Buong byahe akong nakahalukipkip at masama ang loob na nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse ni Isaiah. Honestly, I can't figure out why, but I'm extremely irritated with him. It feels like he's toying with my emotions! Kinakausap ako ni Irene kanina pero sobrang tabang ng mga sagot ko buti na lang at inaantok siya at ngayon ay tulog na.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Isaiah. Bumaba siya at umikot saka pinagbuksan ng pinto si Nicole bago pumunta sa pwesto ko pero bago niya pa man mabuksan ito ay inunahan ko na siya. Nagulat pa nga siya sa bigla kong pagbukas pero inirapan ko lang siya. Napabuntong hininga na nga lang siya bago pumunta sa kabilang side para pagbuksan at gisingin ang kapatid.
Nang magising si Irene ay kaagad siyang lumapit sa 'kin at yumakap sa braso ko. And I think she's really sleepy since she didn't even glance at Nicole, who was standing like a tree beside me, as if she forgot the girl was with us.
Tuloy tuloy na kaming pumasok sa loob. Ako na ang nag order sa mga house helpers nila na maghanda ng pagkain bago kami umakyat sa kwarto ni Irene. Doon niya lang din naalala na may iba pa pala kaming kasama so hinila niya rin ang babae kasama namin.
"I have so many clothes here, feel free to pick kung anong gusto mong isuot." Sabi ni Irene habang ginigiya si Nicole sa walk in closet niya.
Nakaupo lang ako sa kama ni Irene at pinapanood sila. Irene pulled out so many clothes from her closet and showed them to the stunned Nicole. She stood there awkwardly, staring at the expensive outfits Irene was displaying.
"T-tuyo naman na ang damit ko k-kaya h'wag na lang siguro." Nahihiya niyang sabi.
Mabilis namang umiling si Irene habang namimili pa rin ng damit. Hawak niya ngayon ang sa tingin kong pinakasimple niyang dress.
"No. You need to change. Baka umuwi ang mommy ko ngayon at baka isipin niya bagong hire kang katulong." Seryosong sabi ni Irene at mabuti na lang ay mabilis kong natakpan ang aking bibig bago pa 'ko bumunghalit ng tawa.
"Which one do you think would suit her best?"
Tinignan ko ang dalawang dress na hawak niya. Isang kulay yellow at isang kulay pink. Nicole is a pretty girl, I can't deny that, but I don't think either of those two pretty dresses will suit her. In fact, I don't think any of Irene's clothes will suit her.
"Best?"
Tinignan ko naman si Nicole. Inayos niya ang kan'yang salamin sa mata saka nag iwas ng tingin sa 'kin. Mukha siyang napapaso na ewan.
"She's pretty—"
"She is kahit mukha siyang manang." Sagot naman ni Irene na tumatango tango pa.
Oh, Irene is really...
Nicole shifted uncomfortably. She looked constipated now. Tumingin siya sa direksyon ng pinto na nakabukas saka pinamulahan ng mukha. Hindi ko na kailangang tignan kung anong meron do'n dahil sa pamumula pa lang ng mukha niya ay halata na.
"A-ano, h-hindi na lang talaga siguro ako magpapalit."
"Ha? Pero may stain ang dress mo." Nag aalalang sabi ni Irene.
"If she doesn't want to change then hayaan mo na siya, Ren. Huwag mong pilitin ang tao kung ayaw, besides wala naman sa mga dresses mo ang babagay sa kan'ya." Balewalang sabi ko saka kunwaring nagpipindot sa phone.
Bahangyang namilog ang mga mata ni Nicole at mas namula ang buong mukha habang panakanakang sumusulyap sa may pinto. Si Irene naman ay nagkibit balikat lang saka muling ibinalik ang mga damit na inilabas niya.
Yes, I realise that what I said was a bit harsh, but it's the truth. But, that doesn't justify my rude remarks. I'm struggling to understand why I said those things in the first place. I'm not normally a mean person, but right now, I'm feeling unusually irritated, and I can't pinpoint the reason for it. My frustration seems to have gotten the best of me, and I regret that my irritation led me to speak so bluntly. Hindi rin naman kaya ng ego ko na bawiin pa ang sinabi at mukhang wala namang nakapansin kaya hinayaan ko na lang.
"Tara na lang sa baba, baka tapos na silang maghanda ng pagkain."
Hindi pa naman talaga kami gutom since katatapos lang namin sa lunch pero nag aya kasi si Irene na mag movie marathon daw kami kaya minabuti ko na mag utos sa mga helpers na maghanda ng finger foods.
Tumayo na ako at saktong nagkatinginan kami ni Isaiah. Inirapan ko lang siya at nilampasan. Narinig ko pa ang pagsipol niya pero hindi ko talaga siya nilingon.
Dumiretso ako sa kitchen at nag volunteer na tumulong sa pagdala ng mga merienda sa movie room.
"Miss Ria, kami na po." Sabi ng isang helper habang sinusubukang kunin sa 'kin ang dala kong stuffed mushrooms.
"No, ayos lang. I can handle this." Nakangiti kong sagot pero bakas pa rin sa mukha nila ang pag aalala.
"K-kasi po baka kagalitan po kami ni sir Isaiah."
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.
Well, as I've mentioned before, I often spend a significant amount of time staying here in the Jimenez household because I genuinely enjoy being around them. Over the years, I've become more than just a frequent visitor; I've come to be treated as a part of their family. This special bond is largely due to the fact that their parents has grown particularly fond of me. kaya it feels only natural that the house helpers also regard me with the same respect and consideration as they would one of the family members, pero OA naman itong ganito. Hindi ko lang napapansin dati dahil hindi ko naman talaga ugaling tumulong sa kusina pero maliit na bagay lang naman ang pagdala ng ilang pagkain at hindi naman 'to mabigat kaya anong ikakagalit ni Isaiah do'n?
"S-sa tingin lang po namin." Sagot nito.
Umirap ako sa hangin saka naunang naglakad.
"Just do your job at 'wag n'yo na akong isipin. Hindi kayo papagalitan no'ng amo n'yo dahil lang may dala akong isang platong pagkain."
Nasa tapat na kami ng movie room nang saktong bumukas ito at unang bumungad sa 'kin ang malapad na dibdib ni Isaiah. Tumingala ako at nagkatinginan kami. Mukha pa siyang nagulat din tulad ko pero agad ding nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin ang dala ko. Bago pa nga ako makapagsalita ay mabilis niya nang nakuha 'yon sa 'kin.
"What are you doing? Bakit ikaw ang may dala nito?" Tanong niya at hindi nakaligtas sa 'kin ang matalim niyang tingin sa mga helpers na kasama ko.
"Huwag ka ngang OA riyan. Hindi 'to mabigat, Isaiah." Sagot ko saka sinubukang kunin sa kan'ya ang glass container pero mabilis niya itong nailayo.
"You're not a maid here, Ria."
Umirap ako at humalukipkip. I can't believe na pagtatalunan namin 'to.
"I am not, yes but I was just trying to help them."
Umangat ang isa niyang kilay at bakas sa nakakaasar pero ubos ng gwapo niyang mukha na hindi siya naniniwa sa 'kin.
"You can't fool me." Sabi naman niya at umirap din sa 'kin!
Aba!
"Ipasok n'yo na 'yan sa loob." Utos niya na agad namang sinunod ng mga helpers.
Sinubukan ko ulit kunin sa kan'ya 'yon pero muli lang niyang inilayo.
"Ano ba!"
"Stop it, Ri."
Nang muli ko itong abutin ay mabilis niyang nahuli ang aking kamay at ibinaba. I was expecting na bibitawan niya rin agad ang kamay ko pero hindi. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero lalo lang humigpit ang hawak niya rito.
"Ano ba, Isaiah!"
"Stop whining like a brat, Ria." Angil niya at bahagya pa akong hinila.
Pinipiglas ko ang kamay ko pero balewala lang talaga sa kan'ya. Magkahawak kamay tuloy kami hanggang makarating kami kina Irene.
"What happened to the two of you?" Tanong ni Irene nang makitang nakasimangot na naman ako.
"Aria wants to apply as one of our maids."
Namilog ang mga mata ko at mabilis siyang hinampas na ikinatawa niya. Ngumuso naman si Irene at nakita kong bahagyang nagtagal ang tingin niya sa mga kamay namin ni Isaiah pero wala namang sinabi.
"I-Isaiah, upo ka r-rito."
Mabilis akong napatingin kay Nicole na nakaupo na sa sofa. Tinatapik pa nito ang bakanteng pwesto sa tabi niya. Napatingin siya sa 'kin at tipid na ngumiti bago muling bumaling kay Isaiah.
Marahas kong hinila kay Isaiah ang kamay ko at mukha namang nagulat siya dahil mabilis niya akong nabitawan.
"Ri—"
"Ren, tabi tayo!" Masigla kong sabi saka mabilis na lumapit kay Irene at naupo sa carpeted floor sa tabi niya.
"Best, horror daw papanoorin natin sabi ni Isaiah kaya we really should sit closer to each other para mayakap natin ang isa't isa!" Sabi niya saka isiniksik ang sarili sa 'kin.
Narinig kong bumuntong hininga si Isaiah saka inilapag ang glass container na may stuffed mushrooms sa glass centre table. From ng peripheral vision ay nakita ko pa siyang tumingin sa 'kin pero hindi ko siya nilingon.
"Ang daming masasarap na pagkain!" Nicole said excitedly, pumalakpak pa nga siya.
"Yes, masarap 'yan lahat kaya enjoy mo lang." Sabi naman ni Irene na nilingon pa talaga siya.
Wala naman akong naging imik. Naka-focus lang ako sa malaking LED TV sa harap kahit pa hindi naman pumapasok sa utak ko ang mga eksena.
Hours slipped by, and I found myself remaining utterly still. Well, at first I would flinch and jump each time the monster in the movie made an appearance, my heart racing in fear. But every time I reacted, Isaiah's irritating laugh would fill the room, mocking my fright. And since I'm determined not to give him the satisfaction, I then forced myself to stay quiet and tried to suppress my reactions. Humihigpit na lang tuloy ang hawak ko sa kamay ni Irene na mahigpit na nakayakap sa 'kin.
Ganoon lang ang eksena hanggang matapos ang movie. Nang mag end credits na ay mabilis akong tumayo.
"Where are you going, best?" Tanong ni Irene na nakaupo pa rin sa lapag.
"Nauuhaw ako, iinom lang ako ng tubig." Sagot ko naman.
"Ha? But we have w—" Natigilan siya nang makitang wala ng laman ang pitcher ng tubig. Kaming dalawa nga yata ang nakaubos no'n kakainom kanina dahil sa takot.
"Babalik din ako agad."
I caught a glance of Isaiah looking at me while still comfortably sitting on the sofa, but I never spared him another look. Mabilis na akong lumabas at dumiretso sa kusina. Naabutan ko pa roon ang ilang helpers na busy sa paglilinis pero agad din naman nila akong inasikaso pagkakita sa 'kin.
Nakaupo lang ako sa kitchen stool habang umiinom ng tubig nang makarinig ako ng mga yabag. Hindi na nga ako nagulat nang makita si Isaiah na dumiretso sa fridge nila at kumuha ng malamig na tubig.
"Umalis muna kayo rito." Mayamaya'y sabi niya at agad namang nag alisan ang mga helpers nila.
"What?" Tanong ko nang matuon sa 'kin ang kan'yang tingin.
"What's wrong with you today?" Kunot noong tanong niya.
"What are you talking about?" Balik kong tanong. Para kaming mga tangang nagbabatuhan ng tamong dito.
Umangat ang isa niyang kilay at humakbang palapit hanggang sa nasa mismong harapan ko na siya. I was sitting and he's standing in front of me and because of his towering height kaya halos mabali ang leeg ko sa pagtingala sa kan'ya.
"You're acting like a grumpy old maid again today." He said teasingly.
Umirap ako at bahagyang tinulak ang dibdib niya but he didn't even bulged.
"It's because you're annoying me!"
"What?" Natatawa niyang sabi.
"Kanina ka pa nang aasar!"
Humaba ang nguso niya at muntik pa akong matumba nang bigla na lang niyang inilapit ang pagmumukha niya sa 'kin. Kung 'di lang dahil sa kamay niyang mabilis na sumalo sa likod ko ay baka nakahiga na ako sa sahig ngayon!
"What do you think you're doing, Isaiah?!"
Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay tumawa lang siya. Nakakasar talaga ang lalaking 'to! Alam na alam niya kung pa'no pakuluin ang dugo ko.
"Kaunti na lang talaga, Ri at iisipin ko ng nagseselos ka sa 'min ni Nicole." Nakangisi niyang sabi.
Agad na namilog ang mga mata ko at hindi ko talaga napigilan ang pag awang ng aking mga labi. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. At talaga bang sinabi niya 'yon?!
This shameless brute! Ako?! Ako magseselos sa kanila?! Ha! Pakialam ko ba sa kanila?! Walang nakakaselos noh! In fact, I'm happy for them! Yes, kung may isang tao mang natutuwa rito dahil may improvement na sila ay ako 'yon!
"Seryoso ka ba riyan sa sinasabi mo, Isaiah?" Tanong ko saka umayos ng upo.
"Yes. There's only one reason for you to act like that, and it's because you're jealous." He said those words confidently, as if he were more than a hundred percent sure that he was right.
Napalunok ako at ramdam ko ang unti unting pagbalot ng init sa mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi pa nakakatulong na titig na titig siya sa 'kin habang hindi pa rin nabubura sa mukha niya ang nakakaasar niyang ngisi.
Huminga ako ng malalim saka humalukipkip. I have to do something. He needs to stop his ridiculous nonsense.
"And what made you think that I am jealous, Isaiah?"
Muling umangat ang kilay niya at muli ring inilapit ang mukha sa 'kin. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin at amoy na amoy ko na rin ang bango niya at kahit tumatahip na ang dibdib ko ay nanatili pa rin akong matatag. Hindi na ulit ako umiwas kahit pa tumatama na sa buong mukha ko ang mainit niyang hininga.
"Kanina ko pa napapansin na iba ang treatment mo kay Nicole."
Muli akong napalunok saka tinaasan siya ng kilay.
"Nonsense."
Muling umangat ang gilid ng kan'yang labi at muntik na akong magpakawala ng singhap nang marahang humaplos sa pisngi ko daliri niya.
"You were lowkey being mean to her, Ri. I'd let it pass if it were Irene acting that way since she can be really mean sometimes, but not you. You can be a spoiled brat, but you wouldn't be mean to someone without a deeper reason..." Lumawak ang ngisi niya nang hindi ko na nga napigilan ang pamimilog ng aking mga mata.
"T-that's nonsense, Isaiah."
"Yeah? Well, I heard how you were throwing subtle insults at Nicole, and I saw how intensely you were staring at her, like you wanted to drill a hole in her head."
No! I swear I'm not jealous of him and her! In fact, I don't even give a s**t about them! Well, maybe he's right that I'm being mean to her, but only because I feel like she's invading my space! Isaiah and Irene are my people! I was so used to being the only one who could really get close to them, so it's only natural for me to act and feel this way when a stranger suddenly comes in. That's the only reason, and not because I'm jealous of them and their blossoming relationship!
"Don't try to deny it, Aria."
Mariin kong kinagat ang aking labi. Gustong gusto ko na siyang sigawan at sabihing mali ang mga sinasabi niya pero alam kong walang patutunguhan 'yon. Kilala ko si Isaiah, mas maniniwala lang siyang totoo ang mga walang kwentang bagay na sinasabi niya sa oras na magpakita ako ng matinding emosyon.
"I am not denying anything, Isaiah—"
"Uhuh? Then why are you acting like that?" He asked cockily.
"Hindi ko alam kung bakit ang layo ng narating ng imagination mo. I wasn't being mean to her, siguro hindi lang ako sanay na may ibang malapit sa amin ni Irene lalo na at hindi naman talaga namin siya kilala. She's not our classmate, Isaiah. Hindi rin namin siya nakakasama sa school kaya natural lang naman siguro na manibago ako? Ano bang gusto mo, maging close agad ako sa kan'ya?"
Unti unting nabura ang nakakaasar niyang ngiti pero alam kung hindi pa rin siya kuntento.
"I can see the progress in your relationship. Keep it up, bagay naman kayo." Sabi ko na may kasamang ngiti.
Nakita kong natigilan siya. Umawang pa ang bibig at parang hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin.
Marahan ko siyang itinulak sa dibdib at nagulat pa ako dahil madali ko siyang nahawi na para bang isa lang siyang papel na tinangay ng hangin.
"Oh, and I'm not jealous, Isaiah." Tumawa pa ako para mas mag mukhang convincing.
"How can you prove to me that you're not jealous, then?" Tanong niya habang mariin ang tingin sa akin.
"Bakit naman ako magseselos? May boyfriend ako, Isaiah. Alam mo namang matagal na 'kong may gusto kay Harry, 'di ba? Isa pa, ako ang nagsabi sa 'yong subukan mong makipagrelasyon sa iba." Sagot ko naman.
Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kong mahigpit ng nakakuyom ang kan'yang mga kamao pero nang tignan ko ang mukha niya ay wala namang akong mabasang kahit anong emosyon doon. Kahit iyong pang asar niyang tingin ay wala talaga.
Kinagat niya ang ibabang labi saka huminga ng malalim at muling sinalubong ang mga mata ko. Umangat ulit ang dulo ng kan'yang labi hanggang sa ang simpleng ngisi ay nauwi na sa pagtawa. He was laughing maniacally, but what was strange was that when he looked me in the eyes again, all I could see was rage.
"You really know how to crush me, Ri." Nakangisi niyang sabi habang direktang nakatingin sa 'kin.
What? Anong ibig niyang sabihin? I was about to ask him pero naunahan niya na akong magsalita.
"Let's see where this will take us then." Iyon ang huli niyang sinabi bago ako iniwan.
Wala sa sariling natulala ako sa kawalan. Naguguluhan ako sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin do'n? Crush him? What? I am even helping him!
"Ri?"
Mabilis akong napalingon sa kararating lang na si Irene.
"Are you okay? Nakita kong galing dito si Isaiah. Nag away na naman ba kayo?" Nag aalala niyang tanong.
Mabilis naman akong ngumiti sa kan'ya. I shouldn't pay attention to those nonsensical words from him. I'm sure he only said them to confuse me and maybe to get back at me for messing up his wild imaginations.
"Alam mo naman kung ga'no ka lalas mang inis niyang kapatid mo, Ren."
Ngumuso siya at yumakap sa braso ko saka sabay na kaming naglakad papuntang salas nila.
"Tingin mo ba magiging sila na?" Mayamaya'y tanong niya.
"Bakit mo natanong? Kung sakali, ayos lang ba sa 'yo?"
"Hmm, wala naman talaga akong pakialam kahit sino pang i date niyang kuya ko. And I think Nicole's a nice girl. Achiever siya so maybe she can influence my brother na maging matino na."
Tumango ako.
"I agree."
"Baka nga siya pa ang magpaiyak kay kuya kapag pinagpatuloy niya pa rin 'yang pagiging playboy niya. Ikaw, tingin mo?" She said while giggling.
Natawa naman ako. Si Isaiah iiyak dahil sa babae? Bakit ang hirap naman yatang paniwalaan no'n.
"Sa tingin ko malabong mangyari 'yon, Ren."
"Bakit naman?"
"You're brother's a manwhore. Ang hirap lang isipin na mapapaiyak siya ng babae." Natatawa kong sagot.
"Hmm..."
Nakangisi si Irene na parang agree din siya sa sinabi ko pero bakit parang may kakaiba sa mga mata niya?
"But a manwhore still has a heart, Ri. They can still get hurt, especially if the person they love is the one pushing them away." Nakangisi niyang sabi.
"Ha?"
"Oh! Nandito na pala si mommy! Hinahanap ka, may dala siyang carrot cake! Let's go!" Hindi na ako nakaangal pa nang mabilis niya na akong hinila.
Naabutan namin sa salas sila tita. Mukhang kinakausap nito si Nicole na nakaupo sa tabi ni Isaiah.
"So, you're classmates with my son? How has his academic performance been?" Isaiah's mother asked while elegantly seated on the single-seater couch.
"A-ayos naman po. T-tinutulungan ko rin po siya minsan k-kapag kailangan p-pero minsan lang po talaga dahil natural na matalino po siya." Kabadong sagot naman ni Nicole habang hindi mapakali sa upuan.
"Good to hear that—Darling, you're here!" Tumayo si tita at sinalubong kami ni Irene. Yumakap siya sa akin saka niyakap ang katabi ko.
"Hello po, tita."
"I brought your favorite carrot cake, hija."
"Thank you po."
"Oh, I'd really love to bond with you kids, but I'm only here to pick up some papers for the company meeting later, so I have to go." Bumaling si tita kay Nicole na biglang napaupo ng tuwid. "Enjoy your stay—what's your name again?"
"N-Nicole po."
"Ah yeah, enjoy your stay, Nicole."
Muli kaming niyakap ni tita bago ito nagmamadaling umalis. Pinahatid naman ni Irene sa kusina ang cake saka nag utos na maghanda ng pang dinner.
"So...dito matutulog si Nicole ngayong gabi?" Mayamay'y tanong ko.
"Ayaw mo ba, best? Pwede namang ipahatid ko na lang siya sa driver namin—"
"No!" Mabilis kong sabi.
Ayoko namang isipin nilang hindi ko gusto na nandito si Nicole. It's just that...
"I'm fine, ayos lang na nandito siya. I mean, mas okay nga 'yon, 'di ba? The more the merrier." I said and was followed by an awkward laugh!
God! Iniisip siguro nilang ang plastic ko! I am not, okay?! Naninibago lang talaga ako. At bakit ba ako pa ang mas naninibago kaysa kay Irene? Hindi ba siya naaasiwa na may stranger sa bahay nila?
So that was what happened. Nicole stayed the Jimenez house for the night. We had dinner together, with Irene taking the lead in conversation while Nicole, who seemed obviously uncomfortable and shy, barely contributed. I joined in from time to time, trying to keep the conversation flowing and avoid any negative impressions of me. While Isaiah was silent throughout dinner, masama ang tingin sa pagkain sa plato niya na para bang may ginawa itong masama sa kan'ya. Kaya hindi na namin siya sinali ni Irene sa usapan, while Nicole tried asking him a few questions that he answered with only yes or no. After dinner, we watched two more movies before heading to bed. I stayed in Irene's room, Nicole took the guest room, and Isaiah went to his own room without saying a word to any of us.
"A-ayos lang ba si Isaiah?" Tanong ni Nicole habang nakatingin sa kakasara pa lang na pinto ng kwarto ni Isaiah.
"He's just being a b***h. Don't mind him." Iritado kong sabi.
Tumawa at pumalakpak naman si Irene kaya sabay kaming napatingin sa kan'ya.
"You like my brother, right?" Diretso niyang tanong kay Irene na namilog ang mga mata.
"Then do your best to win him over, because I'm telling you, he will only fall for you if you become that person he likes or surpass that person he likes. But, to be honest, that's nearly impossible."
Parehos kaming nagtatakang tingin ang ibinato kay Irene. Ano raw?
Friends with Benefits
Copyright © theunholymary
All rights reserved. 2024