“May masamang balak daw sa akin si Mr. Gardose?” tanong ni Isla sa asawa. Nakahiga ito katabi niya sa kama. Tumango siya at hinigpitan ang pagkakayapos dito. “He tried to kill you. Pero hindi niya napaghandaan ang sorpresa natin sa kanya.” “Okay naman ba si Aviana? Is she hurt?” “No, of course not. Magaling iyon. Ni hindi nga nakapalag si Gardose.” Isiniksik ni Isla ang mukha sa leeg niya. “So, tapos na ba? Nahuli naman na si Gardose.” “Hindi pa siya ang utak sa likod ng lahat ng ito.” The tone of his voice was enough to tell his wife that he knew everything… and anything that he needed to know. Hindi siya bobo para hindi mapansin ang maliliit na bagay. “Sino pala?” tanong ni Isla. He gazed at his wife, grinning. “Your almost lover,” he teased. Namilog ang mga mata nito. “Ano ang

