Year Level
Chapter 2
Lutang lang ang isip ko habang kumakain at sinisimulan ko nang gawin ang task na ibinigay samin sa history class ko by group ang task pero sa isang sabi palang nila pumayag na akong gawin ko iyon ng mag isa. Madali lang naman, gusto sana akong tulungan ni Zumi ang kaibigan ko pero alam kong may kailangan siyang puntahan.
At kung bakit ako lutang iyon ay dahil sa kaiisip ko Kay Mr. Dimples/ Mr. Torture ng Book-love Club. Pagkasabi niya sa akin na siya ang president ng club na iyon may tumawag na sa kaniya na isang member dahil may meeting pa daw sila at siya na ang bahala na mag excuse Kay Ms. Martinez at Ms. Medina kung bakit ako absent sa klase nila.
"Tapos ka na ba? Paki pasa naman to Kay Ms. Ruby please" ani Althea na classmate ko sabay abot ng folder. "My feet is aching kasi e. Can you? Hanggang ngayon nalang yan e." Maarte pa niyang dagdag.
"Sige lapag mo nalang dyan. Tapusin ko lang ito" yes this is me the girl who can't say no. At hindi ko alam kung bakit basta isang sabi lang nila even without explanation I always obey. Its better this way mahirap na kasing mapaaway just kidding syempre okay lang lahat sa akin as long as I can.
Sa sobrang dami ng ginawa kanina sa school halos hindi ko na mapuyod ng ayos ang buhok ko laglag na yung panyo na iniipit ko sa buhok ko at halos hindi na ayos ang tuck in ng damit ko. In short para na talaga akong losyang at sinabunutan ng sampung kabayo.
At napapansin na siguro iyon ng mga taong nadadaanan ko, syempre napapansin ko din pero hindi ko maayos dahil sa dioramang dala ko sa kaliwang kamay at libro naman sa kanan. Idinaan ko na muna iyong pinapasabay ni Althea bago ako pumunta sa room ni Mrs. Villanueva.
Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila. Hanggang sa makarating ako sa room ni Mrs. Villanueva ang history teacher namin. Ako na ang sumadya dito para ipasa ang gawa namin.
Mrs. Villanueva is an adviser of first year senior high. Kaso nga lang nanlumo ako ng makitang wala doon si Mrs. Villanueva at nakasara na ang pinto. Napasandal ako sa railings at napaupo, hindi mo talaga mapapansin ang pagoda kapag nagmamadali ka dahil ngayon ko lang napansin yung pagod ng katawan ko.
"Are you an idiot! Sa isang simpleng letter lang hindi mo maayos. Pano pa pag pinaedit ko sayo lahat! Eto na ba iyon? A piece of trash!" Dinig na dinig ko yung galit na boses, tumunghay ako at nakita ko si Mr. Dimples este Mr. Torture na paakyat ng hagdan at yung nakasunod sa kaniyang babae na halos paiyak na.
"Sir kasi po submission na nyan bukas at yung una ko pong gawa pinarevise nyo po kukulangin na po sa time kaya ganyan na po ang kinalabasan. Ginawa ko naman po ang best ko diyan sir" nakayukong ani ng babae. Nakaramdam tuloy ako ng awa doon sa babae I know the feeling na nag cacram dahil sa deadline. At mas lalong alam ko ang feeling na mareject, ako at ang gawa ko.
"I don't care! f**k that reason and also f**k off. You are now out of the team!" pagkasabi niya niyon ay nagdaretsyo sya sa pagtaas. Nagkasalubong ang mata namin at nakita kong nabigla siya sa presensya ko.
"Sir!" Iyon nalang ang tugon ng babae bago nalulumong umupo sa baitang ng hagdan.
Hindi ko naman gawain na makiusosyo pero hindi ko napigilan yung sarili ko na lumapit dun sa babae. At mukhang napasama pa yata yung lapit ko kasi bigla nalang siyang umiyak ng malakas.
Lumapit ako at hinagod ko yung likod nya. Bahala na basta eto lang yung alam ko to ease her pain. "Okay lang yan. Tumahan ka na shsshh" patuloy lang ako sa paghagod sa likod niya. Hindi naman kailangang na kakilala mo ang tao para damayan mo siya e. Minsan mas maganda na hindi mo kakilala ang tao, minsan kasi may taong pinipili na hindi ipakita ang kahinaan nila sa mga kakilala nila. Lalo na kung kilala ka nila bilang isang matatag na tao.
Hayss paano na yan hindi ko naipasa yung project for Mrs. Villanueva, ano nanaman sasabihin nila Ely. maybe they are right. I am an idiot.
"Ate tapos mo na ba yung pinagagawa ko? Kailangan na yon bukas e." ani ng kapatid ko kaya bumalik yung isip ko sa reyalidad. "Ate ano ba yan tulala ka nanaman dyan. Bukas na yung deadline nyan e. Pakitapos nalang a. Goodnight" pagkasabi niya niyon ay yumakap lang siya sa akin at umakyat na dala pa ang ilan niyang projects na ginagawa.
Onting dikit dikit nalang ang gagawin ko for her science project at nagawaan ko na din siya ng essay for her English. Nang makaakyat na si Crystal ay si nanay naman ang sumunod.
"Ade! Isara mo nalang yung bahay pag tapos mo dyan a! Ako ay tataas na." may inabot sakin na pera si nanay. "Almusal bukas ng umaga hatiin para sa baon ang tira" sinabayan ko na iyong sinabi niya dahil sanay na akong ganon parati.
Pagtapos kong gawin lahat ng dapat tapusin. Naglinis muna ako bago ako nagsara ng bahay at nag ready na para matulog.
"Ade! Si Crystal ipagluto mo din a! Pupunta lang ako sa mga tita niyo!" sigaw ni nanay mula sa salas dahil andito ako sa kusina.
"Opo nay!" sagot ko naman pabalik.
Maaga talaga akong kumikilos para makapag handa ng pagkain at makakwentuhan din si lola, syempre matanda na para nadin maexercise ang isip niya.
"Kamusta naman ang pag-aaral? Kailangan mo ba ng baon?" ganon lagi ang tanong nya sakin tuwing umaga.
"Lola meron na ho!" syempre kailangan kong sumigaw para marinig nya. Para tuloy akong may kaaway. Pero natural na iyon dito.
Pagtapos naming kumain nag asikaso lang ako ng dapat gawain sa bahay at nag ready na ako para sa pag pasok syempre dinala ko nadin yung uniform at bimpo na pinahiram sa akin ni Mr. Torture.
Pag pasok ko ng school nag daretsyo ako sa room ng book-love dahil maaga panaman. May kalayuan ito sa classroom namin kaya minsan lang ako dumadaan dito.
"Looking for?" bungad agad ng lalaki na malapit sa pinto. Sobrang attentive ng mga tao dito dahil nadin siguro ayaw nilang mapunish ng president nila.
"Ahm." ano nga palang pangalan nun? luminga ako sa paligid dahil baka andito sya pero wala.
"Miss?" tanong ulit nung lalaki. Ganito ba talaga presence dito? tumingin siya sakin pero hindi ko dinederetsyo yung tingin ko sa kanya.
"Kay Sir..... Ahm" ano bayan bakit hindi ko alam pangalan nun. May tumikhim sa likod ko kaya napaigtad ako at na patingin sa lalaking hinahanap ko na ngayon ay nasa likod ko pala.
"Kyther" sabi niya at inabot ang kamay sa akin. "Ako ang hinahanap mo, tama ba?" ngayon naman ay nakahalukipkip na siya sa harap ko. "Miss?" napaka seryoso nya ngayon hindi tulad nung una naming kita.
"Adelaide Brixx Mercado" inabot ko pa yung kamay ko pero hindi niya tinanggap at Tinaasan niya lang ako ng kilay. Hindi ba niya tinatanong ang pangalan ko? "Ahm. Op-- ahm yes I'm looking for you kasi isasauli ko yung uniform" inabot ko sa kanya yung paper bag. "Thank you ulit dyan" huling sabi ko pa bago ako nagmamadaling umalis alam kong nawiwirduhan sila sa kinikilos ko pero ewan ko ba siguro dahil nadin sa nakita ko kahapon, kung pano siyang nagalit na parang dragon.
"Miss Adelaide pinapatawag po kayo sa office." bumalik ang isip ko ng marinig ko ang pangalan ko. Natatandaan ko yung mukha ng tumawag sa akin ngayon siya yung nasa club kanina.
Inexcuse nya ako sa klase ngayon. Ewan ko pero parang laging ang awkward ng feeling pag tao na galing sa club na iyon ang kasama. Duh! Sila lang naman ang may hawak sa lahat ng clubs sa University na ito at sila ang pinaka matalino. May grade requirements ang club na iyon dahilan para lalo akong panghinaan ng loob.
"Ahm bakit daw po ako pinapatawag?" nahihiya kong tanong sa kasama ko ngayon.
"Hindi ko din alam. Pero sa tingin ko kailangan mong ayusin ang sarili mo" napaigtad ako ng punasan nya yung gilid ng mukha ko at ilagay sa likod ng tenga ko ang buhok na sumasabog sa mukha ko.
"Thank you." naiilang man ay nag patuloy na kami sa pag lalakad hanggang sa makarating kami sa office. Yung tingin at kilos niya ay napaka wirdo. Hindi lang pala ako ang kumikilos ng wirdo, sa tingin at kilos niya ay para bang may gusto siyang sabihin o tanungin.
Pagka pasok palang doon makikita mo na agad yung ibat ibang trophies at medals na napanalunan nila sa ibat ibang lugar at sa gilid naman halos mapuno na ang walls ng mga certificates at pictures ng mga achievements nila, sa gitna naman ay may kulay abong sofa at sa gitna ay may wood center table na may nakasalansan na mga libro at magazines. Sa kanan naman ay isang office table at sa swivel chair kung saan nakaupo ang isang Prince charming na nag exist galing sa isang Disney story. Oo kasing itsura nya yung mga Prince charming nila Belle, Cinderella, at Snow White na laging kine kwento sakin ng nanay ko bago matulog.
" Miss Mercado? Are you with us?" hala! Hindi ko na alam ang mga sumunod na sinabi nila. Bakit ba kasi ang gwapo netong kaharap ko!
"It's unrefined to stare at me like that Ms. Mercado" umayos ka Ade!
"Ay! Sorry, pwede po bang Paki ulit hindi ko kase naintindihan" tanong ko na pinipilit kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero nakakainis inaattract ako ng dimples at ng charming na mga mata nya.
"It's unrefefined to--" hala seryoso ba siya!
"--Hahaha! Hindi iyan, yung una nyong sinabi ang hindi ko naintindihan" hawak ko pa yung tyan ko sa pagpipigil ng tawa.
The man standing beside me clear his throat, kaya naman napatigil ako sa pagtawa at sumeryoso na. Binabalaan niya siguro ako, oo nga pala para siyang dragon kung magalit.
"Nagpeperform kami ng background check to your sister Crystal Deserie Mercado she wants to join our club. And you are the sister so you are here to share some things you know about her."
Oo iba ang patakaran ng club na ito in conducting background check to their applicants. Kasama sa interview is your family, friends and strangers.
"Have a sit" eto nanaman yung napakagwapo niyang boses hindi lang itsura yung gwapo sa kanya pati pananamit niya ngayon nakakaattract.
Umupo na ako sa upuan sa harap ng office table nya, sa harap ko naman ay ang lalaki na sumundo sakin kanina and as far as I know because Zumi told me, he is the vice president of this club.
"How much did you know your sister? Are you two living on the same house?" Agad na tanong nya sakin habang hawak ang documents ni Crystal.
"100%, and yes" hayy eto nanaman napipipi ako. ANO BA!
"You are older right? Why you two are on the same year level?" Eto yung tanong na pilit kong iniiwasan, yung tanong na pag naririnig ko automatic akong napapatigil.
Sobrang down ng family namin noong magfifirst year highschool ako, nagkasakit si Lola nademolish yung bahay at umalis si tatay while si Crystal naman ay elementary palang. Bago paman mangyari lahat ng yon, lagi ko ng naririnig na nag aaway sila. Nakita ko kung pano bumagsak yung mundo ng nanay ko nung time na yon kaya to make her suffer away I gave way to my sister hindi ako nag aral ng dalawang taon nagtrabaho ako para sa pantustos sa kapatid ko, alam kong labag din yon sa loob ng magulang ko dahil alam nila kung gaano ko kagusto ang mag aral. Pero I think its all worth it naman, ngayon na medyo stable na financial state namin okay na.
"I gave way for my sister" iyon lang ang naisagot ko sa tanong niya at tanging tango ang naitugon nila. Matatalino naman sila kaya siguro ay maiintindihan na nila iyon.
"Is she doing right on her study?" Tanong niya at nag cross arm pa, sa totoo lang patungkol lang naman lahat Kay Crystal ang itatanong niya pero kinakabahan talaga ako. Parang feeling ko inuusig niya ang buong pagkatao ko.