Chapter 20 SINERMUNAN AKO NI ZEUS pagdating ng umaga dahil gabi na raw ako nakauwi. Nagkaroon kami ng kaonting pagtatalo pero naayos din naman agad namin. Noong umaga na rin ‘yon kami umalis papunta sa Caza Corazon at nagcheck-in ni Zeus dahil may surpresa raw siya sa akin. Nagtataka pa nga ako kasi talagang pinagsuot pa niya ako nang puting bestida. Hindi na ako umapela kasi ayoko na makipagtalo. Nakalugay naman iyong buhok ko habang siya ay puting teeshirt at itim na pantalon ang kanyang suot. Nagtrycicle lang kami dahil malapit lang naman daw ang pupuntahan namin. Pagkatapos ng labing-limang minuto, bumaba kami ni Zeus sa isang bakanteng lote na halos katabi lang ng Caza Corazon. Wala akong makita bukod sa mga puno at malalambot na puting buhangin sa paligid. "Zeus, saan ba kasi ta

