Chapter 8

658 Words
Book Club Officers Chapter 8 Nobyo pa nga! Agad na pumasok sa loob si lola para daw ibalita ang pag dating ng nobyo ko. Habang kami naman ay naiwan dahil sa dami ng bitbit nitong si Kyther, tutulungan ko sana siya pero naunahan na niya ako sa pagbitbit. "Magandang hapon po tita Maris at Tito Levin, tita Mechel at Tito Arnold" pagbati ko sa mga bisita namin hindi ko alam na dadating pala sila ngayon. "Magandang hapon po Titos and titas, kain po kayo" sabay abot ng mga balot balot na pagkain at box box na pizza. Inilapag naman niya ang mga grocery sa bakanteng upuan. Sakto naman ang labas ni nanay. "Nay, Magandang hapon" bati ko naman. Tumango lang siya sa akin at nagtatakang tumingin kay Kyther. Boyfriend ko yan nay! SABI NGA LANG NI LOLA HAHAHHAHA "May kasama ka pala! Tara kain!" aya agad niya sa kasama ko. "Good afternoon tita. I am Kyther Martinez" pagpapakilala niya at inabot ang kamay ni nanay. Tinitigan lang siya nito dahil nadin siguro sa pagtataka kung bakit ako may kasamang lalaki. "Nobyo iyan ni Adelaide, Melody" si lola na naman, talagang pinipilit niya na nobyo ko itong si Kyther hindi manlang muna itanong sa akin. Nagpilit ako ng ngiti at kinuha ang atensiyon ng lahat. "Ah. Hindi po kaibigan ko po siya" napansin ko ang paghinga ng maluwag ni nanay at si lola naman ay parang nabalot ng panghihinayang. Ako din po lola nanghihinayang. Samantalang pagtaas naman ng kilay ang ginawa ng dalawa kong tita, hindi iguro naniniwala na kaibigan ko lang ang malaki na kasama ko, pero hindi naman talaga kami magkaibigan. Kahit ako ay naguguluhan din. Pinaupo ko nadin siya sa tabi ko sa hapag kainan dahil iyon nalang ang bakante. Wala pa si Crystal dahil nasa mall daw at namimili ng gamit, sayang at hindi pa kami nagkita doon. Hindi kami masyadong close ng mga Tito at Tita ko dahil alam ko naman na galit sila kay nanay at para lang kay lola kung bakit sila andito. Tahimik lang ang lahat sa pagkain, tuwang tuwa si lola na panay padin ang tanong kay Kyther ng kung ano ano, na magalang naman na sinasagot ng isa. "Bakit hindi mo pa ligawan ang apo ko? Gusto mo ba siya? Wala namang hindi maganda sa mga apo ko. Nakita mo na ba ang kapatid niyang si Adelaide maganda din iyon" Nakain ako ng hiya sa mga sinabi ni lola. Alam kong hindi din talaga alam ni Kyther ang isasagot sa tanong na iyon ni lola. "Lola." naninitang tawag ko. Si nanay nadin ang sumaway kay lola at sinabing ipagpatuloy na ang pagkain. Mabuti nalang at tahimik natapos ang kainan. Nag paalam nadin sila Tito at tita na aalis na. Kinamusta lang talaga nila si lola, mas okay nadin iyon at nakakamusta nila si lola kahit hindi maayos ang relasyon nilang magkakapatid. "Ahm lola, tita I need to go na po" sabi ni Kyther at nagmano pagkatapos ay humarap sa akin. Inabot niya sa akin ang papel na nasa loob din ng folder kanina. "Mag iingat ka sa pagmaneho" sagot naman ni nanay. "Its nice meeting you po tita and lola. Salamat po sa pagkain" hindi ko padin tinitingnan ang papel na hawak ko dahil busy pa ako sa pagtitig sa kanya habang kausap ang biyenan niya. Sige sabay sabay tayong mangarap! Sasabayan ko na din si lola. "Kami ang dapat magpasalamat sa dami ng pasalubong mo." napakamot pa si nanay sa batok. Kahit naman ako ay napakamot nalang din sa batok. Pinilit naman ni nanay na ipauwi sa kaniya ang ilang doon sa mga ipinamili pero sadyang pinipilit ni Kyther na para sa amin talaga iyon. "You're welcome tita. Alis na po ako." Tumingin silang parehas sakin nag aantay ng sasabihin ko. "Salamat Kyther ingat sa pag uwi." Iyon nalang ang nasabi ko, hindi ko makayanan ang titig niya kaya naman ibinaba ko ang tingin sa hawak kong papel. Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa application form yun para sa registration for membership ng book club. Pinagbalik balik ko ang mata ko sa papel at kay Kyther, nakangiti pa siya sakin at si nanay ay naguguluhan naman. "Salamat!" nasugod ko siya ng yakap dahil sa tuwang naramdaman ko at alam kong nabigla siya, kahit naman ako ay nagulat din kaya agad din naman akong bumitaw dahil sa hiya nadin kay lola at nanay. "Thank you talaga." Matagal ko ng gusto na makasali sa club na iyon pero napanghihinaan ako ng loob sa tuwing kukuha na ng form at ano pa kaya ng exam. Sa isipin palang na madaming matalinong estudyante ang sumasali doon ay napanghihinaan na talaga ako ng loob, wala naman sa akin kung hindiako makapasa dahil madami pa namang iba club. Pero hindi ko din naman gusto na mapapunta saibang club dahil gusto ko talaga doon sa book club. At parang lahat ng iyon ay nawala dahil siya mismo ang nagbigay nito sa akin. Nagpasalamat pa ulit ako bago siya tuluyang umalis. Pagkaandar ng kotse ni Kyther agad akong pumasok sa kwarto ko at sinagutan ang form. Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko hanggang sa matapos ko ang pagsasagot at kahit makababa na sa salas. Pinili ko nalang na huwag na muna sabihin kay crystal. Inexplain ko din kay nanay at lola kung bakit ako masaya at agad naman nila iyong naunawaan, lagi kong kinikwento kay lola ang patungkol sa club na iyon sa school kaya masama din siya para sa akin. "Pasensya na, kita nalang tayo sa next class" saad ni Elijah dahil kailangan daw nilang umuwi ngayong lunch. Si Zumi naman ay absent dahil sa biglaang pag uwi ng daddy niya. Napagpasiyahan ko namang kumain nalang dito sa room. Mukhang hindi din pupunta si Vince dahil malapit ng matapos ang lunch time. "Here. Drinks for you lady" Did I misheard his voice? Pasimple kong kinurot ang hita ko, masakit. So andito siya sa harap ko. Nakatungo kasi ako dahil nga kumakain ako. Dahan dahan akong tumunghay at tama nga nakatayo siya sa harap ko habang hawak ang bottled water at chocolate drink. "Huh?" naguguluhang tanong ko. Ngumisi lang siya sa akin at inilapag ang mga inumin sa table ko. Humila pa talaga siya ng isang upuan at umupo sa harap ko, pinalibot ko ang tingin ko sa paligid at lahat sila nakatingin samin pero pag tumatama ang paningin ko sa kanila ay agad naman silang umiiwas ng tingin. "Salamat. Kumain ka na ba?" nahihiyang saad ko. "Yes I'm done." nakangiting aniya. "Bakit?" tanong ko habang pinagpatuloy ang pagkain. Palapit nadin kasing mag time. "I saw the post of your friend Zumi on social media, she's not here. I saw your twin friend, and Vince stayed on the office. You are eating alone" dahan dahang aniya habang pinagmamasdan akong kumain. "E ano naman?" andito naman ako sa classroom at may ilan ding nakain dito. "So here I am I don't want you to be alone." mahinang saad niya at sakto naman ang pag iingay ng mga estudyante sa tapat ng classroom namin kaya hindi ko sigurado kung tama ba ang pagkakarinig ko. "Ano?" tanong ko ulit at naki silip dim sa bintana. May nag aaway sa labas at ang dami ng nakikinood pero walang umaawat. "Never mind. Go continue eating bring the form on my office later. I will going to stop that fight" saad niya at tinuro ang nag aaway sa labas. Tapos nadin ako kumain kaya naman dali dali kong kinuha ang tubig at nakitingin na din sa labas. "STOP!" boses iyon ni Ms. Ava napatingin ang lahat sa kaniya at automatic na tumigil ang nag aaway. Mukha pa namang bad trip si Ms. Ava ngayon. "To the guidance office now!" Si Kyther iyon na galit na galit din katulad ni Ms. Ava. Agad na hinawakan ni Ms. Ava ang kwelyo ng dalawang lalaki na nag susuntukan kanina, nagpumiglas pa ang isa kaya naman nakakuha ito ng pingot kay Ms. Ava. Nang makaalis na sila ay nagbalikan na sa klase ang mga estudyante. Wala Manang naka away kahit isa kanina sa dami ng nanonood. "Are you ready Ms. Mercado?" tinig ni Mrs. Villanueva iyon na sumira sa day dream ko, hanggang hapon kasi ay tinititigan ko iyong chocolate drink na ibinigay niya sa akin. Tapos na kasi ang klase kaya naman oras na para maging encoder ni Mrs. Villanueva. "Opo" maikling tugon ko. Dumaretsyo kami sa office ng book club officers. Lalo akong nagulat ng makita ko silang kumpleto at nakaupo sa kanikanilang upuan. "You miss me?" nakangising saad ni Vince habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at inirapan lang. Paniguradong mangungulit na naman siya. Nagpatuloy sa pag explain sa akin si Mrs. Villanueva ng mga gagawin. Sinabi din niya na minsan lang din siya mag stay dito at ang mga officers ang mag a assist sa akin sa tuwing may tanong o hindi ako maintindihan. "Mukhang kakilala mo na si Mr. Buena siya ang vice president ng book club." mapagbiro pa siyang sumaludo ng ituro siya ni Mrs. Villanueva. Nabaling ang mata ko sa mapanuksong tingin ni Ms. Ava, napapahiya akong nagbaba ng tingin. "Ms. Hudson the secretary, kilala naman siya ng lahat so I guess kilala mo naden siya. Whenever there is a fight you can see her." kaswal na saad ni Mrs. Villanueva. Parang sanay nadin talaga siya na kasali o taga away ng gulo si Ms. Ava. Kusa naman ng tumayo ang iba at lumapit sakin para magpakilala. Unang lumapit sakin ang babae na mas matangkad at maganda ang hubog ng katawan in short pinagpala. Dahan dahan niyang inabot sakin ang kamay at ngumiti. "Clara Diem Bautista, treasurer" matinis din ang boses niya, ng iabot niya ang kamay niya para sa shake hands ay nahiya naman ang kuko ko sa mga disenyo niya sa kuko. Natawa naman siya sa reaksyon ko at binulungan pa ako. "Iyan yung in ngayon, shining shimmering" Ang sunod na lumapit sa akin ay ang kaklase ni Crystal, nakita ko siya noong magpunta ako sa classroom niya para magdala ng pagkain. "Calem Troy Villanelle, junior high representative" tipid siyang ngumiti at bumalik na sa upuan niya. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko hiyang hiya siya sa akin. Nakangiting lumapit sa akin ang isa pang babae na may salamin katulad ko pero mas malaki at makapal ang sa kanya, naka braces din ang taas at baba ng ngipin, at mas mahaba ang palda niya kumpara sa iba. Pinasadya kong habaan ng onti ang palda ko dahil hindi ako komportable pero yung sa kanya lagpas na ng tuhod. "Good afternoon, ako si Secret Shane Gonzalez Senior high representative. Ikinagagalak kitang makilala" inabot ko ang kamay niya at ginantihan ang napakatamis niyang ngiti. Sumunod na lumapit ay ang lalaki ng version ni Ms. Gonzalez makapal na salamin at braces sa taas at baba ng ngipin naka sabot din sa leeg niya iyong blue na headphones. Nahiya pa siyang lumapit sa akin at inabot ang kamay. "Eriolle Mendoza, auditor" nagmamadaling aniya at nagbalik na sa upuan at nagpatuloy sa pag pindot ng laptop niya. Tumingin ako kay Kyther nagtatanong kung bakit ganon ang asta niya pero ngumiti lang siya, parang sinasabi na ganoon talaga siya. Nakalahad ang kamay ng lalaki sa harap ko ng ibalik ko ang tingin ko doon kaya agad kong tinanggap iyon pero hindi katulad ng mga nauna hinalikan niya ang likod ng palad ko. Nakarinig ako ng paglagitgit ng upuanat mahinang pagtawa. "Dwayne Elecor Fernandez, escort--" hindi pa tapos ang sinasabi niya ay may humatak na sa kamay ko, doon ko lang napansin na hawak padin pala niya iyon. Nang tingnan ko kung sino iyon nagtaka ako sa sobrang pag sasalubong ng kilay niya. "He's the club sergeant at arms together with Ms. Faye Lorelie Santos" isinenyas niya ang babae na tahimik na nakaupo sa swivel chair malapit sa kinauupuan kanina ni Elecor. Si Ms. Faye naman ay mukhang mataray dahil tanging pagtaas lang ng kilay niya ang pinang bati niya sa akin kaya naman tumango nalang ako. Sobrang puti niya at hindi katulad ni Ms. Clara na kulot, straight at kulay itim naman ang buhok ni Ms. Faye na naka clip lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD