Naagaw ni Alpheus ang baril at nagawang ihampas iyon sa holdupper na naging dahilan para mawalan ito ng malay. Pero bago iyon ay nagawa muna nitong iputok ang baril na tumama sa kanang balikat ni Alpheus. Hindi siguro ito tatamaan kung hindi ito nag-aalala sa kanya. Dumating na ang mga pulis at nakaposas na ang holdupper. Nagmakaawa ito kay Alpheus pero nagmatigas ang binata. Dumating na rin ang ambulansya at binigyan muna ng paunang lunas ang binata. Nakaupo na sila ngayon sa pahabang upuan sa waiting shed. Mabuti na lang at tumila na ang ulan. Iyak nang iyak si Isla. Hindi niya maarok ang igting ng kaba sa kanyang dibdib nang makitang duguan si Alpheus kanina. “Okay ka lang ba talaga?” tanong niya sa binata. May bendahe na ang sugat nito. "Huwag na huwag kang magsisinungaling. May

