Chapter 2

1043 Words
Isa  Dalawa Tatlo Napangisi ako ng mapait ng wala man lang Sky na lumabas at sinundan ako para sabihing 'sorry.' I mentally slap myself dahil sa naisip, sa loob ng ilang taon at paulit ulit na pang-gagago ng asawa ko, tuwing matatagpuan ko ang ganitong tagpo ay umaasa ako na sa pagtalikod ko, hahabulin niya ako at hihingi ng tawad pero umaasa ako sa wala. Pilit kong nginitian si Sheryl ng makalabas ako galing sa loob ng opisina ni Sky. Kitang kita ko ang awa sa mukha niya, pati ako ay naaawa na din sa sarili ko dahil paulit-ukit na lang na ganito ang nangyayari. "Ma'am Ad--" "Una na ko, Sheryl. Hinihintay na ako ng anak ko, susunduin ko pa. Bye." Dali dali akong umalis ng masabi iyon, ayaw kong makita pa niya ang pagtulo ng mga luha ko. Parang kinukurot ang dibdib ko ng makasakay ako sa loob ng elevator. Hindi pa ba ako nasanay, sa araw araw na ginawa ng Diyos ay puro sakit na lang ang ibinibigay sa akin ng asawa ko. Tanggap ko pa ang mga masasakit na salita at panghahamak niya sa pagkatao ko at pangmamaliit sa akin pero ang harap harapan na akong lokohin ay iba ang sakit, parang pinupunit ng paulit-ulit ang puso ko. Hinawakan ko ang parteng iyon, literal na sumasakit ito. Pigil ang hagulhol ko dahil natatakot ako ma baka may pumasok sa loob at makita ako sa ganitong ayos. Sinandal ko na lamang ang likod ko sa elevator at nagpunas ng mukha. Pinakalma ko ng pilit ang sarili ko. Bumuntong hininga ako ng malalim at kinagat ang ibabang labi para pigilan na naman ang paghikbi. How can you be this heartless Sky? Tinitiis ko lahat ng ito sa loob ng maraming taon kapalit ng pag-asa na baka magbago ka pa, baka matutunan mo akong mahalin at magkaroon man lang ako ng importansya sayo, kami ng anak natin. Nasa gitna ako ng malalim na isipin ng tumunog ang elevator hudyat na mayroong papasok, mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Inayos ko ang sarili at nagpanggap na walang nangyari. Naramdaman kong pumasok ang kung sino man at nagsara muli ang elevator. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil alam kong namamaga ang mga mata ko at namumula ang ilong, halata na galing lang ako sa pag-iyak. "Hey? Ikaw na naman miss?" Napilitan akong mag-angat ng tingin ng magsalita ang lalaki sa gilid ko. Siya ulit ang lalaking nakasabay ko kaninang papunta ako sa opisina ni Sky. "Misis na." I corrected him at umiwas na ng tingin. Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. "Ay oo nga pala. I'm sorry." Saad na naman niya. Nginitian ko siya ng bahagya para naman hindi ako sabihan ng suplada. "It's okay." Sagot ko at nanahimik na muli, wala akong panahong makipag-usap ngayon. Ang kirot pa din ng puso ko. "Namumula ang ilong mo. Ayos ka lang ba?" Muli ay saad ng lalaki sa gilid ko, napabuntong hininga ako bago humarap sa kanya, sabi na nga ba ay halata ito at kapag nakita ako ni Cloud mamaya ay tiyak na magtatanong na naman iyon. "May sipon lang." Pagdadahilan ko. Nagulat ako ng inilagay niya ang likod ng palad sa noo ko. Dali dali kong tinabig ang kamay niya at lumayo ng konti. "Pasensya na. Nasanay lang siguro akong gawin yun, sakitin din kasi ang misis ko noong buhay pa siya." Lumungkot ang kanina ay masigla niyang boses. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya, nanggilid ang mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng awa. "Hey, sorry to hear that." Ngumiti lang siya ng tipid at umiling. "Okay lang. Matagal naman na din siyang kinuha sa amin ng anak ko, kaya lang ay nakakalungkot pa din sa tuwing naaalala ko siya." Halata ang pagmamahal sa boses niya. Siguro mahal na mahal niya ang asawa niya. Bakit ang unfair ng mundo? Kung sino pa ang dalawang taong nagmamahalan ay siya pang hindi pinalad na magkasama ng matagal samantalang ang iba naman ay hindi nagmamahalan pero nakakulong sa isa't isa, tulad namin ni Sky. Tumunog muli ang elevator at pumasok ang dalawang babaeng empleyado. "Good afternoon sir Aragon." Bati ng isa na halata ang pagpapa-cute sa lalaking katabi ko. Payak lamang itong ngumiti. Halata ang lihim na kilig ng dalawang babae. Nakamasid lang ako sa kanila. Ilang sandali pa ay bumukas na ang elevator at akmang lalabas ang lalaking tinawag na 'sir Aragon' pero humarap muli siya sa gawi ko. "I'll go ahead. Ms. Red nose." Aniya at ngumiti sa akin. Natawa naman ako sa tinawag niya. "Sino ba yan?" Narinig kong bulong ng isang babaeng makapal ang kilay sa kasama niyang purple ang lipstick. "Hindi ko kilala. Hindi naman empleyado, baka naga-apply?" Alam ko na ako ang tinutukoy nila pero ipinagsawalang bahal ko na lang iyon. Mukhang bago lang ang mga ito kaya hindi ako kilala. Alam kasi ng halos lahat ng nandito na asawa ako ng boss nila. "Di naman kagandahan. Sobrang simple lang, type kaya ni Drakey baby yan?" Untag pa ng isa. Hinampas siya ng kasama sa braso. "Manahimik ka nga. Baka may makarinig sayo na tinatawag ng Drakey baby si Sir Aragon." Suway nito sa kasama. Hinayaan ko na lang silang tingnan ako mula ulo hanggang paa. Wala ako sa mood patulan pa ang mga ito. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan ng elevator at nasa lobby na ito, lumabas ako at naghintay ng taxi ngunit walang dumadaan. Naupo muna ako sa bench sa isang gilid. Inilabas ko ang cellphone upang magbook sa grab. Napatapik ako sa noo ng makitang lowbatt ako. Bakit ba kasi hindi ko naisipang mag-charge kanina bago umalis. Wala akong nagawa kung hindi maghintay na lang, hindi ako nagdala ng sasakyan dahil ayaw ni Sky na nagmamaneho ako. "Hey Ms. Red nose! Hindi ka pa nakakauwi?" Nagulat ako ng may lalaking nakangiti na naman aa harapan ko. Siya ang sir Aragon na sinasabi nila. "Saan ba ang punta mo? Walang dumadaan na taxi, alanganing oras kasi. Mind if I'll take you to your way?" Umiling na lang ako. "No thanks, may dadaanan pa kasi ako." Sagot ko at tumayo na ng may nakitang taxi na paparating. "It's okay. Ihahatid na kita." Hindi pa rin mawala ang mga ngiti niya sa akin. "It's alright. May taxi na and besides Hindi naman kita ganoong kakilala." Sabad ko. Napatawa maman siya ng mahina at tumango. "Okay then, see you when I see you. Take care." Aniya bago ako pumasok ng taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD