Nakahiga ako sa aking kama habang diretso ang tingin sa kisame. Magmamadaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Masyado pa rin akong ginugulo ng mga nangyari kanina. Nakakatawa lang isipin na ang masaya sanang celebration ay nauwi sa ganito. Well, to be fair, maganda naman ang kinalabasan as expected kina mommy, ako lang naman ang may problema. Naisubsob ko ang mukha ko sa unan nang muling bumalik sa isip ko 'yong nakita ko kanina. I still can't believe it. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, basta ang alam ko lang ay galit ako. Galit ako sa sarili ko kasi masyado akong naging tanga at manhid sa sarili kong nararamdaman. Galit ako sa sarili ko kasi masyado akong naging confident na walang nararamdaman si Isaiah para ro'n kay Nicole. At galit din ako kay Isaiah dahil pinaramda

