Natigilan si Isla nang pagdaan niya sa silid ni Alpheus ay may narinig siyang mga ungol na tila naghihinagpis. Mabilis siyang pumasok sa kuwarto ng binata at ginising ito. “Alpheus, gising. Nananaginip ka.” Marahan niya itong yinugyog sa balikat. He wasn’t looking good. Pawis na pawis ito at hindi malaman kung saan ipapaling ang ulo, habang nagsasalubong ang mga kilay kahit mariing nakapikit, at nakadaklot ang kamay nang mahigpit sa kubrekama. “Alpheus—” “Abel!” bulalas nito sabay balikwas ng bangon. He was disoriented for a while. Kahit na nakita na siya nito ay tila hindi agad rumehistro ang presensya niya sa utak ng binata. Hinaplos niya ang pisngi ni Alpheus. “Ikukuha kita ng tubig, sandali lang.” Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito sa kamay. Her gaze fell on his hand. It

