“Are you sure you want to go to the office?” nag-aalalang tanong ni Alpheus kay Isla. Ibinaba nito ang back zipper ng corporate dress na pilit niyang inaabot at itinataas. Umikot siya at humarap sa asawa, pinaningkitan ito ng mga mata. “Would you rather I go to the office naked? Ayaw mo akong pagbihisin, eh.” Sumimangot ito at naupo sa kama. “Honestly, I don’t want you to work today. Gusto ko dito ka lang sa bahay. Nag-aalala ako. Alam mo naman iyong kumakalat na balita tungkol sa in-anunsyo ng magulang ko na si Kinsley ang totoo kong fiancee. And about the wedding plans published on newspapers. Hindi ko na itatago sa iyo dahil alam kong nabasa mo na bago pa naalis iyon ng PR team ko.” Ngumiti siya at nagpakandong sa asawa. “I am not as fragile as you think, Alpheus. Hindi ako natatako

