Tahimik si Alpheus habang palabas sila ng gusali. It was almost 5 in the afternoon. May meeting pa dapat si Alpheus pero kinansela na nito dahil bahagyang sumama ang pakiramdam niya kanina. Bumuntong-hininga si Isla at tumingin sa asawa. “Galit ka ba sa akin?” tanong niya. Umiling ito at pinisil ang kamay niya. “Of course not, love. Mainit lang ang ulo ko dahil kay Marcus. Pero hindi ako galit sa iyo. Wala ka namang ginagawang masama.” “I’m sorry kung hindi ko agad nasabi sa iyo kaninang nasa opisina ko siya.” “It’s okay, love. Mabuti ngang nangyari iyon, dahil nabigyan ako ng dahilan na sabihin na sa kanya kung sino ako sa buhay mo. I've been really wanting to shove the truth to his face.” Pumalatak ito. “Talagang umaasa pa kasi ang ex mo na magkakabalikan pa kayo.” Hinawakan siya nit

