Prologue
"S-sky! T-tama na oh!" Pilit akong sumisiksik sa dulo ng pader na sinasandalan ko sa pag-asang matatakasan ko pa ang papalapit kong asawa na masamang-masama ang tingin sa akin.
"SHUT THE f**k UP ADISSON! ANG SABI KO SA'YO AY WAG MO AKONG PAKIALAMAN! KUNG TUTUUSIN AY KASALANAN MO ANG NANGYAYARI SA BUHAY KO! MALANDI KA KASI! PINIKOT MO AKO AT PINAAKO SA AKIN ANG BASTARDO MONG ANAK KAYA NAGKANDA MALAS ANG BUHAY KO! PUNYETA KA! KAYO NG ANAK MO!" Humahagulhol lamang ako habang yakap ang sarili. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa pagdamay niya sa anak namin ngunit wala akong laban sa kanya, sa huli ay ako lang ang masasaktan. Sa huli ay ako lang ang kawawa.
Akala ko ay sanay na ako sa mga masaaamang salitang binibitawan niya sa akin. Akala ko ay hindi na ako masaaktan sa tuwing ipinamumukha niya sa akin na ako ang dahilan ng pagkasira ng buhay niya, kami ng anak namin.
Sa Limang taon ng pagsasama namin ay wala siyang ibang ginawa kung hindi saktan ako. Physically and emotionally.
Pero mas masakit pa kaysa sa pasa at sugat ang nararamdaman ko sa tuwing ipinapakita niya na hindi iya ako kayang mahalin. Buong huhay ko ay siya lamang ang lalaking minahal ko, siya lang ang lalaking hinayaan kong pumasok sa pagkatao ko mgunit nagkamali yata ako ng lalaking minahal.
"S-sorry." Paos na paos ang boses ko hang ralgal na umiiyak, basang-basa na din ng luha ang buong mukha ko, niyayakap ko lamang ang aking sarili sa isang sulok. Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa akin.
Hindi pa naghihilom ang mga sugat at pasa na bunga ng pananakit niya sa akin. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi mahalin siya at pagsilbihan. Umiikot lamang ang huhay ko sa kanila ng anak namin pero labis talaga ang lit niya sa akin kaya naman nakakaya niyang gawin ang lahat ng ito sa akin.
"SORRY NA LANG LAGI! BAKIT KASI HINDI PA KAYO LUMAYAS NG BASTARDO MONG ANAK PARA MAGING MAAYOS NA ANG BUHAY KO?! BAKIT KASI HINDI PA KAYO MAWALA SA BUHAY KO!" Hinayaan ko na lamang na kumawala ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan nang makita ako ang padabog niyang paglabas ng pinto.
"M-mommy." Nagtatatakbong lumapit sa akin ang anak ko at dinaluhan ako na nananatili sa pwesto ko kanina pa.Hindi kasi ako makagalaw dahil pakiramdam ko ay manhid na ang buong katawan ko.
Naramdaman ko ang yakap sa akin ng mahigpit ng anak ko.
"Mommy. Hush ka na po." Hinalikan niyaa ng noo ko kaya napayakap ako sa kanya ng sobrang higpit, siya na lang ang pag-asa ko. Siya na lang ang meron ako.
"C-cloud, baby." Pinipilit punasqn ng maliliit niyang mga kamay ang mukha ko kaya napangiti ako at pinaghahalikan siya.
Kamukhang-Kamukha siya ng ama niya, Mula ulo hanggang paa ay wala silang ipinagkaiba, maliban na laman sa kulay brown niyang huhok na namana sa akin.
Hindi maipagkakaila na mag-ama silang dalawa ngunit ang malungkot na parte ay hindi siya kinikilala ng sarili niyang ama, mahirap sa akin na sabihan mismo ng asawa ko na hindi sa kanya ang anak namin. Kung alam lang niyq na siya lamang ang lalaking nakakalapit sa akin. Ibinigay ko ng buo ang sarili ko ngunit dudurugin lang naman pala niya ito at walang ititira sa akin.
"Mommy. Don't cry ka na po... Love po kita." Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit at sinabi ko na naman sa sarili ko ang pangako na ilang taon ko na ding sinasabi sa anak ko.
"Ilalayo kita dito anak.. Sa mismong ama mo." Pero hindi ko magawa, Hindi ko kqyang lumayo sa kanya dahil mahal na mahal ko si Sky, gusto kong bumalk siya sa dati, yung magkabigan kami, gusto kong bumalik ang dating Sky na na kilala ko.
Mamahalin ko lqmang siyq ng mamahalin pero kapag alam kong wala na talaga, Pakakawalan ko na siya pero alam ko na kapag ginawa ko iyon,
There is NO TURNING BACK.