CHAPTER 43

1461 Words

Pumasok si Gardose sa madilim na silid. Pinagsisira niya ang kahit anong mahagip ng kanyang mga kamay. Nang mahawakan niya ang baso ng alak ay walang pangingimi niyang binasag iyon. Nagagalit siya kay Alpheus San Madrid. Kahit na may nagbabanta sa seguridad nito at ng pamilya nito ay tila hindi ito apektado. Katunayan ay ngayon pa talaga nito piniling magpakasal sa simbahan. Isang malaking insulto iyon para sa kanya. Tinadyakan niya ang center table at sumalampak ng upo sa sofa. Gusto niyang magmakaawa sa kanya ang isang Alpheus San Madrid na akala mo ay isang diyos na tinitingala ng marami. Naikuyom niya ang mga kamay. Gagawin niya ang lahat para lang madulutan ng problema ang CEO ng Sandrid Ventures. Hindi siya titigil hanggang hindi nagiging miserable ang buhay nito. Biglang umingit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD