Hindi na umaasa si Isla na mananatili pa sa piling niya si Alpheus. Kung tutuusin ay tila panaginip lamang ang mga sandaling nakasama niya ito dahil magkaibang-magkaiba ang mundong kanilang pinagmulan. He was like the mighty eagle. At siya? Isang basang sisiw lamang? Mayaman at makapangyarihan ang pamilya nito. Samantalang siya ay ni walang naiwang kapamilya. Wala pang kinilalang ama. Ano nga uli iyong sabi sa kanya ni Marcus nang iwanan siya nito at piliin si Frida? He said Frida was the better life partner. Na higit na nababagay dito ang babaeng may magandang estado sa sociedad. Kaya ano pa ang aasahan niya kay Alpheus? Mas mayaman at maimpluwensya pa ngang di-hamak ang pamilya nito kumpara kay Marcus. Mahal na mahal niya si Alpheus pero ano ang laban niya? Disimulado niyang nahaplo

