Chpatier 11

2007 Words
Zumi, the best friend. Chapter 11 Ilang beses kong isiniksik sa isip ko na hindi ko siya totoong tatay kaya dapat ay hindi ako apektado, pero sa tuwing naiisip ko na tumayo siya na parang tunay naming ama parang gusto kong bumaba at yakapin siya. Gusto kong isumbong lahat ng mga umaway sa akin noon, lahat ng hirap sa pagtatrabaho sa murang edad, ang hindi ko pag aaral ng dalawang taon dahil sa kakulangan namin sa pera. Yung una kong sugat sa kamay dahil sa pag pulot ng nabasag na baso sa trabaho. Lahat ng paninigaw ng iba, lahat ng pag iyak ko ng mag isa. Gusto ko din itanong kung nasaan siya sa tuwing hinahanap siya ni Crystal, sa tuwing umiiyak si nanay. Lahat gusto kong isumbong at itanong sa kinilala kong tatay, pero hindi ko kaya. Kasi may part sa akin na sinisisi siya kung bakit ko naranasan lahat yon. "Anak, Ade." mahinang pag tawag sa akin ni nanay. Dali dali kong pinunasan ang luha ko, hindi ko na namalayan na naiyak na pala ako. Lumapit siya at umupo sa tabi ko. Nag aayos na kasi ako para pumasok. Hindi niya din siguro alam kung pano sisimulan ang sasabihin katulad ko. "Anak........." pagsisimula niya "mahal ko kayo. Mahal na mahal" nagsimula nadin siyang umiyak at ayaw kong makita siyang ganoon. "Mahal ko din kayo nay. Kayo ni Crystal." nahawa nadin ako sa pag iyak niya. Sandali kaming nabalot ng katahimikan, at mukhang alam ko na kung asan ito pupunta. Alam ko naman at nauunawaan ko din kung bakit hanggang ngayon ay mahal padin nila ang isat isa. Mahal padin naman ni nanay si tatay Kino at hindi naman na lingid iyon sa kaalaman namin. "Mahal ko din si Kino, mahal ko yung tatay ninyo. Pasensya na Adelaide, pasensya na anak" ganon nalang ang paghagulgol sa akin ng nanay ko. Napapaisip tuloy ako, Ganon ba talaga pag mahal mo ang isang tao para kang nagiging isang marupok na kahoy? Wala akong alam sa dahilan ng pag alis niya na nakadagdag ng sama ng loob ko. Tapos ngayon ay babalik siya ng ganon ganon lang. Pero mahal siya ni nanay kaya sino ako para tumutol? Doon ako kung Saan siya masaya, doon kami ng buong pamilya. "Naiintindihan ko nay wag ka mag alala" pag papanatag ko sa kaniya. Susuportahan ko sila kung saan sila masaya. "Papasok na ho ako" paalam ko. Palabas na ako ng pintuan ng narinig ko ang pag tawag ulit sa akin ni nanay. Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng yakap. Yakap na may assurance na susuportahan ko siya at magiging masama nadin kung gusto pa niyang pabalikin si tatay kino sa buhay namin. Tango lang ang naisagot niya sa akin. Ganon padin ang pag iyak ko, para akong artista na nasa drama, laking pasasalamat ko na maaga pa at wala pa masyadong tao sa kalsada at walang nakakakita ng estado ko. Inayos ko nalang ang sarili ko bago ako sumakay ng jeep. "Good morning Ade!" nagulat pa ako dahil sa biglaang pag sulpot ni Vince sa harapan ko ng makapasok ako sa loob ng school. "Good morning din" sinuklian ko yung Magandang ngiti na binigay niya sa akin pero bigla na lang siyang yumuko. "Bakit? Okay ka lang?... May problema ka ba?" natatarantang tanong ko agad. Nasanay ako na palagi lang siya masigla at masaya. May Nasabi ba akong masama? Pero nag good morning lang naman ako, hindi ba? "Pasensya na kahapon, alam ko naman na si Kyther na ang naghahatid sayo pero pinilit ko pa" nahihiyang aniya. Kaya pala, iyon pala ang dahilan niya kung bakit parang bigla siyang nalungkot pero okay lang naman iyon para sa akin. Kinaya ko naman makauwi ng mag isa. At halos tatlong taong ko na din namang ginagawa iyon. "Huh? Hindi okay lang yun. Saka ilang beses lang din naman akong hinatid ni Mr. Martinez, at kaya ko naman talagang umuwi mag isa" paniniguro ko sa kanya. Ngiti nalang ang itinugon niya sa akin at pag tango bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating na kami sa tapat ng classroom ko ay sabay kaming natigilan ng makita namin ang naghihintay sa tapat ng pinto. "Zumi, Mr. Martinez?" pagbati ko kay Zumi at nagtatka ko namang tanong kay Mr. Martinez. "Andyan ka na pala papasok na ako sa loob Adelaide" si Zumi iyon bago tuluyang pumasok sa loob, tiningnan muna niya si Vince. "Ako den alis na ako" saad naman ni Vince at tuluyan ng umalis. Naiwan akong nakatayo lang sa labas kasama si Ky--Mr. Martinez. "Look, I'm not here to make an apology" e bakit naman andito siya? At bakit naman may kailangang humingi ng apology? Nanatili lang akong nakatayo at nakababa ang tingin. Iniisip kung bakit may salitang apology, sino ang dapat mag apologize? "I am here to hear your reason." Meron ba akong kasalanan sa kanya? Ano naman iyon? Umuwi lang naman ako kahapon hindi ba? Lalo akong napayuko dahil sa pag iisip. Wala naman akong Naging kasalanan sa kaniya. Patuloy padin ako sa pagiisip at hindi ko na nadinig ang mga sinasabi niya. "I said! Look at me!" ganon siya kadaling naubusan ng pasensiya sorry naman po, wala naman kasi akong kasalanan sa pagkaka tanda ko. "Sorry" napapahiyang saad ko may ilang estudyante nadin kasi na dumadaan dito sa harap ng classroom namin. At lahat yon ay na alerto sa pag sigaw niya sa akin. Pinilit niyang kunin ang atensyon ko, mas lumapit siya sa akin at tinangkang hawakan ang mukha ko para mahuli ang paningin ko. Pero hindi ko naman hinayaan na mahawakan niya ako dahil alam kong madaming ga junior students ang naka mata sa amin. Ayaw ko na mamis interpret nila ang mga ganoong sitwasyon. "I said...." mahinahon na iyon hindi tulad kanina, dinaretsyo ko din ang tingin ko sa mga mata niya, pinakatitigan niya ako at ganon din naman ako sa kanya. Antagal pa niyang tinitigan ang mukha ko, more like ang mga mata ko. "Did you cry?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Agad kong kinapa ang mata ko, sinilip ko pa ang repleksyon ko sa cellphone ko na nagmamadali kong kinuha ko sa bulsa ng coat ko. Kitang kita ang pamumugto ng mata ko. Umiyak ako kagabi pero hindi na para malaman niya dahil problema iyon sa bahay. Ang akala ko ay mawawala na iyong pamumugto pero umiiyak ulit ako kanina bago pumasok kaya naman siguro ay namugto ulit. Hindi katulad ni Crystal ay mas Maputo ang kulay ko sa kaniya kaya naman mas nahahalata agad sa itsura ko kung umiyak ba ako dahil namumula agad ang mga mata at ang ilong ko. "Hindi, puyat lang ako" pagsisinungaling ko. Mayroon naman siguro ng namumugto ang mata sa pagiging puyat. Hindi na namin na ituloy ang paguusap sa biglaang pagdating ng aming guro. Nagpaalam na siya at pumasok na ako sa loob ng classroom. "Zumi? Ayos ka lang ba?" nahihiyang tanong ko dahil nakaka panibago ang katahimikan niya. "Oo naman, ikaw ba ayos ka lang? Namumugto yung mata mo." Ganon ba talaga kahalata yung mata ko? Hindi naman talaga ayos pero alam kong hindi din ayos si Zumi kaya naman ayain ko ng sabayan pa kung ano man ang problema niya. Mayroon kaming sariling problema at ayaw ko na a pa niya ako sa kaniya. "Hindi, ayos lang ako." tumango lang siya pero ramdam ko padin ang pag aalala niya, alam niya na nagsisinungaling ako. Thank you sa concern Zumi. Salamat sa pagiging kaibigan at salamat sa pag aalala. Sandali kaming tumahimik at naghintay ng ipapagawa ng guro, nang magsalita si Zumi. "You know I'm always here for you right?" saad niya na talagang nag aalala. Hindi ako sanay na mag sabi ng problema sa iba dahil alam ko naman na lahat ng tao ay may kaniya kaniyang problema. At lahat din ng iyon ay hindi ibibigay sayo kung hindi mo kaya. Alam kong makakatulong din ang pagsasabi ng problema o paglalabas ng hinanakit, pero pumapasok lagi sa isip ko na baka parehas kami ng nararanasan at baka makadagdag pa ako sa dapat sulusyunan. Ayaw ko na dumagdag pa ako sa problema nila. Alam kong iba si Zumi, alam kong hindi siya madaling maghusga pero mukhang natural na sakin itong pagkikimkim ng sariling daing, ng sariling problema. At alam ko naman na masosuluyunan din ito kung hindi man bukas ay malamang na sa ibang araw. Kasing gulo ng buhay ko ang puzzle na pambata, actually dahil nga pambata ay madali lang iyon. Pero dahil nga para iyon sa bata kaya nagmumukhang mahirap, kaya nagiging magulo. Madali iyon kung may gabay ng iba. Pero pano ka matututo kung palagi ka nalang umaasa. Malalim. Makahulugan. Lagi kong itinatatak sa isip ko na kaya ko, lagi kong sinasabi na may tiwala ako sa mga nasa paligid ko. Pero onti onti nadin akong nawawalan ng tiwala para sa sarili ko. Gutom na siguro ako..... Nagdadrama na ako e. "Zumi, ayos lang talaga ako" mahinang saad ko. Hindi man iya sabihin ay nararamdaman kong hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko sinasabi sa kaniya, pero hindi naman siguro ito kasing bigat at komplikadong problema tulad ng iba. "Bakit ba hindi ka nagsasabi ng problema mo sakin?" iritadong saad niya. "You know I won't judge you, I'm your best friend. Pero kung hindi ka talaga ready okay sige fine hindi na basta next time I saw you na ganyan ka at namumugto ang mga mata mo talagang kukulitin kita. I don't want to see you hurting because as your fiend it hurt me too" sa mga sinabi niya ay napangiti ako dahil talagang sinsero ang bawat salitang lumalabas sa kanya. Hindi niya kailan man pineke ang sarili niya sa akin. Ang swerte ko na siya ang kaibigan ko. Kahit sinong mayroon na maituturing nilang si Zumi ay maswerte. "Opo ma'am" mapagbiro kong tugon. "Ms. Mercado and company, would you mind sharing your topic in the whole class you two seems happy" naninitang saad ni Ms. Martinez. Napayuko naman kami dahil sa pagkahiya. "Birds of the same feathers flock together" pagpaparinig ni Ely ng matapos ang klase. Tinutukoy ay ang pagiging magkaparehas namin ng ugali ni Zumi na kaiba sa kanila. Hindi naman kasi kami sociable na tao. Mas okay na kami na kami kami lang dahil mas pagkakaintindi nan at nag kakaunawaan kami, bakit ba kasi hindi nalang nila isipin na maging masama na lang at huwag na lang mag komento sa amin, tulad ng agawa sa kanila. "And when they flock together they fly so high. I'm sorry Ely mukhang hindi pa yata tapos yung nabasa mo, I think you need to read further." hindi ko inaasahang banat naman ni Zumi, at dali dali niya akong hinila paalis dun. Naiwan naman doon na naiinis si Ely dahil sa sinagot sa kaniya ni Zumi, kahit ako ay hindi ko din iyon inaasahan. Habang naglalakad kami at patuloy pafin sa paghila sa akin si zumi ay nakasalubong naman namin si Vince na mukhang disenteng disente. Walang gusot ang uniform at naka ayos ng mabuti ang tie, he even brush his hair up habang suot din ang eyeglass niya. And because of that I feel Zumi stunned at the view. Sino ba ang hindi dahil talaga namang hindi din biro ang kagwapuhan niya pero hindi tulad ng nakasanayan ay hindi niya ako binati gamit ang long lasting energy na mayroon siya. Pormal na tiningnan niya lang kami at tinanguan bago himarap kay Zumi. "Excuse me we're inviting Ms. Zamira Yumi on our office" daretsyong aniya na pormal na pormal. Na tatawa man ay hindi ko na lang pinahalata mas nasanay na kasi ako sa Vince na energetic kaya naman pasimple kong kinurot ang tagiliran ni Zumi para makuha ang atensiyon niya. Dahil talaga namang literal na napatigil pa siya sa harapan ni Vince. "Ahmm... Sige Adelaide umuna ka na susunod nalang ako" naglakad na sila palayo sa akin kaya naman gusto kong malaman kung para saan iyon. Gusto kong sumama pero si Zumi lang naman ang inimbitahan. Idadagdag ko pa tuloy iyon sa isipin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD