Chapter 12

2007 Words
Reflection of the woman that i like Chapter 12 Habang kumakain ako ng lunch ay hindi ko padin maiwasang isipin kung ano ba talaga ang pinag usapan nila Zumi, inanyayahan kasi siya sa office ng book club. Hindi ko naman matanong dahil gusto ko padin ibigay sa kanila iyong privacy nila. "Bakit ka naman tulala?" saad ni Zumi. Kaming dalawa lang ulit ang naiwan dahil umalis ang kambal. "Huh? Wala kasi ano... Ahm--" "--kase iniisip mo kung ano yung pinag usapan namin kanina?" tanong niya pero umiling naman ako. Nang hindi mapaniwala sa sinabi ko ay binitawan na niya iyong kutsara at tinidor niya at humawak pa sa kamay ko. "Don't worry Ade what we talk about is no harm" paniniguro pa niya. Tango lang ang naisagot kobsa kaniya naman kaya natawa pa siya sa akin. "Ade, its not something you or me or anyone of us. It something deals the school. Believe me, and its no harm" pagpapatuloy pa niya. "Sige" may tiwala naman ako sa kaniya at baka kaya hindi niya sinabi sa akin ay dahil kailangan ay sikreto iyon. Nagpatuloy na kami sa pagkain at todo pa ang lagay niya sa akin ng ulam na mayroon siya. "Nag eexercise ka ba or something? Vitamins?" andami pa niyang tanong unlike the usual. Pero hindi naman na bago ang pagiging madaldal niya dahil ganoon naman na talaga siya. Nabawasan lang ng palagi ng sumasama sa amin si Vince. Kung ano ano pang tinanong niya sa akin at doon na naubos ang lunch time namin. Show even tell me to asked question to her din para daw balance. "Hi Ade! Hi Zumi" si Vince iyon na sumalubong sa amin ni Zumi, nakasakbit nadin ang bag niya. Anong trip niya. Papunta na sana ako ng office nila, pangatlong araw ko na at dalawang araw nalang tapos na sa pagiging encoder. Sa dalawang araw na iyon ay nakilala ko na onto onti ang katangian ng bawat isang officers. Ang presidente na masungit, ang vice president na makulit, retary na mapang asar ang treasurer na sosyal, ang auditor na tahimik at ang kaibigan niyang talaga namang kabaligtaran niya, ang junior representative na bad boy ang get up pero mahiyain, ang senior representative na jolly, si Elecor na laging hanap sa front desk ng mga babae at si Ms. Faye na tahimik lang at palaging kaaway si Ms. Clara. Magkakaiba ng ugali pero nagkakasundo sa pag gawain ng events, sa pag organize ng school, sa pag maintain ng kaayusan sa loob ng school at nagkaka ayos pag dating sa pagkain at gala. Magkakaibang ugali pero iisa ang hangarin, ang mapag silbihan ang school at ang makapag tapos ng pag aaral ng may karangalan. "Sige na Ade, uuna na ako" paalam ni Zumi "H-hatid ka na namin sa s-sakayan" sabay pa kami na napalingon kay Vince ng sabihin niya iyon. Chance mo na to Zumi! "Ahm. Vince naccr kasi ako e. Pwede ikaw na muna ang maghatid kay Zumi?" nakahalata siguro si Zumi kaya naman pasimple niyang kinurot ang tagiliran ko para sana pigilan ako. Pero hindi ako nagpasindak. "Vince si Zumi a! Bye!" naglakad na ako palayo habang kumakaway. Mukhang naiihi si Vince dahil parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Nakangiti akong nagpatuloy, wala naman talaga akong balak mag cr e. Naglakad lang ako papunta sa office ng book club. Nagvibrate pa ang phone ko kaya agad kong kinuha yon. From, Zamirah Yumi: Ade! Nakakahiya!! : Natawa pa ako dahil sa text na iyon ni Zumi. Nakakahiya naman talaga pero gusto ko siyang mayulungan na makausap manlang niya si Vince. From, Zamirah Yumi: How did you do this to me Ade! I thought you are my friend! Yeah I like it but not in this situation! But yeah, thanks! Love yah! Take care! Tatawa tawa pa ako ng mabasa iyon iniimagine ko na how awkward the environment they have. To, Zamirah Yumi: Kaya mo yan Zumi! Isinilid ko na ang cellphone ko sa bag ko dahil hindi ko naman na iyon gagamitin ng.... "Ay buntis na Zumi!" napahawak pa ako sa coat ng nakasalubong ko. Muntikan na kasi ako matumba wala din namang ibang pwedeng kapitan, just his coat, sorry mukha pa namang plantsado. Hindi ko alam na iyon pa ang masasabi ko. Nakakahiya. "What?" Kung talaga nga naman hindi mo inaasahan. Hayst. "Huh?" nahihiyang kong saad. Pasimple pa akong peke na umubo habang umaayos ng tayo. "Ahm.. Where are you going?" tanong niya. "Syempre sa office niyo, doon naman ang daretsyo ko after class hindi ba?" sarkastiko kong tugon. Mukhang nahalata niya ang pang aasar ko kaya tiningnan niya ako ng masama. Okay hindi na. "Ikaw saan ka pupunta Mr. Martinez?" seryoso kong tanong, naka bag nadin kasi siya. Kalimitan ng uwi niya ay pagabi na kaya naman nakakapagtaka. Ngumisi pa siya sa akin bago sumagot. "Going home" aniya. Ano naman ang nakakatuwa sa pag uwi, Sabagay masama naman talaga ang umuuwi ng bahay dahil andon ang pamilya mo. Pero bakit ang aga naman yata niyang umuwi. Baka naman trip niya o kailangan niyang umuuwi ng maaga. "Okay. Ingat!" saad ko bago tuluyang naglakad paalis. Hindi naman siya gumalaw sa kinatatayuan at ramdam kong nilingon niya pa ang gawi ko. Pero..... Bakit parang sarado yata yung office? Baka naman sadyang sinara. Nagpatuloy padin ako sa paglakad. Wait? Pati ilaw? "Hala alam ko na!" Kaya nakabag si Mr. Martinez at Vince kanina dahil nga pauwi na sila, pero hindi ba nila alam na nakikioffice din ako sa kanila? Bigo akong nagpatuloy sa paglalakad. Bakit hindi manlang nila sinabi sakin, lalo na si Ky--Mr.Martinez. Talagang hinayaan pa niya ako na magpatuloy at hindi man lang ako pinigilan. Habang naglalakad ako ay may natatanaw akong nakatayo doon sa kinatatayuan kanina ni Kyther. Mukhang siya pero baka naka uwi nadin siya. Pero habang palapit ako ng palapit, siya pala talaga. So he's making fun of me. Nawala sa isip ko na siya ang presidente ng pinapangarap kong club. Inirapan ko siya pero imbes na sungitan at tingnan ako ng masama ay tumawa siya! Tawa na nakakainis kasi alam kong panggagaso. Ginagaso nga niya ako. "Bakit hindi mo sinabi?" mahinahon kong tanong. Ayaw ko pa din naman masigawan kaya dapat ay mahinahon. "Bakit hindi ka nag tanong?" balik na tanong naman niya. Napaka pilosopo, can't he just tell me kahit na hindi ko itanong? "E malay ko ba kung may pupuntahan ka lang or uuwi pero bukas doon, sana sinabi mo" nakanguso kong saad. "Okay fine. I'm sorry, then" pairap niyang saad. Hindi siya sincere. "Let's go, I'll treat you nalang" hinila pa niya ako at hindi na hinintay ang sagot ko. Nang makarating kami sa parking lot pinagbuksan niya ako ng pintuan, nang masiguro na ayos na akong nakaupo saka palang siya sumakay. "Okay lang ba kung may daanan muna tayo?" nahihiyang saad niya habang mina maniobra ang sasakyan. "Saan?" tanong ko ng may simpleng ngiti syempre hindi ko ipapahalata na masaya ako, baka sabihin pa niya na easy to get. Galit dapat ako sa kaniya kasi may kasalanan siya sa akin, pati din si Vince. Humanda iyon sa akin bukas. Masaya lang ako na may oras kami na mag masama kahit na hindi niya naman alam na iyon ang nasa isip ko. Kaya kahit na galit ako ay masama padin ako. "Its okay if you don't want to" nakalabas na kami sa parking lot kaya naman nakatutok na siya sa pagdrive. "Hindi, ahm okay lang naman saka maaga pa" saad ko. Ngiti na lang ang naisagot niya sa akin at nagpatuloy na sa pag mamaneho, papuntang mall. Dapat ay galit galitan ako pero hindi ko padin maitago ang saya. I'm with him, pero hindi pa din naman naalis sa akin na baka isang mali ko lang na kilos ay masigawan niya ako. Masigawan niya ulit ako. Ipinark niya ang kotse niya sa tabi ng isang magarang sasakyan, mukhang isa ito sa pag mamay ari ng isang estudyante ng Ashton International School dahil minsan ko na itong nakita sa parking lot ng school. "Vince?" mahinang saad ni Kyther. "Huh? Asan?" nagpalinga linga pa ako sa paligid dahil baka nakita niya si Vince. Pero wala naman, baka naman na miss niya lang si Vince. Pasimpleng umubo si Kyther "Yung kotse, kay Vince yan" seryosong saad niya. Ahhhh mali na naman ang nasa isip ko akala ko pa naman na miss niya. Mapayapa kaming naglalakad sa loob ng mall habang hawak hawak ko pa ang strap ng bagpack ko at ganoon din siya. Nangangapa din ako kung saan ba talaga ang punta namin ng nagsalita si Kyther. "Look on your right." bulong sa akin ni Kyther nang makapasok kami sa mall. Nasa kanang bahagi kasi ang isang ice cream parlor. Pasimple akong luminga at nakita ko agad si Zumi na nakangiting kumakain ng ice cream, nasa tapat sila ng glass wall kaya naman madali silang makita. Ang cute nalang tingnan. Lalo na si Zumi dahil alam kong iyon ang tunay niyang ngiti, at totoong masaya siyadahil masama niya si Vince. Tahimik lang din naman si Vince pero pinagtakahan ko lang ay bakit hanggang doon ay nag aaral padin siya, nakapatong kasi sa binti niya ang notebook. Paminsan minsang natingin siya kay Zumi at saka titingin ulit doon sa note book sa ilalim. Masaya ako para kay Zumi kasi alam ko naman na gusto talaga niya si Vince. "You want to join them?" seryosong tanong ni Kyther nang nakitang nakattingin lang ako sa dalawa. Umiling naman ako I don't want to ruin their moment. Nagdaretsyo na kami sa pag pasok. Ganon padin siya at tahimik lang wala naman siyang balak mag open ng topic kaya naman hindi din ako nag sasalita. Kung may tanong siya ay iyon na lang ang sasagutin ko. Nagdaretsyo kami sa pag ikot ikot dito sa loob ng mall pero sa dami ng nadaanan naming store wala kaming pinasukan kahit isa. "O ano ng gagawin natin dito?" tanong ko ng maka akyat kami ng second floor ng mall. Wala talaga siyang imik, seryosong seryosong siya habang naglalakad. "Anything you like" seryosong seryoso siya ni hindi ko mabasa kung ano ba talagang nararamdaman niya o kahit iyong emosyon niya. "Bakit ako, e ikaw ang may gusto dito" nakasimangot na ako dahil gusto niyang dumaan dito pero wala naman palang gagawin. "Yeah right andito yung gusto ko" nakangising saad niya. Kanina lang ay wala siyang emosyon ngayon naman ay nakangisi na siya. At iyong tingin niya pa sa akin. "Asan ba? Tara na! Puntahan natin!" aya ko sa kanya. Niyaya na siya dahil baka bigla na lang ako magtatakbo pauwi kung patatagalin pa niya ang ganoong tingin niya sa akin. Nagpatuloy lang siya sa paglakad, wala naman siyang kahit na anong sinabi kaya naman sumunod nalang ako sa kanya. Tumigil kami sa harap ng malaking salamin sa loob ng department store. "Dito pala gusto mo. Tara tulungan kitang humanap ng bagay sayo" nakangiti kong saad. Nanatili naman siyang nakaharap lang sa salamin, napatingin din tuloy ako doon. Ang fresh padin niya samantalang ako ay oily na at gusot na din ang uniform. Nahiya naman ako sa itsura ko kaya akma na akong lalakad ng hilahin niya ako at iharap ulit sa salamin. "Look at the mirror" itinuro niya ang salamin walang tao sa paligid dahil onti lang ang tao sa mall at nasa men's apparel pa kami. Napag masdan ko tuloy ng maayos ang sarili ko. Naka pony tailnlang ako at ang gusot kong uniform ang putla din ng kulay ko dahil hindi naman ako sanay na mag make up. Nahiya tuloy ako sa handa ng tindig niya, nakaayos ang uniform at ang buhok. Ngumiti pa siya na nag palabas sa malalim niyang dimples. "O?" tanong ko ng hindi ko na makayanan ang tingin niya sa akin sa salamin. "That is the reflection of the woman that I like." Ano daw? napanganga ako sa mga sinabi niya, onti onti pa siyang humarap sakin "Bagay naman siguro kami and I think I don't need to search for her cause she's already with me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD