"Mom! Dream is here na po!" Nagtatalon si Cloud habang bumababa mula sa karga ng daddy niya. Masaya niyang sinalubong ang kaibigan. Nakamasid lang ako sa kanya ng yakapin niya ng mahigpit si Dream. "Yikes Dream! I miss you so much!" Aniya sa malakas na tono habang nakayakap pa din sa kaibigan, his smile are wide at halata ang saya at excitement niya. "Believe me, I'm thinking of you everyday." Dagdag pa ng anak ko at humiwalay ng yakap sa batang babae. Natawa na lang kami ni Sky habang pinapanood si Cloud na kinukulit ang kaibigan. Si Dream naman ay tahimik lang at mahinhin na tumatawa. "They look so cute." Komento ko at umupo sa malaking bato sa gilid ng dagat. "My son likes that girl." Nakataas ang gilid ng labi na saad ni Sky, lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Paano mo naman

