“Bawiin n’yo ang in-anunsyo n’yo sa peryodiko, Ma, Pa.” Madilim na madilim ang mukha ni Alpheus. Ang kislap sa mga mata niya ay nagdudura ng purong galit. “No, Alpheus! Tama lang ang ginawa ni Tita,” giit ni Kinsley. Pinukol niya ng matalim na tingin ang dalaga at binaklas ang dalawang kamay nito na pumulupot sa braso niya. “Mapapahiya ka kapag hindi n’yo inalis iyan,” pagbabanta niya. “Alpheus, sumusobra ka na! Binabastos mo na si Kinsley!” sita sa kanya ni Adelina. “Alright, iyan ba talaga ang gusto n’yo? Fine. Then, I will have to make a counter-announcement.” “Ano? Sasabihin mo ba na hindi talaga tayo ikakasal? Na may mahal kang iba? Ganiyan ba ang gagawin mo?” galaiti ng dalaga. Malinaw ang desperasyon sa boses nito. “Isla doesn’t want to publicized our status because she cares

