Kyther and Vince
Chapter 10
Sa totoo lang naiiyak ako dahil para akong bata na napagalitan, ang tahimik ko lang dito sa isang gilid. Kahapon din ay sobra lang akong tumahimik at isiniksik maigi ang katawan ko sa pintuan ng sasakyan, kung pwede na mas habaan pa ang distansya noon ay gagawin ko. Nang makarating din ang kotse sa harap ng bahay namin ay dali dali nadin akong bumaba at hindi na nakapag paalam sa kaniya.
Hindi din tulad ng mga nakaraan ay hindi na niya ako hinintay na nakapasok muna ng bahay at agad ng minaneho ang sasakyan paalis.
Alam ko at halata naman sa kaniya na nagsisi agad siya sa nagawa pero mas mabuti na lang din muna siguro ang katihimikan. At mukhang gusto niya din iyon kaya ang mas magandang maibibigay ko din sa kaniya ngayon ay katahimikan.
Kahapon pa ang nangyaring pagsigaw niya sa akin pero ang awkward padin sa feeling. Sanay naman akong masigawan at masabihan ng kung ano ano pero hindi ko alam kung bakit dinidibdib ko iyong simpleng pag sigaw niya sa akin. Well hindi naman talaga simple lang iyon.
"Ang awkward ng atmosphere. Wala bang may gustong umorder?" pagpaparinig ni Vince, hindi ko nga alam kung bakit sumama sa aming mag lunch si Kyther.
Minsan na siyang sumama pero sa pagkakatanda ko ay pangalawang beses pa lang ito.
Nakahalata naman siguro si Zumi kaya agad siyang tumayo. "V-vince... Tayo nalang siguro ang umorder" nahihiyang saad niya.
Alam ko kung gaano nahihuya si Zumi kay Vince at hindi naman lingid sa kaalaman ko kung bakit kaya naman making papasalamat ko na tiniis niya ang awkwardness para lang mabigyan kami ng privacy.
"O-okay s-sige" bakit naman nabubulol? Alam ko ang pinang gagalingan ng niya at awkwardness ni Zumi pero ang kay Vince, bakit? Talagang naguguluhan na ako sa mga nangyayari.
Walang nagsasalita sa aming dalawa, wala nanaman kasi sila Elijah at Eloisa dahil kailangang daw niyang umuuwi for lunch at hindi naman din nila sinabi kaya naman kaming dalawa lang ang natira sa table namin.
"S-sorry. I didn't mean---" Ewan ko pero parang ang Arte ng dating, bigla nalang kasi ako naiyak. Hindi naman exaggerated na iyak dahil tumutulo lang ang luha ko. Agad ko naman iyong pinunasan gamit ang likod ng palda ko pero daretsyo padin siya sa pagtulo.
First time may mag sorry sakin sa kasalanan na nagawa niya, syempre bukod kay Crystal at nanay. Ewan ba, parang ang big deal lalo pag dating sa kanya.
"Hey, why are you crying?" natataranta agad na aniya. Hindi din niya alam kung hahawakan ba niya ako o ano.
"H-hindi ko alam" daretsyo padin ako sa pag iyak na animong nanonood ng drama. "I'm sorry if I'm being too dramatic. Ngayon lang kase may nag sorry sa akin" hindi ko din inaasahan na masasabi ko pa iyon. Pero sadyang lumabas lang iyon sa bibig ko.
Narinig ko din ang pagbuntong hininga niya, he sounded so relief na hindi ako umiiyak dahil sa pag sigaw niya.
"Its my first time saying sorry too" nahihiyang aniya. Tuluyan na niya akong hinawakan sa likod at inabutan pa ng panyo. Katulad nito, sa mga kwento ko lang nababasa na inaabutan ng panyo ng lalaki ang mga babae.
Umiiyak ako dahil maluwag pala sa pakiramdam na mahingian ng pagpasensya sa mali nalang ginawa. Alam ko naman na hindi na iyon ang unang beses, pero sa katotohanan na iyon ang unang beses niya humingi ng tawad, ang sarap niyon sa pakiramdam.
Pinahid ko na din ang mga luha ko at nag patay malisya ng makita kong padating na sila Vince.
Inihatid ako ni Zumi sa office ng book club. "Ingat ka sa pag uwi mo Mamaya Adelaide, mauuna na ako." kumaway pa siya sa akin bago tuluyang naglakad paalis.
Nang maupo ako ay naka tanggap agad ako ng email sa kung ano ang gagawin, katulad kahapon ay onti lang din iyon. Mag eencode lang ulit ako ng grades at mag dodouble check ng names ng students.
Natutuwa at the same time ay kinakabahan ako. Sa pag encode ng grades ay nalaman ko na madami talaga ang matalino dito sa Ashton International School. Bilang lang sa daliri ang nakakakuha ng failing marks, pero kung tutuusin ay mataas din naman.
Magsisimula na sana ako sa gagawin ng lapit at mag tanong sa akin si Kyther. "Gusto mo ng buko shake?" Nakapasok pa sa bulsa ng coast niya ang dalawang kamay na parang sobrang seryosong naghihintay ng sagot ko.
"Ako Ky!" nagtaas pa ng kamay si Ms. Ava, malapit lang siya sa upuan namin kaya dinig na dinig niya ang usapan kahit na ang tanong ni Kyther. "Guys kayo?! Kung gusto niyo daw ba ng buko shake?!" pag aanunsyo pa niya na nakakuha ng atensyon ng iba na agad namang nag palakpakan
Wala ng nagawa si Kyther kundi mapailing kasunod ng mabigat na pagbuntong hininga.
"You want?" tanong niya ulit sa akin. Kaswal na tanong na parang hindi magagastusan ng mahal para lang buko shake. At hinihintay din niyang mabuti ang sagot ko na parang hindi manlilibre sa buong officers.
Sabagay, wala lang naman ang magagastos niya kumpara sa mga pinamili niya na pasalubong para kay lolat at nanay.
"Sige" magaabot sana ako ng pambayad pero agad na siyang tumayo at lumapit kay Elecor. Siya yata ang uutusan para bumili.
"O?! Bakit ako! Bahala kayo dyan!" napangiti pa ako sa narinig ko. Siya pala ang inuutusan ni Kyther.
Akala ko panaman walang nakakaalma sa kanya pero si Elecor lintik kung umangal.
"Oo na!" pero hanggang angal lang, susunod din naman wala pang salitang sinasabi si Kyther pero kinuha na had niya ang cellphone niya at ang opera kay Kyther at nagmamadaling lumakad palabas.
Nang makabalik na si Kyther sa upuan niya ay nakita kong hinawakan na niya ang papel na ipinasa ko, iyong form para sa application for membership. Nakita ko pang may mga isinulat siya doon, kunwari ay daretsyo ako sa paggawa pero kabadong kabado na talaga ako dahil doon.
Nang dumating na ang pagkain ay nag kanya kanya na sila ng kuha. Inilapag lang kasi iyon sa table niya, nauna pang nakipag agawan sila Ms. Ava at Vince, tulad nalang ng inaasahan.
"Here's your food, enjoy" si Kyther iyon na agad nilapag ang pagkain ko sa table.
"Salamat" iyon nalang ang nasabi ko at nagpatuloy na din sa ginagawa.
Nang busy ang lahat sa pagkain ay dumating ang isang babae na namumukhaan kong galing sa music club. Agad niyong kinuha ang buko shake ni Eruolle na hindi pa halos nababawasan. Pero hindi tulad ni Vince at Elecor hindi manlang nariningan si Eriolle ng kahit anong salita. Mukhang sanay na siya sa ganoon sitwasyon.
"That's Alina, Eriolle's best friend" bulong sa akin ni Ms. Ava. "Don't worry masanay ka na kasi araw araw mo silang makikita na babardagulan. Ay mali pala si Alina lang pala ang maingay." tatawa tawang aniya.
Pero kahit na ganoon mukha namang mabait si Alina.
Naging busy na ang ilan sa amin. Daretsyo sa pag pindot ng laptop ang iba, at yung iba naman ay nagsusulat at nagbabasa.
Sa labo ng mata ko ay hindi ko mabasa ang hand written ni Mrs. Villanueva, masyado kasi iyong maliit at naka cursive din. Kaya lumapit ako kay Vince.
"Vince, nababasa mo ba ito?" tanong ko sabay turo ng papel. Mas komportable kasi akong sa kaniya lumapit dahil siya naman talaga ang una kong nakasundo dito.
Bago siya sumagot sa akin ay bahagya pa siyang tumingin sa gawi ni Kyther. "Incomplete." sagot niya agad na bahagya ding nakangiti.
"Salamat" akma na akong babalik sa upuan ko ng tawagin niya ako ulit.
"Ade, pwede ba kitang ihatid Mamaya?" Mahinahon at nagaalinlangang tanong niya.
Awtomatiko akong napalingon kay Kyther, nakatingin din siya sa amin pero yumuko din agad. Inaalala ko kasi kung paano ko sasabihin na huwag na niya akong ihatid dahil ihahatid ako ni Vince, pero wala pa man at hindi ko pa nasasabi sa tingin pa lang niya ay parang pinagbabawalan na ako.
"Ah" napakamot pa ako sa batok sa kawalan ng masabi. "Hindi na siguro Vince kaya ko naman umuwi mag isa atsaka may dadaanan pa ako. Salamat nalang" daretsyong saad ko bago tuluyang bumalik sa upuan ko.
Ewan ko ba pero parang may meaning para sa akin yung pag yuko niyang iyon.
Nagpatuloy na kami sa mga sariling gawain. May ilang mga estudyante na nag papunta para humingi ng application form may ilan namang nagpapaschedule para sa practice ng defense nila at kung ano ano pa.
Tahimik lang ako at patuloy na gumagawa. Ganon din naman ang iba na tulad ko ay tapos nading kumain.
Nang matapos na ako sa mga ginagawa ay napasiyahan ko ng imisin ang gamit ko. Pero pinagtakahan ko ay ang pag iimis din ni Kyther ng mga gamit niya.
Pinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy na, "Mauuna na ako sa inyo. Mag ingat kayo sa pag uwi" saad ko bago tuluyang lumabas.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na ramdam na ramdam ko ang presensya ng tao sa likod ko and take note dalawa sila.
Hanggang sa makalabas na ako ng gate ng school ay sumusunod padin sila, pwede naman silang mag sabi sa akin e.
"Bakit?" nagulat pa sila sa biglaang pag harap ko. "Bakit ba kayo sumusunod?" nagtataka kong tanong.
"Hatid na kita." sabay na saad ng dalawa.
Naguguluhan ako. Sabi ni Kyther lagi na daw niya akong ihahatid, si Vince naman ay nag sabi sa akin kanina na ihahatid niya ako. Marunong naman akong umuwi mag isa e.
"Hindi na, isang sakay lang naman ng jeep ang pauwi sa amin kaya, kaya ko na." ayaw kong masabihan ng bias ni Vince at ayaw ko namang may ibang isipin si Kyther.
Sa totoo lang gusto kong makasama si Kyther. Basta masaya lang ako na kasama siya at walang dahilan iyon kasi iyon talaga ang gusto ko.
Kung hindi ako pumayag na ihatid ni Vince ay dapat hindi na din muna ako pumayag ihatid ni Kyther, hindi ko alam kung bakit pero iyon ang mas makikita kong tama.
Magulo sobrang gulo. Siguro naman kahit sino ganon din ang nararamdaman kapag may gusto sa isang tao.
Wala na silang nagawa kundi ang pagtango at pag sang ayon sa gusto ko. Nang makasakay na ako sa jeep ay hindi ko na nagawa pang lingunin sila.
Pagkarating ko sa bahay ay agad na bumungad sa akin si Crystal. Nakatayo pa siya sa tabi ng pintuan na parang ako talaga ang hinihintay niya.
"Ate" kinakabahan na aniya, ganon nalang din ang pasalubong ng kilay ko ng makitang may tao sa loob ng bahay. Pamilyar ang hubog ng likudan niya sa akin.
"Crystal." pagbati ko sa kanya at pumasok na ako sa loob.
Habang naglalakad ako palapit sa salas onti onti ko ng nadidinig ang boses niya.
"Adelaide! Andyan ka na pala! Halika kumain ka na muna!" tinig iyon ni nanay pero nakatingin padin ako sa panauhin namin.
"Ade!" naninitang tawag sa akin ulit ni nanay.
Bakit ganito? Bakit tatanggapin mo ulit ang taong nanakit sayo ng husto nanay? Gusto ko iyong itanong pero kawalan naman iyon ng galang.
Naging tatay namin siya ng iwan kami ng totoong tatay namin. Pero hindi din maganda na iwan niya kami ng ganon. At ngayong bumalik siya parang ang ayos ayos noong umalis siya. Bakit ganon? Saan niya nakukuha yung lakas ng loob niya?
"Magandang hapon nay, si lola po?" walang buhay kong tanong. Hindi ko din pinansin ang bisita niya.
"Wala ka bang sasabihin sa tatay mo?" mahinahong aniya.
Napatingin tuloy ako sa tinuring kong tunay na tatay. Wala na ang tunay na tatay namin ni Crystal kaya napamahal na kami sa kaniya pero onti onti iyong nawala ng iwan niya kami. Wala akong alam sa dahilan niya naka dagdag pa sa sama ng loob namin at bakit kung kelan nasanay na kami ni Crystal na may tatay iiwan niya kami. At bakit ngayon na nasanay na kaming wala siya bigla nalang siyang babalik?
"Magandang hapon po" iyon na lamang ang nasabi ko at hindi na hinintay ang tugon niya bago ako nagmadali sa pag akyat.