Rylee “WHO'S sugar daddy?” Natulos ako sa aking kinatatayuan sa tanong ni Daddy. Ito na ba ang tamang oras para ipakilala ko si Oldie? Pero parang wrong timing naman. Kainis naman kasi si Cayson at paepal. Masyadong pabibo ang bibig. Naramdaman ko ang pagluwag ng yakapan moment namin. “Thomas, I remember that Mr. Wong is waiting for your response, unahin mo na muna iyon at ako na muna ang bahala sa mga bata,” wika ni Tita Marla kaya agad ko siyang nilingon. “Oo nga pala, I almost forgot,” wika naman ni Daddy pero binalingan niya ako at may kakaiba sa tingin niya, “We will talk later about this.” Tumango ako saka inaya na kami ni Tita Marla palabas ng opisina ni Daddy at nang makalabas kami ay mabilis kong siniko si Cayson na kung makahiyaw ay parang mamamátay na. “I hate you! Your

