Chapter 1

1188 Words
"Sky, gumising ka na." Malambing kong tawag sa kanya habang hinahawi ang kurtina sa gilid ng kwarto namin. "Sky." Umupo na ako sa gilid ng kama nang makita kong hindi pa din siya natitinag. "Papasok ka pa ngayon hindi ba? Gumising ka na. May pagkain sa baba." Bahagya ko siyang tinapik sa pisngi pero umungol lang siya at nagtakip ng unan sa mukha. Bumuntong hininga nalang ako at lumabas ng kwarto, siguro ay kailangan pa niyang magpahinga dahil anong oras na din siyang umuwi kagabi, lasing na lasing siya at siguradong may hang over pa. Dumiretso naman ako sa kwarto ng anak namin at nadatnan kong gising na ito at may tinitingnan na litrato. Nilapitan ko siya. Agad naman siyang yumakap sakin at hinalikan ako. "Ang sweet talaga ng baby ko, ano yang tinitingnan mo?"yumakap siya ng mahigpit sa akin at pinakita ang litrato ng ama niya noong bata pa ito. "Saan mo nakuha yan baby?" Tanong ko sa kanya at kinuha ito. "Ma, Dad looks exactly like me when he was still at my age, bakit po lagi niyang sinasabi na I'm not his son?" Napasinghap ako sa tanong ng anak ko. Nakikita ko pa lang ang mga mata niya na puno ng lungkot ay nasasaktan na ako. "Anak, natatandaan mo ba yung lagi kong sinasabi sayo na be patient diba? Your Dad loves you, pagod lang siya lagi kaya nasasabi niya iyon huh?" Bahagya siyang tumango at sumiksik sa akin. Ilang minuto din kaming nagkalitian at nagkulitan ng anak ko, biglang gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing niyayakap ako ng anak ko. "ADISON! PUTA KA ASAN KA BA?!"Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ng anak ko at pinuntahan si Sky na galit na naman. Naabutan ko siyang binubutones ang polo niya at gulo pa ang buhok na halatang bagong ligo lang. "B-bakit S-sky?" "BAKIT HINDI MO AKO GINISING? ANONG ORAS NA! MAHUHULI AKO SA TRABAHO! WALA KA TALAGANG KWENTANG BABAE!" Tumahimik na lang ako habang nakayuko, kapag sumagot pa ako ay lalo akong mapapahamak, baka saktan na naman niya ako, hindi pa man magaling ang ilag sugat at pasa ko. "Sorry Sky, baka kasi may hang over ka pa kaya hinayaan muna kitang matulog." Napalunok ako ng tiningnan niya ako ng masama at padabog na bumaba ng hagdan, agad naman akong sumunod sa kanya at ipinaghanda siya ng makakain. Pagkatapos ay pinuntahan ko si Cloud sa kwarto niya at binuhat para makasabay nakaming kumain sa daddy niya. Pagkababa ko ay inupo ko na siya sa silya katapat ng ama niya. Kukuha ko pa lamang ng pagkain ang anak ko ay padabog naman na tumayo si Sky sa lamesa. "A-ayaw mo na Sky?" Hindi man lamang kasi niya naubos ang pagkain. "Nawalan na ako ng gana. Ilang beses ko bang sinabi sayo na ayaw kitang makasabay sa pagkain pati yang bastardo mo!" Nakita kong parang naiiyak ang anak ko kaya naman binuhat ko siya. "Pasensya na Sky. Tapusin mo na ang pagkain mo at aakyat na lang kami sa taas." Niyakap ko ang anak ko at umakyat na kami. "Baby, dito na lang tayo kumain sa room mo okay? Para makanood ka ng cartoons." Binuksan ko ang malaking tv sa kwarto ng anak ko nang makaakyat kami. Nilakasan ko ang volume dahil bababa ako mamaya at alam kong masisigawan na naman ako ni Sky kaya ayaw kong marinig iyon ng anak namin. Iniingatan ko ang image niya kay Cloud. "Kukunin ko lang ang food mo sa baba anak. Hintayin mo ang mama, okay?" Tumango lang siya. I patted his head. "Very good anak. Ang bait talaga ng baby ko." Lumabas na ako para kunin ang pagkain ng anak ko. Naabutan ko si Sky na kunot na kunot ang noo habang inaayos ang necktie niya. Agad ko siyang nilapitan at tinulungang ayusin ang necktie. Tinampal niya agad ang kamay ko pero hindi ko iyon pinansin at itinali muli ang necktie niya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang samaan ako ng tingin. "Sa susunod hayaan mo ng ako ang gumawa nyan." Ani ko at ngumiti ng bahagya. Wala siyang imik na tumalikod na lang, dala niya ang gamit at papalabas na ng pintuan. Nilingon ko ang mesa at hindi man lang nagalaw ang pagkain. Napabuntong hininga ako at hinabol si Sky. "Sky! Sandali, hindi mo naman kinain ang breakfast mo." Saad ko. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lamang ako nilingon. "Sky! Sandali lang!" Sigaw ko ng papasakay na siya ng sasakyan niya. Laking pasasalamat ko ng huminto siya at masama ang tingin na humarap sa akin. "Sandali lang, huwag kang umalis. May ipapabaon ako." Dali dali akong nagtatakbo sa kusina upang kuhanin ang lunchbox na naglalaman ng pagkaing niluto ko. "Sky! Eto na y--" napahinto ako sa pagsasalita ng makitang wala na ang sasakyan niya. Umalis na. Napabuntong hininga ako at nanlulumong bumalik sa kusina, kinuha ko ang pagkain ni Cloud at sabay kaming nag-almusal sa kwarto niya. --- 11:00 am ng maisipan kong dalhin ang lunch na ginawa ko para kay Sky, Ininit ko lang muli ito, sayang naman kasi dahil hindi man lang niya nakuhang baunin, gumising ako ng madaling araw para makapag-luto ng menudo tapos ay hindi din niya matitikman kaya nagdesisyon ako na pumunta sa opisina niya. Nakasuot lang ako ng simpleng sundress na hanggang tuhod. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Tinakpan ko na din ng make up ang ilang pasa na visible. Inayos ko na ang mga pagkain na dadalhin ko kay Sky, I locked the door at sumakay na sa kotse ko. Dadaanan ko si Cloud mamayang pauwi dahil alas dose ang dismissal niya. --- Nakangiti ang ilan sa akin ng makapasok ako ng kompanya. Kilala nila ako dito dahil dati pa ay nagpupunta na din ako dito para dalawin si Sky. Nginitian ko lang sila ng bahagya at nagtuloy na sa elevator. Papasara na sana ito ng may isang matangkad na lalaking hinarang ang kamay niya upang makapasok. Nginitian niya ako ng tuluyan na siyang makapasok. Ngumiti na lang din ako pabalik. "Employee ka dito?" Tanong niya. Tipid lang akong umiling. "Ah, so? May appointment?" Tanong ulit niya, nakangiti siya kaya kita ang dimples sa magkabilang pisngi, umiling ulit ako. "May dadalawin lang." Ani ko. "A friend? Boyfriend?" Hindi naaalis ang mga ngiti niya. "Husband." Sagot ko. Mukha naman siyang nagulat. "May asawa ka na?" Tanong niya na gulat pa din. Natawa ako ng bahagya at tumango. "Yeah. I also have a son." Ani ko, lalo siyang namangha. "Wow. Ilang taon ka na ba? You look young." Ngumiti ako. "Twenty-six." Sagot ko, sakto naman ang pagbukas ng elevator kaya ngumiti na lang ako at nagpaalam. Sinalubong agad ako ni Sheryl, ang sekretarya ni Sky ng makita niya ako. Nakangiti siya. "Goodmorning ma'am." Masigla niyang bati. "Goodmorning. Ang sir mo?" Nawala ang ngiti niya ng itanong ko iyon. Napalitan ng simpatya. "Tulad ng dati ma'am." Simpleng sagot niya. Alam ko na ang ibig sabihin non pero pumasok pa din ako sa loob ng opisina ng asawa ko. Naabutan ko na naman siyang may kasamang babae. Nakahubad at nakakandong sa kanya. They were kissing torridly. Masakit. Sobra. Kahit na akala ko sanay na. Ibinaba ko ang lunchbox sa lamesa ng may kalakasan kaya naman napatigil sila. Gulat ang babae ngunit parang wala lang iyon kay Sky. "Dinalhan lang kita ng lunch. I'll go ahead. Susunduin ko pa ang anak natin. Tuloy niyo na." I smiled and left. Akala ko sanay na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD