The wound
Chapter 9
Nang makilala ko na ang lahat ay binigyan na ako ng pwesto kung saan mag eencode ng mga grades. Nasa isang gilid lang ako sa may pinakadulo malapit kay Kyther, upuan ito ni Mrs. Villanueva. Nasa b****a malapit sa pintuan si Vince dahil sa kanya lumalapit ang mga estudyante kung may kailangan, in short siya ang nasa front desk. Sa kanang bahagi pagkapasok sa pinto ay ang mga table nila Calem Troy, Eriolle at Elecor sa kaliwang bahagi naman ay ang mga kababaihan na sina Ms. Clara, Ms. Secret at Ms. Faye sa tabi naman ni Kyther sa dulo ay si Ms. Ava.
Apat ang office ng Book club ang isa ay iyong pinag dadausan ng mga meeting o background check for their applicants doon niya ako ininterview tungkol kay Crystal, ang sunod ay yung una kong pinuntahan noong sinauli ko ang uniform ni Kyther doon kalimitan matatagpuan ang ilan sa mga member ng book club ang pangatlo ay ito kung saan puro officers lang ang andito ito din kasi ang madalas gawing opisina ni Mrs. Villanueva ang pang apat ay ang pinaka malaki yun yung pangalawang library ng university.
Kalimitang matatagpuan doon ay ang mga libro na ginagamit ng mga seniors pati nadin mga research papers. Doon din dinadaos ang mga final defense para sa mga senior. May isang parte din doon na mga fictional books na gawa ng mga estudyante. Doon din ginaganap ang exam sa mga gustong magpa member a Book Club.
Binabasa ko palang at sinasalansan ang mga papel na iniwan sa akin ni Mrs. Villanueva at mamaya na daw ako mag encode dahil may nakalimutan pa daw siyang kung ano. She will going to send me via ail ang mga gagawin ko.
Tahimik lang ako habang nagbabasa kalimitan kasi ng naihanda na niyang ieencode ko ay halos senior high students, binasa ko iyon at nagbabakasakali na may makilala ako pero wala.
Pero sobrang hangs ko sa mga estudyante dito sa AIS dahil bilang lang sa aliri ang may mababang grades na kung tutuusin ay hindi naman talaga mababa. Hindi makapag tatawa na kilalang kuilala ang school na ito international. At ang kaming pasasalamat ko din na nakayanan ni nanay na ipasok kaming magkapatid sa itong kagarang eskwelahan.
Ang tahimik dito na parang may contest na kung sino mang magsalita ay pipitikin ang tenga. Naiihi tuloy ako sa kaba. Nakakadagdag naman kasi talaga ng kaba ang katahimikan, lalo na at nasanay naako sa ingay ng kambal at ni Zumi, idagdag pa din ang hindi nauubos na energy ni Vince.
"Ano? Mga pakitang tao? Asan na ang mga gulo niyo? Umatras na ba?" si Ms. Ava iyon, mabuti nalang at nagsalita na siya.
"Ano El ilan babae mo kahapon, kwento na!" mapang asar na ani ulit niya, ngiti lang ang sinagot ni Elecor. Sabi ko na nga ba at babaero nga talaga siya. Hintayin ko nalang na makahanap siya ng katapat, pabigurado na hindi pa niya makikita ang sa kaniya kaya naman ganito siya.
Walang nagsalita at tinutok ang mga sarili sa mga ginagawa. Ang ilang ay nagsusulat at ang ikan naman ay sa computer or laptop naka harap.
Mukhang tapos na sila sa mga ginagawa nila, maya maya pa ay tumayo na si Troy. "Oops mukhang may tatakas" pagpaparinig naman ni Vince, siguro ay may meeting sila.
"Una na ako Kuya Vince, Ate Ava, at sa inyong lahat" nahihiyang aniya. Kanina pa siya ganyan at mukhang ihing ihi na, mukha pa naman siyang bad boy pero mahiyain.
"Nagmamadali?" saad na naman ni Vince nakita ko pang ngumisi ang karamihan. Lumapit pa siya sa akin at bumulong "tingin ka kay troy kunwari may sinasabi ako" nagtataka man ay sinunod ko iyon.
Laking gulat ko ng bigla nalang siyang nagtatakbo paalis. Nagtawanan ang lahat pero mas malakas ang kay Vince at Ms. Ava. Mga nanguguna sa pang aasar.
"So, you failed your second grading?" madiing ani Kyther pagkatapos ng tawanan. Nakakagulat naman to pano kung may sakit ako sa puso hmp! Kanina lang ay nakikitawa din siya pero ngayon naman ay seryosong seryosong na siya. Naghintay din naman ng sabot ang iba pang officer.
"Huh? Hindi... walang bumagsak ngayon....." dahil sa takot sa iyo. "Nag volunteer lang ako" nakangiting humarap sa akin si Ms. Ava.
"Bakit? Sino ba namiss mo si--" biglang tumunog ang cellphone niya, nanlaki pa ang mata niya at agad na kumaripas palabas.
Narinig ko ang buntong hininga ni Kyther bago lumapit sa akin. "So, hindi ka talaga bagsak?" tanong niya ulit.
Nakatayo siya sa harap ng table ko ay ni Mrs. Villanueva pala. Nakatuon ang dalawang kamay niya doon sa table at nilapit pa ang mukha sa akin.
"Hindi." madiing sagot ko kahit na kinakabahan. Concern lang naman yata siya sa grade ko dahil nadin siguro doon sa binigay niya sa aking form for registration sa book club ayaw naman niya na may failing grade.
"That's good to hear, then why did you volunteer?" umayos na siya ng tayo at humalukipkip sa harapan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. "You miss Vince" pinalibot ko ang tingin sa lahat nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Vince habang nakaupo sa upuan ni Ms. Ava at ang iba naman ay halatang naguguluhan.
"Huh? Hindi a!" depensa ko agad, mag eexplain pa sana ako pero bumalik na siya sa upuan niya.
"Is there something between the two of you?" maarteng saad ni Clara tumayo pa siya at lumapit sa akin dinig na dinig ko ang tunog ng heels niya sa sahig. Edi sanaol, ako kasi pag ganyan hindi na agad makatayo. Kaya naman hangang hangs ako na tuwid na tuwid padin ang lakad niya.
"Wala po Ms. Clara, nakakasabay lang po namin kumain si Kyther ng mga kaibigan ko" saad ko.
"Wait? What?! Did I heard you right?" naguguluhang saad niya at tumingin sa lahat kinabahan naman agad ako dahil sa pag taas ng boses niya. "Did you heard that guys! Or ako lang talaga?" maarte nanamang aniya. Inalog alog pa niya ang balikat ni Ms. Faye
"She calls Martinez on his first name, you heard it right. Now go back to your seat because you are so annoying." naiiritang saad ni Ms. Faye bago nag balik sa gawain.
Nagdadabog na bumalik sa upuan niya si Ms. Clara at tiningnan ng masama si Kyther na kasalukuyan namang nakatitig na sa laptop niya at nagpipindot doon. E ano naman kung tinawag ko siya sa first name niya? Si Vince din naman dba? Si Ms. Ava nga nickname pa e. "You're so unfair Martinez! You are so unfair!"
Bigla nalang may bumulong sa akin "pst." Napaigtad pa ako dahil sa gulat "Did you call Martinez on his first name?" naguguluhang tanong ni Elecor sa akin, Pati din siya ay hindi makapaniwala.
"Oo. Masama ba yun?" naguguluhang bulong ko naman kinakabahan tuloy ako at sumulyap ako sa busy na si Kyther.
"He wants to be call by his surname for some reason, only Ms. Ava and Vince that his best friend can call him like that. So, who are you?" pinaningkitan pa niya ako na parang inaakusahan ang harsh mo po!
Iyon naman ang sinabi iya kaya ayun nalan din ang itinawag ko sa kaniya. Kung sinabi niya naman sa akin na surname lang ang pwedeng itawag sa kaniya ay wala din namang problema sa akin.
"Hindi ko kasi alam, sa susunod tatawagin ko nalang siyang Mr. Martinez" bulong ko padin.
"Yeah mas mabuti nga iyon. By the way are you free tonight?" tuluyan na siyang tumayo mula sa tabi ko at ipinatong pa ang kamay sa sandalan ng upuan ko.
"Hey! El, finish your report I need that now" singit ni Kyther bago pa man ako makasagot.
"Akala ko ba sa Wednesday pa!" angal agad ni Elecor. Nakaani naman siya ng masamang titig kay Kyther. "Sabi ko nga ngayon na. Before five nasa table mo na Martinez" pabiro pa siyang sumaludo, tumingin pa siya sa akin at kumindat at pabirong nag iwan ng flying kiss bago nagpatuloy sa paglalakad.
"All your reports are needed to be past today, no one are allowed to talk to anybody unless you already handed me your report. May pupuntahan lang ako saglit. Elecor I keeping my eyes on you, I need your report now ASAP!" anunsyo ni Kyther bago lumapit kay Vince at dumaretsyo na palabas.
Nag kanya kanya naman sila ng gawa. Sakto naman ang pag email sa akin ni Mrs. Villanueva ng una kong gagawin kaya naging busy nadin ako.
Actually hindi naman totoong busy kasi onti lang naman ang pinapagawa nag busy busyhan nalang ako para hindi mapahiya. Mukha kasi talaga siyang tutok na tutok sa ginagawa.
Halos ilang oras nadin kaming naghihintay at malapit ng mag alas singko. Alam kong babalik pa si Kyther at Ms. Ava dahil andito pa yung mga gamit nila.
Wala talagang nagsasalita sa aming lahat, kanya kanya lang talaga. Yung iba ay nag gagawa paden at ang ilang tapos na ay nagcecellphone, tulad ni Eriolle, Secret at Faye.
Saktong alas singko ng dumating si Mrs. Villanueva, napansin naman niya agad ako. "andito ka pa pala Ms. Mercado, salamat hayaan mo at bibigyan naman kita ng incentives. Pero sa susunod kung tapos ka na pwede ka ng umuwi late nadin ako umuuwi kaya pwede ka naman ng mauna." saad ni Mrs. Villanueva ng madatnan ako dito, kanina pa ako tapos pero hinintay ko siya........ o si Kyther? Inantay ko talaga siya para makapag paalam.
"Inintay ko po kayo para makapagpaalam." nahihiyang saad ko.
Nang maayos na niya ang mga gamit humarap siya sakin at ngumiti mukhang nagmamadali na yata "Sige umuwi na tayo Hahahha, mauuna na ako a andyan na sa labas ang sundo ko e" hindi na din niya nagawang makapag paalam sa mga officers. Siya din kasi ang adviser ng book club officers, hindi naman kasi maitatanggi na magaling talaga siyang mag turo at talaga namang mabait din siya.
"Uyy. Mukhang may date si Ma'am" pagpaparinig ni Vince pero nginitian lang siya nito bago nag daretsyo sa paglabas.
Nang makaalis na si Mrs. Villanueva nag ayos na ako ng mga gamit. Sakto namang isusukbit ko na ang mga gamit ko ng biglaang nalaglag ang mga papel sa table ni Kyther.
Walang may balak lumapit dahil busy padin sila bukod kay Vince na hindi naman alam na nagkalat na ang mga papel dahil nasa may unahan.
Lumapit ako doon at inayos ang mga nagkalat na papel, isinalansan ko din yung mga gamit sa table niya. At inipit ko nadin doon ang application form na ibinigay niya sa akin.
"Aww. Martinez ang swerte naman!" nakabalik na pala sila ni Ms. Ava, agad akong umayos ng tayo.
"Are you done with your task?" tanong sa akin ni Kyther, hindi din nakaiwas ang pagod niyang boses sa pandinig ko. Saan naman kaya sila galing ni Ms. Ava.
"Oo. Kakatapos lang" sabot ko naman.
"Let's go I'll take you to your house" hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at nagpatuloy na sa paglakad. Bago pa ako nakasunod sa kanya ay narinig ko ang bunting hininga ni Ms. Ava napatingin tuloy ako sa kanya, nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng coat niya at nakayuko na parang pagod na pagod.
Hinayaan niyang nakapatong ang noo niya sa pinagpatong na papel sa table niya. Hindi ba siya nahihirapan ng ganoon, gusto ko pa sanang lagyan kahit ng panyo iyong sa noo niya ay nakita ko namang lumaban na si Kyther ng room.
Hinabol ko naman si Kyther hanggang makarating kami sa parking lot, kukunin ko sana ang atensiyon niya pero kasabay ng paghila ko ng coat niya ay ang pagngiwi niya dahil sa sakit. Alam kong nasaktan siya dahil sa bigla din niyang paghawak doon.
Basa ang coat niya at alam kong dugo iyon kulay itim ang coat kaya naman hindi masyadong halata.
"Anong nangya--"
"Get in the car"
Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatingin sa dumudugo niyang braso.
"I said get in the car!" Pagkarinig ko ng galit na boses niya ay agad akong napapasok sa loob ng kotse.
Iba talaga yung sigaw niya tumataliwas yung ginagawa ng katawan mo sa naiisip mo.
Gustong gusto ko pa sanang tanungin kung ano ang nangyari doon pero paano?