim yung pagtingin ko sa kanya. Inamin ko yun sa kanya, tinawanan niya lang ako. Sabi niya ayaw niya akong paasahin, at ayaw niya akong masaktan kung sakali man na papayagan niya akong manligaw at maging kami."
"But why? Bakit hindi pwedeng maging kayo? Pareho naman kayong single, at isa pa tanggap siya nila Mom at Dad. I can see no problem with that." Sabi ko.
"Hanggang ngayon kasi hinihintay niya pa rin yung ex-boyfriend niya. Natatakot siya na baka kapag sinagot niya na ako, at kami na tapos biglang bumalik yung ex niya ayaw niyang masaktan ako. Sabi ko okay lang, ang mahalaga yung ako ngayon. Kaso naduduwag si Via, sabi ko hindi ko siya pwedeng pilitin. Sabi ko hayaan niya na lang na mahalin ko siya habang wala pa yung taong hinihintay niya." he chuckled.
Para akong sinaksak sa dibdib sa kwentong nalaman ko mula kay Kuya. Kung naramdaman ko yung sakit paano pa kaya na siya mismo yung nakakaramdam ng pain? Hindi ko alam na ganun yung pinagdaraanan nila, at hindi ko alam na ganun pala kagulo ang isip ni Via. Kaya pala aloof siya ng kaunti kay Kuya, at parang tropa lang yung turing niya kay Kuya Friar.
"Galit ka ba sa kanya? I mean kahit minsan ba nakaramdam ka ng galit sa kanya?" Tanong ko.
Ngumit siya umiling-iling, "Mahal ko siya eh." he said while giving up a bittersweet smile.
"Parang ang martyr mo naman kuya?" inis na tanong ko.
Kasi ako galit, at masama ang loob sa sitwasyon nila. Full package na si Kuya, matalino, may itsura, may tamang pananaw sa buhay, gentleman, mabait, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang niya kagusto si Via kung ganyan naman yung sitwasyon na meron siya sa kanya. It doesn't make sense.
"Kaya ikaw kung ganun man yung pinili niyang desisyon sa buhay maging masaya ka kasi hindi siya napunta sa iba." Sabi ni Kuya. "Alam kong wala ako sa lugar dahil sabi mo nga martyr ako pero you have to move on. Mahirap kapag naikulong mo yung sarili mo sa isang tao. 'Wag mo akong tularan."
We've been coated with a deep silence as we drove to house. I don't know what to say, He's right. Moving on is a must, hindi ako pwedeng magpakalugmok sa isang taong wala naman dito sa Santa Monica.
"Siya nga pala, graduation sa SMU bukas. Panoorin mo naman yung pagtatapos ni bayaw." Sabi ni Kuya habang inaayos namin yung mga grocery sa wall cabinet.
"Bayaw?" Kunot-noo kong tanong.
Pero di niya ako sinagot, at tumawa lang.
Nagluto si Mom ng afritada para sa lunch, at sobrang dami kong nakain dahil namiss ko talaga kumain ng lutong ulam puro mamantika, at fast food kasi yung mga kinain nitong nakaraang mga araw.
Naligo ako pagkatapos ko maghugas ng mga pinggan, at umupo sa sofa habang nagchcheck ng social media. May kirot pa rin kapag ankikita ko na wala pa rin laman yung chat box ko, at wala pa rin message si Cain. Sinubukan ko siya hanapin kaso blinock na ata ako.
I sighed, kung yun ang gusto niya di ko naman na siya pipigilan, at hindi na ako manggugulo. Pero bakit kailangan umabot sa point na kailangan niya akong iblock, at tuluyan na kalimutan kung pwede namn kami maging magkaibigan na lang. Okay na ako doon.
Iniisip ko kung anong mali ang nagawa ko para ituring niya ako na ganito.
"Hey, wanna meet Zeros?" Sabi ni Kuya.
"Ha?" Tanong ko.
"Zeros, band nila Via at Gid. May rehearsal sila ngayon kasi isa sila sa mga magpeperform ng Santa Monica Summer Fest." Nakangiting sabi ni Kuya.
"Banda? Si Via, at Gid?" Gulat na tanong ko.
"Yes, yes, yes." Sabi ni Kuya.
Tumayo ako agad, "I've never seen a live band before!" excited na sabi ko.
"Kalma." natatawang sabi ni Kuya.
halos kaladkarin ko siya papunta sa kotse para makapunta na kami agad sa kung saan man kami pupunta. Isa sa mga gusto ko makita ay yung live performing band. Yung iba kasing napanood ko deads na, charring! Pero seryoso talagang gusto ko makakita ng banda.
"Hindi ka pa nakakita ng live band before?" Tanong ni Kuya.
Umiling-iling ako. Nakarating kami sa city, at sa may bandang west nakita ko ang nakasulat sa itaas ng isang one-storry building ang Music Studio. Tahimik sa labas nito, naisip ko na baka niloloko lang ako ni Kuya. Kasi parang wala namang marinig na banda sa loob. pero noong pumasok kami sa loob unti-unti kong narinig ang ingay na nagmumula sa drums. Nagvivibrate sa paa, at puso ko.
Napangiti ako, at napakagat ng labi. Ang angas lang kasi kapag member ka ng banda. Kaya pala may dalang gitara si Gideon noong araw na nakita ko siyang kasama si Nathan. Pero di ko inaasahan na si Via pala ay miyembro din ng banda. Ang astig lang.
Hanggang sa narating namin ni Kuya ang venue pagkatapos ng paglalakad sa mahabang corridor. Doon nakita ko si Via na tinitimpla ang microphone.
"Hello, mic check." Iba ang boses niya kumpara sa kausap ko kahapon.
Kumaway naman agad sa akin si Gideon nang makita niya ako. Kumaway din ako. Ngumiti naman si Via, at sinalubong ako nang makita niya ako.
May tatlo pa silang kasama na nakatoka sa drums, bass, at piano.
"Good to see you here! I want to know your judgment regarding sa aking boses na medyo wala sa kondisyon." Sabi ni Via.
"Ay wow! Sa lagay na 'yan wala sa kondisyon 'yan Via?" Sarcastic na tanong ko. Ang ganda nga ng timpla ng boses niya tapos wala pala 'yon sa kondisyon.
'May sipon kasi ako ngayon e." Sabi niya. I see kaya pala medyo nag-iba ang boses niya. Pero infairness maganda pa rin.
Minsan talaga nagtatampo ako kay lord kung bakit wala akong silbi sa mundo. Wala akong talent sa arts, dancing, singing, hindi rin naman ako katalinuhan. Para lang akong nabubuhay ng ganito lang. Isang patatas.
Puro tambol, at pagtitimpla lang ang naririnig ko hindi ko alam kung tapos na ba sila o magsisimula pa lang.
"What do you think? Tanong ni Kuya.
"Fantastic." Nakangiti kong sabi.
Maya-maya pa ay umayos na sila ng upo, at pumwesto na.
"Nangangamba, nangangamba ang 'yong puso. Hindi ka sigurado." She sang in her coolest voice. Zack Tabudlo girl version.
Napatingin ako kay Kuya, he's hopelessly into her. I can see it through his eyes by the way she look at her. Bakit gano'n yung kanta? Parang tugma kay Via.
"Nalilito, nalilito ang 'yong utak kung tunay bang pag-ibig 'to." Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o napatingin talaga siya kay Kuya.
The way their drummer does the second voice totally blends in. I wonder what Gid's voice sounds like. The fck am I thinking of him? krAzY Rayne.
"Ano ba ang problema mo? Sabihin na ang totoo. Sabihin mo na ang nilalaman ng puso mo at nararamdaman nito." They duet at this part, and it's a different kinda vibe!
"Kung 'di pa aminin ng ang gusto. Baka kasi mawala na ako."
Habang nagmamasid ako sa buong banda, nadako ang tingin ko kay Gideon and he’s staring at me habang sumasabay sa kanta. Umiwas ako agad ng tingin. Okay that’s awkward, really.
I just stared blankly at the floor habang nakikinig sa kanta, hindi ko alam kung bakit di ako komportable.
Natapos ang kanta, at nakahinga ako ng maluwag, hindi ko alam kung bakit mabigat sa pakiramdam yung kanta o naiilang lang talaga ako sa tingin ni Gideon.
I am not yet healed, I can’t mess with someone right now.
“You okay?” Tanong ni Kuya sa akin agad naman akong tumango.
“Pahangin lang ako sa labas.” Pagpapaalam ko.
Santa Monica Bay can be viewed perfectly here. I can see the busy Port of Santa Monica, and it’s kinda relaxing. I sat down at the bench beside me.
Where on earth is Cain? Iniisip niya rin kaya ako? When all I do is to think of him every single hour of the day.
I let out a deep sigh. A car then stopped at the parking lot, could it be Nathan? Hindi ko kasi siya nakita sa loob kanina.
An unfamiliar lady stepped out of the car. She looked at me blankly, siguro ay naninibago siya kung sino ako, at ano ang ginagawa ko dito. She's been staring at me for almost 5 seconds already, and she looked so stunned. I didn’t know why. She just nodded, and went inside the studio quickly.
Weird.