Chapter 19 KASALUKUYAN AKONG NAGLULUTO sa kusina ng agahan namin ni Zeus dahil wala si manang ngayon dito sa bahay. Namalengke siya ngayong umaga kaya kami lamang ang naiwan dito. "Ang landi mo." Umirap ako at itinulak siya. Hindi ako makaconcentrate sa ginagawa ko dahil sa panglalandi niya sa akin! Gusto ko ipakita sa kanya na gumaling na ako sa pagluluto, na marami akong natutunan na mga pagkain na pwede lutuin noong nagkahiwalay kami. Kaso paano ako makakapagluto nang maayos nito kung panay ang landi niya sa akin! "Zeus!" saway ko nang halikan niya ulit ako sa leeg ko habang nakatalikod ako sa kanya. Wala tuloy akong choice kundi ang humarap sa kanya. "Akala ko ba gutom ka na?" I asked. "Parang iba na lang ang gusto ko kainin." Tumalikod ako sa kanya pagkatapos ko marinig iyon

