CHAPTER 5
“And I’m falling faster like the speed of light shining bright and chasing over you.”
- December Avenue, Fallin’
Rayne.
Walang stocks ng pagkain sa bahay kaya nagdesisyon sila na sa labas na lang kumain, isa pa para I-welcome raw ang pagdating ko. Kaya kahit wala ako sa mood nagbihis ako ng maayos.
“Hali, ‘wag ka mahiya. Hindi siya nangangain ng tao.” Narinig kong sabi ni Kuya sa kausap niya sa labas ng bahay.
Sumilip ako, at nakita ko ang isang morenang babae. Curly ang buhok niya, medyo matangkad pero mas matangkad pa rin si kuya sa kanya. Napangiti ako, ang ganda niya. Napatingin sila sa akin kaya naman kumaway ako habang nakangiti.
“Hi!” Maiksing bati ko. You can’t blame me! I don’t know what to say, and she’s stunning.
Ngumiti siya, at lumapit sa akin. Bagay sa kanya ang suot niyang dress.
“Olivia, by the way tama ang Kuya mo maganda ka nga.” Nakangiti niyang sabi.
Mababakas sa personality niya ang pagkabubbly pero siguro nahihiya pa siya ngayon.
“Hoy! Wala akong sinabi na maganda ‘yang si Rayne!” Singit ni Kuya.
“Don’t mind him lagi ka niyang kinukwento sa akin, at matagal ka na niyang hinihintay na bumalik dito.” Sabi ni Via.
“Should I call you Ate?” Pabiro kong tanong kahit pa hindi naman masyadong nagkakalayo ang edad namin.
“Via na lang.” Sabi niya sabay kindat.
“Ate itawag mo dyan. Soon to be ate mo yan.” Singit ulit ni Kuya.
Namula naman si Via sa sinabi ni Kuya.
“Tara sa loob.” Pag-aaya ko.
Nagbeso naman si Mom at Via nang makita nila ang isa’t-isa. Nagbeso din siya kay Dad. Akala ko ngayon lang din nila nakilala si Via pero mukhang may katagalan na siyang pumupunta dito sa bahay dahil close siya sa mga magulang namin ni Kuya lalo na kay Mom.
She’s cool, and bubbly. Hindi siya masyadong clingy kay Kuya, and mostly si Mom ang kausap niya. Parang nakatatandang ate, matured kasi ang itsura niya kahit pa isang taon lang ‘yung tanda niya sa akin. May formality rin ang pananalita niya, at may accent dahil tourism ang course na kinukuha niya.
We went off to a restaurant somewhere in the City. Fristo— dito sila madalas kumakain kaya kilala na rin sila ng may-ari.
“I hope you liked your new room’s design.” Sabi niya sa akin habang kumakain.
Mas pinili ni Via na makatabi ako sa lamesa para makilala pa raw niya ako ng lubos. Natatawa ako kasi parang deadma lang si Kuya sa kanya. Tho, nasa gitna namin si Via, ako naman yung kinakausap ni niya, kawawang Friar.
“Yes, she helped me to design your room after the renovation.” Sabat ni Kuya Friar.
“Yup! I love it, kalmado lang yung mood. Mabuti, at hindi niyo ginawang masyadong fancy not into it kasi.” Sabi ko.
“Friar suggested it to be fancy pero syempre idea ko ang nasunod. Mabuti na lang tama ang guts ko. Kung ganon magkakasundo tayo, hindi rin kasi ako mahilig sa mga masyadong fancy, at pinkish, You know, things that typical girls would mostly like.” Sabi niya.
“Babe subuan mo naman ako.” Pagpapapansin ni Kuya sa tabi niya.
Tinignan lang siya ng masama ni Via. “Kay Stella ka magpasubo.” Asar na sabi ni Via.
Napatakip ako ng bibig nang matawa ako, double meaning kasi ‘yung naisip ko. Isa pa kaya pala hindi pinapansin ni Via si Kuya dahil nagseselos.
“Sinong Stella?” Natatawa kong tanong.
“Side-chic ng kuya mo.” Natatawang sabi ni Via. Kahit naiinis siya tumatawa pa rin siya.
“Anong side-chic pinagsasabi mo? Nagpaturo lang naman sa akin sa calculus?” Pagtatanggol ni Kuya sa sarili niya.
“Alam ko naman malaki-” Napatingin siya kay Mom at Dad na kasalukuyang may sariling mundo. “yung dede niya kumpara sa akin.” mahina niyang singhal kay Kuya.
Tuluyan na akong natawa, medyo flat nga ang dibdib ni Via pero maganda siya kahit na ganon.
“Anong dede sinasabi mo?” Kunot-noo na sabi ni Kuya.
Napatingin naman sila Mom, at Dad sa kanila sandali silang nanahimik.
“Ako nga bobo ako sa math pero nagpaturo ba ako sa’yo? ‘di ba hindi?!” Mahina niyang sabi kay Kuya.
“Side-chic pala.” Pang-asar ko kay Kuya.
“Dede lang naman panlaban non. Isa pa kung hindi siya magaling sa calculus bakit engineering ang kinuha niyang course?!” Inis na sabi ni Via.
“Wag ka na magalit.” Panunuyo ni Kuya kay Via.
Itinuloy ko naman ang pagkain ko.
Hindi pa rin pinansin ni Via si Kuya hanggang sa matapos kami kumain. Dumiretso kami sa bahay pagkatapos namin kumain sa Fristo.
Sabi ni Kuya samahan ko daw siya na ihatid si Via sa bahay niya tumanggi ako para mapag-usapan nila ng maayos yung problema nila but they insisted so sumama ako.
10 minute drive ang layo ng bahay ni Via mula sa amin. Sakto lang ang laki ng bahay kung saan huminto ang kotse ni Kuya. Malamang ay ito ang bahay ni Via.
Inalok ako ni Via na bumaba, at pumasok muna sa bahay nila pero tumanggi ako para na rin makauwi na kami ni Kuya dahil gusto ko na magpahinga.
Habang nagmamasid ako sa paligid, I suddenly noticed a silhouette inside the house. Mukhang lalaki ang figure nito dahil matngkad, at may biceps. Nasa bintana ito, at nakamasid kay Kuya, at Via na kasalukuyang nag-uusap sa labas ng bahay. Imposibleng Dad yon ni Via dahil mukhang hindi naman ganun katandan yung figure na nasa loob. Baka kapatid ni Via, kagaya lang rin ng ibang kapatid na makikiusyoso sa relationship mo tapos isusumbong ka sa tatay mo na may boyfriend ka na. Maya-maya umalis sa bintana yung silhouette.
It took 5 minutes before Kuya came back inside the car, then he started to drive off to home.
“May kapatid pala si Via no?” Tanong ko kay Kuya.
He gave me a weird look, “Nag-iisang anak lang si Via.” Natatawang sabi ni Kuya.
Kumunot naman ang noo ko. Should I tell him about the silhouette?
“Mag-isa lang ba siya nakatira doon?” I asked
“Nasa States ang mga magulang niya. Mag-isa lang siya nakatira doon.” Bigla akong nanlamig sa sinabi ni Kuya.
So sino yung nasa bintana kanina? Baka pinsan?
I decided not tell him about what I saw. Pagod akong humiga sa kama nang makarating kami sa bahay. Narealize ko na medyo nawala sa isip ko si Cain habang busy ako, at naisip ko na kaya ko pala. Kaya ko siyang kalimutan, it will take some time pero alam ko na kaya ko.
I chose to cry tonight, and promised to myself that this will be the last. Mabigat sa dibdib pero kailangan ko tanggapin, at kailangan ko gawin dahil wala akong ibang choice.
Gideon.
“How come hindi niya ako nakilala? Eh muntik niya na akong mapatay dati?” Sabi ko sa sarili ko habang ini-stalk ang profile niya sa insta.
Parang dati lang ang taba niya, kulay chocolate pa yung batok, at saka malibag tapos ngayon ang laki na ng pinagbago niya.
“Lagot ka sa akin ngayon, Summer.”
Rayne.
Kinabukasan ginising ako agad ni kuya para pumunta sa Welmart. Medyo inaantok pa ako kaya inaya ako ni kuya na pumunta sa starbucks pero sabi ko kahit yung kape na lang sa 7eleven para medyo mura. Ayoko rin naman sa fastfood dahil kahit isang araw pa lang kami kumakain sa labas ay naumay na ako agad.
Habang nagdadrive si kuya papunta doon nasulyapan ko yung lalaking kasama ni Nathan, ano nga ulit pangalan no’n? Nakasulat ‘yon sa likod ng picture, at natutop ko ang bibig ko nang makitang may babae siyang kasama, it was Via. Nakakapit si Via sa braso niya, at nagtatawanan habang naglalakad. Ang aga naman nila?
But wait, wait, wait. Bakit sila magkasama? What’s going on between him and Via?
“K-kuya?” I asked.
“oh?”
“Kayo na ba ni Via?” I asked out of nowhere.
“Hmm, hindi niya pa ako sinasagot.” Sabi niya habang nakatingin pa rin sa kalsada.
Do I have to tell him what I saw? Oh wait! Hindi kaya yung lalaking ‘yon yung figure na nakita ko sa bahay ni Via kagabi? I she cheating on my kuya? Well hindi pa naman sila pero hindi ba’t parang ganun na rin ‘yon? Is kuya Friar a second option?
“Why?” He asked.
Umiling-iling ako’ “Nothing.” I sighed.
Is that man cheating on Nathan? Something smells so fishy here in Santa Monica huh?
Bumili kami ni kuya ng steamed-hotdog, at kape. Doon na rin kami kumain para diretso na ang pamimili namin sa welmart.
Habang namimili kami ni kuya naisip ko na kailangan ko rin bumili ng mga gamit pambabae, you know sanitary napkins, at feminine wash kaya nagpaalam ako saglit kay kuya pero pagbalik ko kausap niya na sila Via, at yung lalaki na Jowa ni Nathan.
Napatingin yung lalaki sa akin, kaya mabilis kong itinago sa likod ko yung mga hawak ko. Sunod naman napatingin si Via, at kuya sa akin.
“Rayne!” Tawag sa akin ni Via.
Dahan-dahan akong lumapit saka ko dahan-dahan na inilapag yung mga hawak ko sa cart nakita kong napatingin doon yung lalaki kaya namula ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakita ko pang ngumisi siya, bwiset talaga.
“Natatandaan mo ba siya?” Tanong ni kuya sa akin sabay turo sa jowa ni Nathan. “Nakasama natin siya noon sa beach.”
Tumingin naman ako sa lalaki, nakangiti siya. Pero mababakas na plastik yung ngiti niya. Parang masamang tao na may binabalak na hindi maganda.
“Hindi ko siya natatandaan.” sabi ko “Pero nakita ko siya kahapon sa gas station. Ikaw yung boyfriend ni Nathan, right?”
Hindi ko alam kong may mali sa sinabi ko pero tumawa silang tatlo.
“Nathan, and me? No, mali ang iniisip mo.” Natatawa niyang sabi sa akin habang kinukumpas pa ang kamay.
“Ah Gid, can you assist her to buy things here. Aakyat lang kami sa taas saglit.” Nakita ko pang kumindat si Kuya bago tumalikod at inakbayan si Via.
“Magtatagal ba kayo?” Irita kong tanong pero hindi nila ako sinagot tumawa lang sila.
Tinulak ko ang cart pero halos mapaluhod ako sa bigat. Narinig kong tumawa si Gil? Gilbert? Sinamaan ko siya ng tingin.
“Parang mabigat yan no?” Sarcastic niyang tanong. Kung ako lang si Hidilyn Diaz baka pag binigwasan ko to tanggal ulo nito.
Hindi ko siya pinansin. Patuloy pa rin ako sa pagtulak pero walang progress.
“Pwede mo hingiin ang tulong ko.” Nakangisi niyang sabi.
“Mukha mo.” Singhal ko sa kanya.
“Okay.” Sabi niya.
Tumigil ako sa pagtulak ng cart. Takte kasi bakit sa cart nilagay ni kuya yung isang kaban ng bigas?!
“Sasabihin mo lang naman yung pangalan ko, tapos sasabihin mo patulong po master.” Sabi niya habang nakacrossed-arms pa rin.
“Alam mo no? Gilbert? Kahit gabihin pa ako dito hindi ko hihingin ang tulong mo.” Sabi ko sa kanya.
“It’s Gideon hindi Gilbert.” Pagcocorrect niya.
“as if I care, sir.” Sarcastic kong sabi sa kanya.
Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko, his hands were warm, and a little bit rough. Di hamak na mahaba ang mga daliri niya, at malaki ang kamay niya kumpara sa akin. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa cart, and effortlessly he pushed the cart.
“Alam mo Summer katulad ka pa rin ng dati.” Sabi niya habang nakatingin sa akin.
Bakit ba ganyan siya makatingin? Tutulong din pala ang dami pang sinasabi.
“Alam mo nagtataka talaga ako kung bakit hindi mo ako natatandaan.” Sabi niya.
Napatingin naman ako sa kanya. Dumampot ako ng dalawang bote ng dish washing liquid, at dalawang sponge.
“Kasi how come you can’t even remember me? Muntik mo na akong mapatay dati.”
“What?” Nabigla ako sa sinabi niya.
“Yup, dinaganan mo ako habang lumalangoy ako dati.” Natatawa niyang sabi.
Naalala ko yung mga picture. Medyo mataba nga ako doon sa picture, at kung totoo man na dinaganan ko siya habang lumalangoy siya dati maaari talaga siyang mamatay.
“That’s why I can’t keep my eyes off of you yesterday. I know you felt weird. Akala ko nga papansinin mo ako, kaya nagtaka ako kung bakit di mo man lang ako kinausap.”
Kaya pala magkaaway kami doon sa picture kasi ganun ang nangyari. Kaya pala ganun yung tingin niya sa akin kahapon. It’s getting more interesting here.