Rylee Cont. Nang makarating kami sa loob ay umupo ako sa pahabang sofa at tumabi si Daddy sa akin habang si Cayson ay sa katapat namin katabi si Tita Marla na nasa kabilang couch. Silence. Hindi ko alam kung ano ang hinihintay nila. Mag-uusap pero tahimik naman kaya naman ako na lang ang nag-umpisa ng pag-uusap na sinasabi nila. “We are here because of unexpected twists of our life, am I right?” Simula ko saka binalingan sila ng tingin. “And there's nothing to talk about this unexpected twist of our life. Masaya na kami sa buhay namin kaya bakit n'yo pa kailangan makisali.” Masamang tingin ang ipinukol ko kay Cayson. Ang sama talaga ng dila ng isang ‘to, e. Bakit ba kasi sa dami-dami ng tao sa mundo, e, ito pa ang naging kapatid ko? “We have the same thought. I'm also happy with mys

