Chapter 7

1130 Words
First Date Chapter 7 Naguguluhan ako sa math problem na sinasagutan ko ngayon pero mas lalo lang akong maguguluhan dahil natanaw ko na ang makulit na Vince na naglalakad papunta dito sa pwesto namin. Pasimple ko ding tiningnan si Zumi at tama nga ako nakita na niya agad si Vince malayo palang. "Good morning Vince" bati ni Zumi sa kadadating lang na si Vince. "Good morning girls!" ayan nanaman yung pagiging energetic niya siguro sobra sobra to sa vitamins nung bata. "Good morning Ade!" tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagsusulat. Nasa field kami at inaantay ang next class namin, occupied ng ibang year level ang classroom namin after first sub. Kaya dito kami sa ilalim ng puno sa malawak na field ng AIS nag hihntay, mga isang oras lang naman iyon. May ilan ilan ding estudyante na andito at siguro ay nag iintay din, mga nag babasa, nagsusulat at nagkakantahan. Sakto namang dumaan si Vince, panigurado na vacant din nila katulad namin. Naglabas ng pagkain si Vince na sandwich at water. Agad namang kumuha si Eloisa at Elijah. Ganito na talaga sila, sa ilang linggo na din halos na sumasama si Vince sa amin ay nasanay na sila parati na ubusin ang dala ni Vince. Wala naman daw problema dahil dinala niya naman daw talaga iyon para sa amin. "Kain ka muna Ade" that was Vince agad naman akong tumingin kay Zumi na kumukuha na din ng pagkain. Nang mapansin ang tingin ko ay ngumiti siya sa akin at kumagat na din sa pagkain. "Salamat" kumuha nadin ako at kumain. "Sa susunod magdadala ako ng gitara, kakanta ka Ade ha! Sayang naman yang ganda ng boses mo kung hindi maririnig nga iba lalo na ako iparinig mo samin ha!" makulit na saad ni Elijah habang patuloy padin sa pag nguya. Nakisabay nadin sa pag pilit sa akin si Vince at Eloisa kaya naman pumayag nadin ako. Andami niyang sinuggest na mga kanta at kalimitan doon ay ang mga paborito ko ding kanta. Ang daldal talaga ng ng kambal na sinamahan din ng daldalan ni Vince, kaya wala na akong ibang ginawa kung hindi tumango sa sinasabi nila. "Ade oo nga pala nakita ko magkasama kayo ni Mr. Martinez kahapon" agad akong naubo dahil sa sinabi ni Eloisa, inabutan ako ng tubig ni Vince pero kinuha ko iyong bote ng tubig na malapit kay Zumi. Talaga itong si Eloisa minsan dare daretsyo ang bibig. "Huh? Nakita mo?" Iyon lang ang naitugon ko at pinag patuloy ang pagkain. "Oo, dumaan pa kasi ako sa coffee shop dyan sa labas tapos nung pauwi na ako nakita ko kayo." kaswal niyang saad habang patuloy padin sa pag kain. Pakiramdam ko tuloy ang pula na ng pisngi at tenga ko dahil naalala ko yung mga sinabi niya sakin kahapon na halos dahilan ng pagkapuyat ko, nag madali na kasi ako sa pag baba sa kotse niya dahil sa kilig. Pero syempre iniisip kong mabuti kung para saan ang mga sinabi niya sa akin. Ayaw ko naman na mamis interpret ko iyon. "Asan nga pala si Kyther?" Tanong ko. Nakita ko pang dahan dahan siyang ngumiti sa akin. "Busy e. Vacant din namin ngayon pero may gagawin pa siya para sa book club." Nanatili padin sa pagkain ang mata niya. "Kain ka pa, Mamaya sabihin ko nalang na hinahanap mo siya." inabutan pa niya ako ng biscuit at chips na dala din niya at agad naman iying kinuha ng kambal naalala ko tuloy yung kasalanan niya sa akin pero mukhang seryosong seryoso siya kaya pinalampas ko nalang muna. "Huwag mong sabihin Vince. Na tanong ko lang naman" inunahan ko na siya dahil baka sabihin na naman niya. Nang natapos na kami kumain ay nagkaniya kanya na kami sa pagpunta sa sunod na klase. "Zumi ayos ka lang? Pasensya ----" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko agad niya akong hinawakan sa braso. "Okay lang ano ka ba? Tara na baka malate pa tayo" tumango nalang ako at nag daretsyo na sa classroom. Nang pauwi na ako tulad ng dati ay dumaan muna ako sa library para isauli ang mga libro pero hindi na ako dumaan sa music hall dahil sarado naman iyon. Friday ngayon at sa lunes na ako mag start na maging encoder ni Mrs. Villanueva. "Hey. Let's go" nanlaki ang mata ko dahil sa pamilyar na boses sa tabi ko. "Huh? Anong let's go?" "Let's go ihahatid na kita" kaswal niyang tugon at nagpatuloy sa paglalakad, pero agad din namang tumigil at humarap sa akin. "Sorry ahm. Pwede ba---" tumango na ako agad dahil alam ko naman na itatanong niya kung pwede dumaan muna kami sa office nila. Pero ang pinagtaka ko e yung pag ngisi niya. "So its okay to you if I date you?" Oo naman! Baby on a heartbeat.... "Huh? Ano?! Date?" naguguluhan kong tanong at lalo pa siyang natawa. "Just kidding" nakatawa pading aniya. Pano kaya nagagawa ng lalaki na ito na maging gwapo sa paningin ko. Alam ko na gwapo din si Vince pero pag ganitong nakatawa siya na halos tuwang tuwa nagmumukha na siyang si Manong Bertinggo yung loko lokong bulong ng bulong tapos tatawa ng malakas dun sa may kanto namin. Pero si Kyther sobrang gwapo paden. "Hey! Kung krimen ang pagtitig magagastusan ako" saad niya. "Ano?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ba dapat na makukulong ako, hindi ba niya alam iyon? Kung joke naman iyon ay hindi naman nakakatawa, hay bahala na nga. "Never mind. Let's go." nagpatuloy na kami sa paglalakad at tama nga, dumaan muna kami sa office nila. Andito din si Vince and the rest of the officers ng book club. Parang may meeting yata sila. Kumuha lang si Kyther ng isang folder sa tambak na mga documents pati nadin susi at nagpatuloy na sa paglabas, hindi siguro ako napansin ni Vince dahil nanatili lang ako sa tabi ng pinto. Gusto ko sana na itanong kung bakit wala siya doon dahil mukhang may meeting sila pero patuloy padin siya sa pag lakad kaya naman naisip ko nalang na baka hindi naman yata siya kasali sa meeting, pero bakit? Hindi ba at siya ang presidente? Daretsyo lang kami sa paglakad hanggang sa parking lot pinagbuksan niya pa ako ng pinto bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan. "So after class dumadaretsyo ka sa library para?" tanong niya habang minamaniobra ang sasakyan. "Ahm. Nagsasauli ako ng libro." sagot ko naman. "Tapos daretsyong uwi na o may dinadaanan ka pa?" tanong niya ulit, tuluyan na kasing nakalabas ng parking lot pero ang pinagtaka ko e hindi siya nagpatuloy sa pagmamaneho, nakatingin lang siya na parang hinihintay ang isasagot ko. "Dumadaretsyo na pauwi." maikling sagot ko naman dahil iyon naman talaga ang ginagawa ko. Pero bakit all of the sudden tinatanong niya ang mga bagay na ito? "Is it okay kung dumaan muna tayo ng mall or gusto mo ng umuwi?" tanong ulit niya at inabot ang folder na kinuha niya sa office. "Pwede naman maaga pa naman e" sagot ko, maaga pa naman kaya pwede pa akong dumaan muna sa mall at samahan siya, siguro mamimili siya or may dadaanan. Baka iyon din ang dahilan kung bakit hindi siya umattend ng meeting. "Are you sure? Gusto mo magpaalam muna tayo sa parents mo?" tanong na naman niya. "Hindi na saglit lang naman siguro tayo hindi ba? Itetext ko nalang si nanay na dadaan muna ako sa mall." nakakahiya naman kung dadaan muna sa bahay tapos sa mall tapos sa bahay ulit. "How about your dad? Hindi kaba magpapaalam muna?" Bakit ba andami niyang tanong. "Tara na." iniba ko ang usapan, nakakahalata naman siguro siya dahil nagpilit siya ng ngiti at pinaandar na ang sasakyan. Nang makarating kami sa pinaka malapit na mall tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain pero tumanggi ako at sinabing busog pa ako, busog ako sa sight. Tumango naman siya at nag daretsyo kami sa book store, dala padin niya yung folder na listahan pala ng mga bibilhin niya. Mga school and office supplies na kakailangan nila ang mga iyon siguro ay para sa panibagong stocks ulit. "Magtitingin muna ako ng mga libro dito" paalam ko sa kanya habang nagtitingin pa siya sa listahan niya. "Okay. Wait for me then we'll going to buy pasalubong for your mom and sister" saad niya na nanatili padin sa pagbabasa ng mga kailangan, mukhang seryoso siya kaya naman hindi nalang ako nakipag argumento at pumunta na sa mga bookshelves. Madaming magagandang libro dito may mga fictional at educational books. Nagbabasa ako ng mga fictional books pampalipas oras pero mas madalas na educational books lalo na kapag may mga assignments dahil mas reliable iyon kumpara sa mga nasesearch sa internet. Nakuha ang atensiyon ko ng isang libro maganda kasi ang cover at title, binasa ko iyong nasa likurang bahagi at ang titulo maganda siya at fantasy ang tema umupo ako at sinimulang buklatin ang libro nilalaktawan ko ang ilang bahagi pero alam kong maganda naman iyon. Tiningnan ko ang presyo, atsaka ko tiningnan ang wallet ko. Sana mag sakto pa itong pera ko dahil maganda talaga ang libro. "Bibilhin ko" napabalikwas ako sa pagkakaupo at dali daling inabot sa kanya ang libro. Iisa lang iyong libro na iyon kaya inabot ko na sa kanya kase bibilhin niya daw. Nang mabayadan na niya lahat kinuha lang niya ang resibo at ang libro at umalis na kami idedeliver nalang daw iyon sa school. Well madami nga iyon at mabigat. Halos mga sampu o lagpas pa na mga box ng papel at kung ano ano pa. Akala ko ay umuwi na kami pero dumaan pa siya sa supermarket at naglagay ng naglagay doon ng mga pagkain. Napadaan kami sa mga canned goods at nakita ko yung hunts pork and beans kaya naalala ko doon si Vince. Nang makita niya na nakatingin ako doon kumuha siya non at nilagay sa cart. Gatas, tinapay at madami pang iba, mayroon ding nga chips at biscuit. Ang tanging ginawa ko lang ay sumunod sa kaniya. Dumaan din kami sa isang pizza parlor. I wonder kung gaano kalakas kumain ang mga kasama niya sa bahay pati nadin siya. Wala kaming imikan hanggang makasakay kami ng sasakyan. Lang oras din kaming ganoon katahimik pati nadin noong nasa cashier na kami para magbayad. Inabot niya sakin ang supot na may libro, kaya naman naguguluhan akong napatitig sa kanya. "For you. Nakita ko kasi na gusto mo so I bought that for you" dali dali kong kinuha yung wallet at naglabas ng pera. "Akala ko kasi para sayo kaya hinayaan ko na ikaw ang magbayad, sorry" dali dali kong sabot at pilit inaabot sa kaniya iyong pera pero umiling lang siya sa akin at nag patuloy padin sa pagmamaneho. Hindi na ako nakipagtalo dahil nga nag dadrive siya. "Thank you is enough for me" mahinang saad niya. "Thank you" nakangiting saad ko sa kaniya. Nang makarating na kami sa bahay magpapasalamat na sana ako sa pag hatid pero agad na siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Natanaw ko pa si lola na palabas ng pintuan ng bahay. Binalik ko ang tingin ko kay Kyther pero nagulat ako dahil binababa na niya yung mga pinamili niya. "Kyther, anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong ko. "Pasalubong for your family" nakangiti namang sagot niya. Napatulala nalang ako dahil hindi talaga mag sink in sakin ang mga nangyayari. Iniisip ko na ang mga nakatira sa kanila dahil sa dami ng nga pinamili niya at sasabihin niya sa akin na binili niya iyon para sasalubong sa pamilya ko? E good for one to two months na namin halos ang lahat ng mga ito, grabe naman palang mag pasalubong ang isang Mr. Martinez. Nawala lang ako sa pagkatulala ng marinig ko ang boses ni lola. "Ade! Apo! Nakauwi ka na pala kamusta ang klase?" Si lola iyon na kasalukuyang nasa harapan na namin ni Kyther. "Good afternoon po lola" magalang na ani Kyther. "Napakagwapo naman nitong iyong nobyo apo, tamang tama at andyan ang mga tiyahin mo at ipakilala mo sa kanila itong si..?" "Kyther po" ano kamo nobyo? How I wish lola hmmmm!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD