Chapter 4

2236 Words
CHAPTER 4 “This bitterness inside is an empty space I hide.” -Cueshé, Borrowed Time Rayne. “Nathan?” Nasambit ko nang harapin ko siya. “Girl! Bakit hindi mo sinabi na nandito ka?” Tanong niya. “Kadarating ko lang ngayong araw actually. Kasama ko si Mom umoorder pa siya sa counter.” Mababakas sa boses ko na barado ang ilong ko dahil sa uhog. May pagkabasag din ang tunog ng boses ko. “Pero anyare sa’yo girl? Mukha kang nadisaster.” Medyo awkward naman talaga ang hitsura ko ngayon. Hindi pa nga ata ako naliligo simula kahapon. Tapos mukha pa akong bangag. “Ah ano kasi nilalagnat ako.” Pagsisinungaling ko. “Ganun ba? Kung di ka busy, at kung sakaling okay na pakiramdam mo pwede kita I-tour dito sa town. Uhm! Walang bayad ‘yon girl!” Sabi niya. Ngumiti naman ako, agad nga lang akong napangiwi dahil sa hapdi ng napunit na balat ng lips ko. “Sige, next time.” Isang lalaki ang lumapit sa amin na mukhang kasama ni Nathan. Tatanungin ko sana kung boyfriend niya but it’s none of my business. Simula pa noong bata kami talagang makikitaan na ng kalambutan sa katawan si Nathan. Akala ko magbabago ‘yon dahil 6 years old pa lang kami noon may kagwapuhan kasi ‘tong si Nathan pero 13 years have passed ligwak. Confirmed! Siguro nga boyfriend niya yung kasama niya, napaismid ako. Magaling pumili si Nathan, ang pogi ng boyfriend niya. Matangkad ito, curly brown ang buhok, light brown ang kulay ng mga mata, matangos ang ilong, katamtaman lang ang katawan, moreno, at may dalang gitara sa likod. Chichikahin pa sana ako ni Nathan pero sa kabutihang palad tinawag na ako ni Mom, wala pa kasi ako sa mood para makipagdaldalan. Habang kumakain hindi ako mapakali, yung pakiramdam na para bang may nagmamasid sa akin. Napatingin ako sa table nila Nathan na di kalayuan sa table namin di ko naman sinasadya pero nakita kong nakatingin sa akin yung lalaking kasama ni Nathan. Umiwas naman agad siya ng tingin nang mapatingin ako sa kanya. Bigla akong tinayuan ng balahibo, hindi ko alam kung bakit pero parang nabuhayan ako ng dugo. Parang nagising ang ulirat ko, umiwas ako agad ng tingin. s**t ang creepy kasi. He seems so familiar parang nakita ko na siya noon. Hindi ako nakakain ng maayos dahil feeling ko sinusulyapan pa rin ako ng lalaking ‘yon. Sa tuwing tumitingin kasi ako sa table nila nakatingin siya sa akin tapos iiwas kapag tumitingin ako. Maya-maya pa tumayo na sila tapos na sila kumain, kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Pagkatapos kumain nila Mom at Dad nagdrive ulit ng 20 minutes bago nakarating sa village kung nasaan ang bahay. Ibinaba na ni Dad ang mga gamit ko, at tinulungan ako na iakyat ang mga ito sa kwarto. Ang dating maliit na kama ay napalitan na ng malaki, modern ang design ng kwarto, at medyo aesthetic ang mood. Sa palagay ko si Kuya ang nagdesign nito dahil opo engineer siya, at marunong siya when it comes to organizing things. I asked where Kuya is but I remembered it’s Wednesday so he must be in school now. Mom gave me a little tour inside to show me that a lot of things had changed over the past 13 years. Some renovation were made specially sa kwarto ko dahil masyado ‘yong maliit para sa akin. Mukhang alam din nila, at iniexpect ang paglipat ko rito sa Santa Monica.  I give out a deep sigh. Miss ko na agad si Tita Rose, at Tito Lance. Si Cain, naisip ko nanaman. I can’t stop myself from thinking about him. Nang makapagbihis si Dad, at Mom ay umalis na rin sila. Sinabi naman nila na babalik sila agad, okay lang naman dahil gusto ko rin mapag-isa. Umupo ako sa sofa, at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ko. Tinignan ko kung online ba si Cain pero hindi ko na siya maimessage, at mukhang naiblock niya na ako. Sinubukan kong tawagan ang number niya pero hindi na rin matawagan. Naramdaman ko ulit na basa ang pisngi ko dahil sa luha, hindi ko alam kusa na lang tumutulo. Paano ako magsisimula ulit sa ganitong sitwasyon? Wala si Tita sa tabi ko, at si Cain na nagsisilbing comfort zone ko tinalikuran na ako ng tuluyan.  Panibagong pag-aadjust nanaman sa mga taong pakikisamahan ko. I mean they’re my family but growing up far from them is a different thing. Para akong nangangapa sa dilim. Paano ako magsisimula ulit kung yung buong buhay ko umikot na sa San Juan?  Sinubukan ko umidlip dahil bangag na talaga ang itsura ko, at ayaw ko na mag-alala si Kuya kapag nakita niya ako na ganito. Para makalimot kahit sandali lang. Para makasama ko si Cain kahit sa panaginip na lang. Kahit na saktan niya pa rin ako sa panaginip ayos lang basta kasama ko siya doon magiging okay ako. Nagising ako sa tunog ng sasakyan na huminto sa harap ng bahay, nakabaluktot ang katawan ko sa sofa, at basa ang mukha ko ng pawis. Bumangon ako para silipin kadarating lang nila Mom, at Dad. Halos alas dos na rin ng hapon. Nasapok ko ang noo ko hindi ako nakapagsaing para sa tanghalian, siguradong gutom na sila. “Sorry hindi po ako nakapagsaing, nakatulog po ako.” Agad akong nagtungo sa kusina pero pinigilan ako ni Mom at sinabi na magpapadeliver na lang daw ng pagkain. Tinawanan lang nila ako, “Hindi naman problema ‘yon, sweetie.” natatawang sabi ni Mom. So ganito ang buhay nila dito? Kapag hindi nakapagluto oorder sa labas o di kaya naman ay sa labas na lang kakain? “Alam naman namin na pagod ka sa biyahe, isa pa ubos na rin ang stocks sa kusina, bukas pa lang magpupunta sa grocery ang Kuya mo. Pwede mo siya samahan kung gusto mo.” Sabi ni Mom. Tumango na lang ako. Umakyat na lang ako sa kwarto para maligo. Dalawang araw na ako hindi naliligo. Kaya pala sabi ni Nathan mukha akong nadaanan ng Disaster. Shet! Ano kayang itsura ko habang kausap nila ako? Masyado kayang mukhang dugyot? Baliw na siguro kung baliw pero umiiyak ako habang tumatawa, at nakaupo sa inidoro. Hindi ako nagbabawas pero talagang gusto ko lang umiyak ang sakit eh. Kapag naaalala ko kung paano niya pinangako na sabay kami magtatapos ng magkasama, magtatrabaho, pakakasalan niya ako, tapos kung ilan yung gusto naming anak. Akala ko kasi totoo yon eh, akala ko magkakatotoo. Kasi si Cain yung tipo ng lalaki na hindi madaling maattract sa ibang babae loyal, at faithful siya. Kahit kailan hindi kami nag-away dahil sa third-party o selos. Natatawa ako kasi hindi pala babae ang magiging kaagaw ko sa kanya, si Lord pala. Tama siya kahit na magmadre ako hindi pa rin magiging kami, at hindi mababago ang lahat. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko, at bakit ko naisip ang pagmamadre. I’m so pathetic. Sinampal ko ang sarili ko, at sinabunutan. Ang tanga ko sa part na halos lumuhod ako sa harap niya para lang wag niya akong iwan. Pakiramdam ko naibigay ko yung dignidad na meron ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ako natapos maligo, hindi ko maalala kung nagshampoo ba ako o nagsabon. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na nagbibihis. Kinatok ako ni Mom sa kwarto para kumain ng tanghalian pero hapon na kaya meryenda na siguro yon. Walang gana kong tinitigan ang pagkain. Tinikman ko lang pero hindi ko pa nakakalahati ay nakaramdam na ako agad ng pagkabusog. Hindi literal na busog pero hindi ko maramdaman na gutom ako. Pagkatapos kumain pumunta ako sa kwarto, hihiga sana ako para magmumukmok ulit pero naagaw ng pansin ko ang kulay pula na metal box, nakapatong ito sa ibabaw ng closet. Kinuha ko yon at binuksan nang makaupo na ako sa kama. Old photos are peacefully kept inside, picture ko ito sa beach kasama ang tatlong batang lalaki si Nathan yung isa nakasuot pa nga siya ng pink na shorts, may hawak siyang sea shells. Si Kuya nakaupo sa buhangin habang naghuhukay ng butas. Bigla akong napangiwi sa nakita ko, nasa gilid ako ng picture medyo malayo sa likod habang sinisipa ang isang batang lalaki sa tiyan. Although nakafreeze kami sa picture syempre sa Harry Potter lang naman gumagalaw ang mga picture pero makikita na sinipa ko yung batang lalaki sa tiyan. Napahalakhak ako sa nakita, “Sino ‘to?” tanong ko sa sarili ko. Kasi sigurado ako na si Kuya, at Nathan yung dalawa pero hindi ko kilala yung isang lalaki. Tinignan ko yung pangalawang picture si Nathan, at ako. Nasa beach pa rin kami this time tinatabunan nila ako ng buhangin sa paa para magmukha akong mermaid. Wala si Kuya sa picture pero nandoon ulit yung batang lalaki, at akmang babatuhin ako ng binilog na buhangin sa ulo. “Takte! Mortal enemy ko ba ‘tong bata na ‘to?” Natatawa kong tanong sa sarili ko. Bakit hindi ko maalala kung sino ‘to? Bakit si Nathan lang? Sino siya? Bakit parang magkaaway kami sa pictures? Yung sumunod na picture magkakaakbay kaming apat tapos nakangiti kaming tatlo pwera sa batang lalaki na katabi ko dahil nakangiti siya pero nakangiwi ng konti tapos napansin ko kung bakit ganon yung ngiti niya. Nakatapak yung paa ko sa paa niya. Di ko alam kung sinadya ko ba yon o sadyang mabigat lang yung paa ko dahil medyo mataba pa ako nung bata ako sa picture. May dried starfish, keychain, at old coins. Tinitigan ako ang tatlong pictures medyo nakaramdam ako ng tuwa. Hindi naman sa natutuwa ako dahil sinasaktan ko yung batang lalaki sa picture pero natatawa lang talaga ako sa kung paanong hindi ko siya maalala kung ganito kami magsama nung mga bata kami? Tinignan ko ang likod ng mga litrato if ever may date na nakalagay kung kelan ito kinunan. May nakita ako pero hindi petsa ng araw kundi mga pangalan. Summer Rayne, Friar Tristan, Nathan Bailey, Gideon Kage. “Gideon Kage?” Sambit ko. Sino siya? Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa f*******: para hanapin yung pangalan baka sakaling may social media siya. Isang account lang yung lumabas pero nakaprivate yung profile tapos anime pa yung profile picture, at walang cover photo. Nagbakasakali ako sa i********:, at nabigla ako sa nakita ko. Ito yung boyfriend ni Nathan, at hindi ko alam kung bakit bumilis yung t***k ng puso ko, pero para akong kinakabahan na aligaga. Hindi maawat yung puso ko sa pagtibok. Siguro kasi weird yung naging unang impression ko sa kanya. So ever since bata pa siya magkasama na sila ni Nathan? Matagal na kaya sila magkasintahan ni Nathan? Malamang Rayne tinatanong pa ba ‘yan? Nawa’y lahat ay may matibay na relasyon. Pero teka, kaya ba siya nakatingin sa akin sa fast food kaninang umaga dahil masama ang loob niya? Galit kaya siya sa akin? May hinanakit kaya siya sa akin? Kailanga ko ba magsorry sa kanya? Pero kailangan niya rin magsorry sa akin dahil hindi lang naman ako ang may masamang ginagawa sa pictures balak niya rin ako batuhin sa ulo. Iniligpit ko na lang ang mga picture at ibinalik sa loob ng box. Muli ko itong ipinatong sa dati nitong lagayan. Bumalik ako sa pagcecellphone, at chineck kung nagmessage ba si Cain. Pero wala siyang paramdam, ano pa ba ang aasahan ko? Wala na talaga. Hindi ko lang kasi talaga matanggap na ganun kabilis natapos ang lahat ng pinagsamahan namin. I must forget him. Hindi na siya babalik, at kailangan ko tanggapin na tinahak niya yung landas kung saan wala ako. I must do the same thing, kailangan ko na magfocus sa kung anong meron ako ngayon. I have to keep myself busy para hindi ko siya maisip lagi. Pero ano bang meron ako ngayon? Wala naman. I give out a deep sigh. Nabuhayan na lang ako ng dugo nang marinig ko ang boses ni Kuya sa baba. Agad akong bumangon, at bumaba. Nanlaki naman ang mata ni Kuya nang makita ako. “Ang liit mo pa rin! I miss you!” Sabi niya habang yakap ako. “Bakit ang payat mo? At bakit sabog yang mga mata mo?” Medyo naging aligaga ako, “Ano Kuya, I miss you too!” Pagbabalewala ko sa tanong niya. “Pagod lang sa biyahe ‘yang kapatid mo. Saka nag-aadjust pa siya.” Sabi ni Mom. Agad akong tumango-tango para umagree sa sinabi ni Mom. Binigyan ako ni Kuya ng suspicious na tingin pero ngumiti naman siya agad, at ginulo ang buhok ko. “You’ll come with me tomorrow bibili tayo ng stocks sa grocery, at para maipasyal kita ng konti dito sa Santa Monica.” Sabi niya. “Thursday bukas Kuya, wala ka bang pasok?” Tanong ko. “Graduation na ng seniors sa Friday, kaya wala na kaming pasok. Nga pala, pupunta dito mamaya si Via ipapakilala ko siya sa’yo.” Nakangiting sabi ni Kuya habang medyo namumula ang tenga. “Via? Girlfriend mo no?” Pangaasar ko sa kanya. “Soon to be, hindi pa raw siya ready but who knows? Sa gwapo kong ‘to di ba?” Confident niyang sabi. Umakto ako ng parang nasusuka kahit na totoo naman ang sinabi niya. May itsura talaga si Kuya pero ayoko lang sabihin kasi malamang lalaki nanaman ang ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD