Nagdesisyon sina Carmina at Sherryl na doon patuluyin sa bahay nila sina Theo at Theros. Binawi na ng ama ni Maureen ang bahay at bininta. Ayaw naman tumira ni Theros sa bahay ng ama dahil galit parin siya dito. At hindi rin papayag ang magkapatid na Montenegro na mahiwalay sa kanila ang pamangkin. Hindi rin nila hinanap ang Ate Jerasil nila dahil gusto nila bigyan muna 'to ng space at makapag-isip ito ng maigi. "Kuya Theros tanggapin mo na ang tulong namin." Alok ni Sherryl kay Theros. Simula ng ma-bankrupt ang kompanya ng mga Almeda ay pinasarado na ito ni Theros. "Huwag na. Sapat na kinopkop niyo kami ni Theo. Malaking tulong na iyon. May natira pa akong pera at iyon ang balak kong gawing puhunan." "Ang ibig mong sasabihin bubuksan mo ulit ang kompanya?" Sabat naman ni Carmina. "

