Chapter 21 “PERO HINDI NIYA PUPWEDE GAWIN ‘YON, ATTY. SANTIAGO.” matigas na sabi ko. “Wala kaming ginagawa ni Zeus para sampahan niya ito ng restraining order!” naiinis na wika ko. Pagkatapos namin malaman ang ginawang kahangalan ni Elise sa pagsampa ng restraining order para hindi makalapit si Zeus kay Deo ay agad akong tumawag kay Cerise para hingiin ang tulong ng kanyang daddy na attorney. “Naiintindihan kita, Christina. Ang sinusubukan ni Elise gawin ay makuha si Zeus, kaya lalong hindi tayo pupwede magpadala sa emosyon dahil kailangan makita ng judge na karapat-dapat makasama ni Zeus si Deo. Karapatan niya ‘yon bilang isang ama. Magkakatalo lamang dahil nandyan ka sa tabi ni Zeus. Pinag-usapan namin ang plano namin laban kay Elise. Hindi niya pupwedeng pigilan o ilayo si Deo ka

