Nicomaine's POV
"It can only mean one thing...Chelsea is my daughter." Sabi niya sa akin at hindi ko man lang napansing nakalapit na pala ang pagmumukha niya sa mukha ko.
Naaamoy ko tuloy ang perfume niya na sobrang gustong gusto ko dati pa. Hindi pa rin pala talaga nagbabago ang taste niya sa mga pabango. Kagaya ng dati, ayaw niya 'yong mga pabangong masyadong matatapang ang amoy.
Sobrang fresh at ang bango pa din ng ama ng anak ko! Wait, what? s**t, self. Ano bang pinagsasabi mo diyan? Umayos ka nga.
"W-what?!" Nabubulol ko namang sagot sa kanya.
"She's my daughter, right? Kung hindi ang lalaking 'yon, sino pa ba?" He asked me again, this time he crossed his arms and smiled mockingly at me.
"Ha! Of course, h-hindi i-ikaw, Mr. Faulkerson. Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
"You stuttered. Therefore, you're lying."
"Excuse me, Mr. Faulkerson. Tigilan mo na 'ko. Wala ka bang magawa kundi ang pag-tripan ako? Hindi ka ba busy sa kompanya mo? Sunod sunod 'kong tanong sa kanya para lang hindi niya mahalata ang kabang nararamdaman ko sa ngayon.
"Hindi kita pinagti-tripan, Nicomaine. Just...answer my damn question. Anak ko ba si Chelsea?" He asked while looking at me.
Oh s**t! I'm in big trouble right now. But, no! Ayokong sabihin sa kanya ang totoo. Paano nalang kung kunin niya sa 'kin ang anak ko?
"No."
"Really? So...kung hindi ako ang ama ni Chelsea, sino? Who is the bastard?" Nagtangis ang bagang na tanong niya sa akin.
Who is the bastard, huh? Eh kung sabihin 'kong ikaw? Matutuwa ka na sinabihan mong bastard ang sarili mo?
"Wala ka nang pakialam 'don. Can you just--- leave me alone, Mr. Faulkerson?" Pakiusap ko sa kanya at aakma na sanang umalis ngunit nahawakan niya ang aking palapulsuhan.
"Maine, wait. I'll help you with your groceries."
"What? Ano ba! Let go of me. Please lang. Tigilan mo na 'ko." Pilit akong kumakawala mula sa mahigpit na paghawak niya sa aking kaliwang palapulsuhan.
Mabuti nalang talaga at konti pa lang ang mga tao sa paligid. Pero alangan namang takbuhan ko siya. Baka magtaka ang mga tao sa paligid kung gagawin ko 'yon at mapakamalan pang pervert o di kaya'y magnanakaw ang lalaking 'to at baka tumawag sila ng security personnel.
Do I still care for him? Bakit ganito ang iniisip ko? Eh ano naman ngayon? Lakompake kung anong mangyaring kamalasan sa kanya.
Pero bakit tila hindi ko naman kayang gawin 'yon sa kanya?
"Maine, please. Kung hindi nga ako ang ama ni Chelsea, you shouldn't act this way. Please let me help you."
"Kaya ko na 'tong mag-isa. I don't need your help." Mariin 'kong sagot sa kanya at tumalikod na pero this time ang maliit na push cart naman ang hinawakan niya.
Ugh! Ang kulit, jusko. Kainis.
Pinandilatan ko siya dahil sa kanyang ginawa. "Mr. Faulkerson, kung ayaw mong sumigaw sigaw ako dito at sabihin sa lahat na hina-harass ako ng isang lalaking pervert, ano kaya ang pwedeng mangyari sa'yo?" Pagbabanta ko sa kanya.
"Oh, come on. You know you can't do that here. Kilala kita, Nicomaine Mendoza. You hate attention, remember?" Sarkastiko niyang sabi sa akin.
Aba't talagang sinusubukan ako ng damuhong 'to ah. Akala niya siguro hindi ko kayang gawin ang banta ko sa kanya.
"You don't know me, Mr. Faulkerson. Hindi mo alam ang pwede 'kong gawin."
"And you also don't know what I'm capable of, Nicomaine. Try me." Napa-smirk niyang tugon sa akin.
Ah ganon ha?
"Tulong! Tulungan niyo 'ko! May bastos dito. Guard! Tulong!" Sigaw ko bigla na siyang ikinagulat niya. Akala niya siguro hindi ko tototohanin ang sinabi 'kong banta sa kanya kanina.
"What? Shut the f**k up." He said. Kitang kita sa mukha niya ang pagkabalisa dahil sa pag sigaw ko.
I gave him a "don't-mess-with-me" look.
Maya maya pa ay dumating ang dalawang security personnel sa kinaroroonan namin. Nakasuot ang mga ito ng itim na pantalon at t shirt na bakat na bakat sa kanilang katawan at may kapares na kulay itim din na boots sa paa. Kaagad silang lumapit sa amin at ngumiti sa pakialamerong Faulkerson.
"Sir RJ..." Puno ng paggalang na bati sa kanya ng isang bodyguard.
Wait! Did he just call him by his nickname, RJ? What is happening here? Magkakilala ba sila? The heck!
Tumango lang ang loko at ngumiti din bilang tugon.
"Ano po 'yon, Maam?" Magalang na tanong sa akin ng isa sa dalawang security.
"Sir, etong lalaking 'to...hina-harass ako kanina pa. Ayaw niya 'kong tigilan. Kahit anong pakiusap ko sa kanya na umalis na eh ayaw talagang makinig. He's making me uncomfortable." Sumbong ko sa kanila at umarteng natatakot.
Mukha namang napaniwala ko sila sa pag arte ko. Oh, well. Okay pa pala ang acting skills ko. Hindi na rin masama. Pwede pang mag artista.
"Maam, Sir...sa opisina nalang po natin 'to ayusin. Medyo dumadami na po ang mga tao sa paligid at pinagtitinginan na tayo. Tara na po."
Lagot ka ngayon! Gusto mo talaga 'to ha? Humanda ka! Tanggal ang angas mo ngayon, Richard Faulkerson Jr.
Magalang na iginiya nila kami hanggang sa makapasok na kami sa opisina ng head of security. Nakakapagtaka din na kahit nagsumbong na ako na sa kanila tungkol sa pangha-harass na ginawa sa akin kanina eh parang wala naman silang ginagawa.
"Maam, magkakilala po ba kayo ni Sir?" Tanong ng kanilang head of security sa akin.
"No. I don't. Hindi ko siya kilala." Pagsisinungaling ko sa kanila.
"Seriously, Nicomaine?"
Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa akusasyon ko laban sa kanya. But then, they reviewed the CCTV footage and discovered that there was no harassment. s**t.
"Maam, baka po hindi lang kayo nagka-intindihan ni Sir. Kahit po paulit ulit natin na e-review ang CCTV footage, e wala po talagang makikita na harassment na nangyari. Actually, hero pa nga po si Sir."
"Wait, what? A-anong hero?!" Nagulat na tanong ko sa kanya.
"Maam, you need to watch this." Suhestiyon ng head of personnel sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko na pinanood ang sinasabi niyang CCTV footage at nakita ko ang isang lalaking may suot na black hoodie at pants at kulay itim din na sumbrero. Saglit itong napalingon sa amin bago niya kami tuluyang lagpasan. Napalingon pa nga ito bago naglakad palayo.
"Wanted po ang lalaking 'yan, Maam. Matagal na namin siyang pinaghahanap pero nahihirapan kaming dakpin siya dahil sa mala-palos na kilos."
"What?!" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Mabuti na lang po kasama niyo si Sir kanina. Dahil kung nagkataon na mag-isa lang kayo, baka isa na rin kayo sa naging biktima niya."
Nagkatinginan kaming dalawa at sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng takot dahil sa sinabing 'yon ng head of security nila.
Ako ang unang nag-iwas ng tingin at nagkunwaring okay lang ang lahat pero sa totoo lang ay nanlalamig ako dahil sa takot lalo na't sinabi ng kanilang head of security na isang notorious na kawatan ang nasabing lalaki na nakuhanan sa CCTV footage.
"So, Maam? I guess, okay na po tayo? I mean, kayo ni Sir?-" Tanong niya sa akin.
Tumango lang ako bilang tugon. "Yes." Mabilis akong naglakad papalabas ng office para makauwi na. Mag-oonline shopping nalang ako dahil bigla yata akong na-trauma dahil sa nangyari sa akin kanina.
What if balikan ako ng lalaking 'yon?
Mabilis ang mga hakbang ko habang papalayo sa lugar na 'yon nang matigilan ako dahil sa may tumawag muli ng aking pangalan at sa boses pa lang ay alam ko na si Richard ito.
"Maine! Maine! Nicomaine!" Tawag niya.
Naiinis ako na napalingon sa direksyon niya at inirapan siya. "What, now?" Tanong ko na nakapameywang habang papalapit siya sa kinatatayuan ko.
"Whew! Ang bilis mo naman maglakad. H-hiningal a-ako k-ka-kahabol s-sayo."
"Eh pano 'di ka hihingalin eh sanay ka lang naman sumakay ng kotse. Hindi mo naman forte ang maglakad, Mr. Faulkerson." Sabi ko na may diin pa ng pagkakasabi ng kanyang apelyido.
"Hey. You shouldn't be rude to your savior, Miss Mendoza."
"H-huh! Savior? Talaga?"
"Yes. Kanina. Remember?" Napahalukipkip niyang sagot sa akin na napa-smirk pa talaga.
"What do you want, Mr. Faulkerson? Ba't mo ba ako sinusundan, ha? Gusto mo mag thank you ako dahil sa ginawa mo para sa akin kanina? Okay. I will say it... thank you very much for saving me, Mr. Faulkerson." Sabi ko na pinaglapat pa ang aking dalawang kamay.
Napataas ang kanan niyang kilay at ngumising nakatingin lang sa akin. "You're very much welcome, Miss Mendoza."
"So, nagpasalamat na 'ko sa'yo, 'di ba? Siguro naman pwede na 'kong umalis?"
"Wait. Hindi ka na maggo-grocery?"
"Hindi na. Next time nalang." Mabilis 'kong sagot at tinalikuran na siya upang tuluyan ng makalayo sa kanya.
"Ihahatid na kita." Sabi niya na panay pa din ang sunod sa akin.
"Hindi na. Okay lang. Kaya ko umuwing mag-isa."
"Sige na, Maine. Please." Pakiusap niya sa akin. Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala siya at magkasabay na kaming naglalakad.
"Pwede ba! Tigilan mo na 'ko please lang. Ano pa bang gusto mo, Mr. Faulkerson?" Napatigil akong muli sa aking paglalakad at hinarap siya. Bakit ba sobrang kulit ng damuhong 'to?
"Please, Maine. Ihahatid na kita. I'm just worried about you. Baka nandiyan lang sa labas 'yong lalaking 'yon at inaabangan ka. Ayoko na may masamang mangyari sa'yo." Sagot niya na mababakas ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.
Bigla akong napaisip dahil sa sinabi niya. Paano nga kaya kung nasa labas lang ang lalaking 'yon at inaabangan ako? Natatakot tuloy ako habang iniisip ang mga posibilad na mangyari kapag nakita ulit ako ng wanted na 'yon. Paano nalang si Chelsea kapag may nangyaring masama sa akin?
"But-" Sasagutin ko pa sana siya pero bigla namang tumunog ang phone ko. Mabilis ko itong kinuha mula sa aking dalang tote bag. Si Chelsea pala ang tumatawag sa akin sa telepono. Saglit 'kong tinitigan ang phone screen at nag-aalangan na sagutin ito.
Bakit kaya tumatawag ang batang 'yon eh hindi pa naman nila uwian sa mga oras na 'to? Usually naman hindi niya ito ginagawa at sinabihan ko naman siya na hintayin lang ako para sunduin siya. Alam naman din ni Chelsea na pupunta ako ng grocery kaya nakakapagtaka talaga ang pagtawag niya ngayon.
"Aren't you going to answer the phone?" Nagsalubong ang kilay niyang tanong sa akin habang pilit na sinisipat kung sino ang tumatawag.
Lumayo muna ako sa kanya upang sagutin ang tawag ni Chelsea. Napailing siya dahil sa ginawa ko. "Do you have to do that, Nicomaine?" Napabuntong-hininga nalang siya at itinaas ang dalawang kamay. "Alright, go ahead. Answer the phone. I won't interrupt and will grant you the privacy that you need." Sabi niya na pabirong tinaboy ako palayo.
"Hello, baby?" Mahina ang boses na sagot ko sa aking telepono habang pilit na ikinubli ang labis na inis sa ama ng anak ko.
"Hello, Mama? Where are you na po?" Sagot niya sa kabilang linya.
"Why baby? May problema ba? Bakit ka napatawag?"
"Mama, tapos na po ang class namin today sabi ni teacher."
"Oh, talaga? Bakit daw?"
"Hmmm. Teacher wants to talk to you daw po. Ibibigay ko po 'yong phone ko sa kanya, Mama."
"Okay, baby."
Narinig ko mula sa kabilang linya ang mga yabag ni Chelsea na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ng kanyang guro. Narinig ko ang pagtawag niya dito hanggang sa boses na nga ng kanyang teacher ang narinig ko sa kabilang linya.
"Hello, Ma'am Nicomaine. Sorry for disturbing you po. I just would like to inform you that our class ended earlier today. I have somewhere else to go po kasi ngayon. I need to meet our wedding planner. So, I had to dismiss our class earlier. Pasensiya na talaga."
Nawala sa isip ko na ikakasal na nga pala ang teacher ni Chelsea sa susunod na buwan at isa ang anak ko sa flower girls, kaya pati na rin ako ay invited na rin sa nasabing kasalan.
"Ah ganon ba? Sige, papunta na ako diyan."
"Okay. Sorry po talaga."
"It's okay, teacher. I understand."
"Don't worry. Dalawa pa naman sila dito na hindi na nasusundo ng parents nila. Hindi ako aalis hanggang sa hindi pa sila nasusundo."
"Okay, teacher. Thank you. I'm on my way. Nasa isang kalapit na mall lang ako."
"Okay. Bye."
"Bye."
"Si baby Chelsea ko ba ang tumawag? Why did you ended the call, huh? I want to talk to her sana." Mula sa likuran ko ay may boses akong narinig na labis 'kong ikinagulat lalo na't sa may kanang tenga ko pa talaga siya bumulong.
"Oh, s**t. Ano ba, Mr. Faulkerson? Wala ka na ba talagang ibang nakitang mapag-tripan kundi ako? You almost gave me a heart attack. Pwede ba sa susunod wag kang basta basta bumubulong sa kung sino sinong babae? Napagkakamalan kang pervert eh."
"Me? A pervert? This face? At saka hindi ka lang naman kung 'sino-sino' for me. You're someone special." Mapang-uyam niyang tanong sabay himas ng kanyang baba na animo'y nagpapa-pogi sa harapan ko. Talaga nga namang saksakan ng yabang ang lalakeng 'to.
"You know what. I need to go. And please do me a favor."
"A favor? What is it? Anything for you." Bahagyang nangislap ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.
"If you accidentally cross paths with me again next time, please just ignore my presence and pretend that you didn't know me." Dere-deretso 'kong sabi sa kanya.
Napansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. He looked disappointed and became speechless.
Am i seeing pain written all over his face? Or guni-guni ko lang ito?
"I have to go. Goodbye, Mr. Faulkerson." Sabi ko at tinalikuran na siya at mabilis na naglakad na papalayo sa kanya.
"Wag kang lilingon, Nicomaine." I mentally reminded myself.
Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit tila nakokonsensiya ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya kanina. Masyado ba akong naging harsh sa ama ng anak ko? Nasaktan ko ba siya?
Bakit pakiramdam ko ay gusto 'kong humingi ng kapatawaran sa kanya?
He looked sad. At kitang kita ko 'yon sa kanyang mga mata. Sinikap 'kong iwaglit sa aking isipan ang mga haka-haka na namumuo sa aking utak at ipinagpatuloy ang paglalakad.
I don't care about him anymore.
And besides, there's no way that Mr. Richard Faulkerson Jr.; The CEO of RoChard Furnitures felt the same way, just like what I'm thinking.
Imposible.