Kinumutan ni Alpheus ang asawa at hinalikan sa noo. Nakauwi na sila sa kanilang bahay at nasa guest room ang abuela niya. Maaga itong nagpahinga dahil bahagyang nagsikip ang dibdib nito sa ginawang pagsariwa sa nakaraan. Minasdan niya ang nahihimbing na asawa. She had a difficult life. Kaya mas determinado siyang bigyan ito ng masayang buhay sa piling niya. Habambuhay niya itong mamahalin. Ngayon niya nasisigurong sadyang pinagkrus ang mga landas nila. It was fate that brought her to Club Axis. Hindi niya masisisi ang ama nito kung bakit pinili nitong huwag nang buksan ang puso sa iba. Siya man ay ganoon din ang gagawin. If he would lose his wife, he would never fall in love again. Si Isla lang ang mamahalin ng puso niya. Hinaplos niya ang buhok nito saka nahiga na sa tabi ng asawa. In

