Chapter 3

1140 Words
"Hey Mom!" Patakbo kaming nagsalubong ni Cloud ng makita niya ako. Nakarating na ako sa School niya para sunduin siya. "Hey baby. Bakit basang basa ng pawis ang likod mo? Magkakasakit ka niyan." Kinuha ko ang towel sa loob ng bag ko at sinimulang punasan ang mukha niyang basang basa ng pawis. Nag peace sign siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "I'm sorry mommy. Nakipag play po kasi ako sa bestfriend ko." Nguso niya sa akin at hinila ako sa isang bench malapit sa puno. "Si Luke at Michael ba ang kalaro mo?" Tanong ko sa kanya na tinutukoy ang mga kaibigan niya. Umiling naman siya. "No mommy! May bago akong bestfriend. Ayun po siya." Tinuro niya ang isang batang babaeng nakatalikod at nakatingin sa gate. Nagtatakbo ang anak ko palapit sa batang babae. Pinagmasdan ko lang silang mag-usap. Nakita ko pa ang pagpunas ni Cloud ng luha ng batang babae. Tinulungan niya itong tumayo at pinagpag pa ang palda ng kaibigan. Napangiti ako ng makita ang simpleng ginagawa ng anak ko, I raised a gentleman, sana ay manatiling ganyan siya habang lumalaki at hindi magibg katulad ng ama niya, napabuntong hininga ako ng maisip na naman si Sky. Magkahawak ang kamay na pumunta sila sa direksyon ko. Nginitian ako ng batang babae kahit na tulad ko ay namumula din ang mga mata niya. Nakaramdam ako ng awa sa bata. "Mommy, this is Dream. My friend and Dream, this is my beautiful mommy." Pakilala sa amin ni Cloud. Napangiti naman ako at ginulo ang buhok ng anak ko. "Hi po. My name is Dream and You're so beautiful po." Nahihiya siyang lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko. Napangiti maman ako sa pagiging sweet ng bata. "Bakit hindi ka pa umuuwi? Wala pa ba ang mama mo?" Tanong ko dito, iilan na lang kasi ang mga batang naglalaro, karamihan ay umuuwi na. Nahuli pa nga ako ng pagsundo kay Cloud dahil traffic kanina. Malungkot na umiling si Dream, "wala po ang mama ko." Aniya sa malungkot na tono. Nakaramdam naman ako ng habag sa bata. Ngumiti ako at inilapit siya sa akin. Sinuklay ko ang mahaba at kulot na buhok niya gamit ang kamay ko. "Ganon ba? Nasaan siya? Ang papa mo ang susundo sayo?" Nakatingin lang sa amin si Cloud at mukhang wala pang balak umuwi. "Nasa heaven na po ang mama ko. Ang daddy ko naman ay laging busy." Ngumuso siya, bigla ko na lang siyang niyakap, ang gaan ng loob ko sa batang ito marahil ay nakikita ko ang sarili ko sa kanya dati. Ganitong edad din ako ng mamatay ang mama at laging busy ang papa sa kompanya. "Gusto mo ba na kami na lang ang maghatid sa iyo pauwi?" Tanong ko sa kanya, nagliwanag naman ang mukha niya. "Pwede po?" Masaya niyang tanong kaya tumango ako. "Kaya lang po ay baka dumating ang papa ko, sabi po niya bawal akong makipag usap sa stranger." Malungkot na saad ng bata. "She's my mom. Her name is Adisson Sarmiento. Now, she's not a stranger anymore. We can take you home na." Singit ni Cloud sa usapan namin. Natawa naman ako sa pagiging bibo ng anak ko. "Dream! There you are, I said wait for papa in your room." Sabay sabay kaming napatingin sa lalaking humahangos palapit sa amin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang Aragon na iyon. "Papa! You came." Umalis sa kandungan ko ang bata at tumakbo palapit sa lalaki. "Ofcourse princess. Traffic lang at madaming ginawa ang papa sa office pero I'm here. You want ice cream?" Marahil ay hindi pa kami napapansin ni Aragon dahil hindi pa niya kami tinitingnan. "Yey! But papa, I have new friend, he's with his mom po." Itinuro kami ng bata sa ama niya at doon pa lang kami nilingon ni Aragon. "Hey! Ms. Red nose! You again?" Nagulat ang reaksyon niya ng makita ako. Ngumiti lang ako. Nakita ko ang pag-irap ni Cloud sa gilid. "Yes. Si Cloud, my son." Pakilala ko sa anak ko na nakasimangot. Ayaw niya kasing nakikipag-usap ako sa ibang lalaki. Seloso kasi ang batang ito. "Oh, hey there." Itinaas niya ang kamaya for a high five pero hindi ito pinansin ng anak ko. Ngumiti lang siya at nilapitan si Dream. "Pasensya na. Suplado talaga siya sa bagong kakilala. I'm sorry." Ako na ang humingi ng pasensya sa pagiging bastos ng inasta ng anak ko. "It's okay. Uhm, I'm Drake Aragon." Ibinigay niya ang kamay sa akin at tinanggap ko naman iyon.  "I'm Adisson." Natawa siya ng magpakilala ako sanhi ng paglabas ng dimples niya. Agad kong binawi ang kamay ko. "It's funny na kanina pa kita nakikita pero ngayon pa lang ako nagpakilala." Aniya. "Papa! Come on. Let's get ice cream na po." Biglang singit ni Dream. "Sure anak." Anito at binalingan ako. "Mauuna na kami." Ngiti niya. "No Papa. Gusto ko silang kasama ni Cloud while we are eating ice cream." Nagpaawa pa ang batang babae. Umiling na lang ako. "Naku, no need. Uuwi na kami ni Cloud dahil baka nandoon na ang asawa ko." Saad ko at kinuha na ang bag at tumayo. "Mommy. Dad is always busy, baka nga po hindi na naman siya umuwi." Saad ng anak ko kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Please po tita Adi." Hinawakan pa ni Dream ang kamay ko. Tiningnan ko si Cloud na parang hindi gusto ang ideya. "No Dream. May ice cream sa bahay and I want my mommy stay at home. Mapag kasi nasa labas kami ay lagi siyang tinitingnan ng mga boys." Nguso pa ng anak ko. Napatawa kami ni Drake. "He's protective. I can see that." Bulong nito sa akin. Tumango naman ako. "Please Cloud?" Hinawakan ni Dream ang kamay ng anak ko. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Cloud. "Okay fine. You used your cute face again." Anito. Nagtatalon naman sa tuwa ang batang babae. Nagpunta na kami sa isang ice cream parlor at doon kumain. Masayang naglalaro ang mga bata habang naguusap kami ni Drake. "Ngayon ko lang ulit nakitang ganyan ang anak ko." Saad niya kaya napalingon ako, nakamasid siya kay Dream na naglalaro sa playhouse kasama si Cloud. "Her mother died when she was born. Hindi kinaya ng asawa ko. Miracle baby namin si Dream and 3 hours later after the labor, kinuha na siya sa amin." Pagkwento niya. Nakaramdam ako ng simpatya sa kanya pati sa anak niya. Hindi man lang pala naranasan ng bata ang pagmamahal ng isang ina. "I love her so much. Siya na lang ang tanging ala-ala ko sa asawa ko. She makes me keep on going noong mga panahong ayaw ko ng mabuhay." Nasa ganoong usapan kami ng tumatakbong pumunta sa amin ang dalawang bata. "You tired babygirl? Let's go home." Binuhat niya ang anak habang inakay ko si Cloud. "Ihahatid na namin kayo." Aniya, magsasalita pa sana ako para tumanggi ng unahan niya ako. "Sabi mo kanina hindi mo ako kilala kaya hindi ka pumayag na ihatid kita, now, magkakilala na tayo kaya ihahatid ko na kayo. Wala na akong nagawa sa pagpipilit niya at sumakay na din ng sasakyan. LEGENDARIE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD