Chapter 13

2977 Words
Richard's POV "If you accidentally cross paths with me again next time, please just ignore my presence and pretend that you didn't know me." Those words from her really hit my ego, and currently echoing inside my head. At kahit anong gawin ko upang pilitin ang aking sarili na balewalain ang mga 'yon ay pinupukaw naman ako ng isang masakit na katotohanan na nasasaktan nga ako. It does hurt. But something inside of me refuses to surrender by just giving up without a fight. Kahit sinabi niya sa akin na hindi ko anak si Chelsea ay parang hindi ko magawang sumuko ng ganon ganon nalang. And i don't why. Maybe because I still love her. I always do. Siguro nga, mahal ko pa din si Maine. Kaya nang makita ko siya sa labas ng mall na pagmamay ari ng isang malapit 'kong kaibigan ay hindi ako nag atubiling sundan siya. At dahil sa gulat ko ay muntik ko na siyang masagasaan. That day, I cancelled all my appointments just for me to be with her. Lately, medyo distracted talaga ako. Nag-aalala na nga ang kapatid 'kong si Riza dahil madalas akong nakatitig sa malayo na tila palaging malalim ang iniisip. I can't blame her worrying for me, especially seeing her brother beating himself by working so hard for the company. I don't want Dad to see me as his weak son. Not again. He entrusted RoChard Furnitures to me and also I don't want my mom to be disappointed with me from heaven. I acted that I was okay in front of Maine that day. But the truth is, I was hurt. Deep inside. Pero kahit masakit ang mga sinabi niya sa akin ay hindi pa rin ako sumusuko. Palihim ko siyang sinundan hanggang sa malaman ko kung saan ang school ng kanyang anak at sa kung saan sila nakatira. I don't care kung masabihan na niya ako na isang stalker. Kung naging duwag ako noon, hindi na ngayon. I will keep on pursuing her. At saka hindi rin mawala sa isip ko ang anak niyang si Chelsea. Sa tuwing nakikita ko ang batang 'yon ay may kakaiba akong nararamdaman. I want to protect Chelsea and her mom. Or simply put it this way, I just want to be with them, even from the distance. Papunta ako ngayon sa school ni Chelsea dahil narinig ko mula sa usapan nila Maine at ng teacher ng kanyang anak ang tungkol sa gaganaping Family Day. May client meeting sana ako ngayong araw pero pinakiusapan ko siya na kung pwede naming e-reschedule. Thank God, pumayag naman. Hindi na ako nagsama pa ng personal driver dahil gusto ko na walang disturbo. I'm quite confident dahil napag alaman ko na ang school pala ni Chelsea ay ipinatayo ng isang non-goverment organization with our company's help. Kaya noong tinawagan ko ang mismong director ng school na pupunta ako sa mismong araw ng Family Day ay tuwang tuwa ito. Pero I reminded him na huwag ipaalam sa mga esudyante at ng kanilang mga magulang ang pagdating ko. Mahirap na at baka takasan na naman ako ni Maine. Wala pang kalahating oras ay narating ko na ang eskwelahan ni Chelsea at kaagad 'kong ipinuwesto ang aking sasakyan sa may parking space na nakatalaga para sa akin. Sinabihan ko na din ang mga school officials na wag na akong bigyan ng VIP treatment. Nakita ko mula sa salamin ng aking kotse na naghihintay ang school director na may bitbit na garland sa kanyang kamay. Ugh! I already told him not to treat me as a VIP. Napabuntong-hininga na lang ako at kaagad na bumaba ng kotse. Nakangiti siyang lumapit sa akin sabay sabit ng garland sa aking leeg. "Good morning, Mr. Faulkerson. It's an honor for us na nandito ka." Sabi ng magsi-singkwenta y singko anyos na si Mr. Castro; ang school director ng paaralan ni Chelsea. Nakipagkamay ako sa kanya at ginantihan siya ng ngiti. "Please enough with the formalities, Mr. Castro. I told you already that I'm not a fan of VIP treatments like this." Sagot ko sabay nguso sa naisabit niyang garland sa aking leeg. "It's just a piece of garland, Richard. You don't have to feel bothered about it." "Alright." Nasabi ko nalang at sumunod na sa kanya. Sinabihan ko na din si Mr. Castro na hindi na ako kailangang ipakilala pa sa mga estudyante ang kanilang mga magulang. I will watch the Family Day, in secret. No need for them to provide me a special seat or anything that will draw other people's attention towards me. Pagkapasok namin mismo sa medyo may kalakihang school grounds ay naririnig ko na ang malakas na sigawan ng mga bata. Nagsimula na daw kasi ang program at sa kasalukuyan ay may nagaganap na mga palarong pinoy. Tinahak namin ang isang mahabang pasilyo na kinaroroonan ng mga classrooms hanggang sa marating namin ang malaking playground na katabi ang isang 'di kalakihang gymnasium na kung saan ginaganap ang Family Day. Nasa mahigit singkwenta ang mga estudyante dito at merong apat na teachers na nagtuturo. Napansin ko din na may mga naka set-up na iba't ibang booths na may display na mga pagkain at mga laruan. Meron 'ding mga mascot na kinaaaliwan ng mga bata. Inilibot ko ang paningin sa paligid at pilit na sinipat kung nasaan si Maine at Chelsea. Pero hindi ko sila makita. Ayoko naman 'ding magtanong kay Mr. Castro at baka mangulit pa siya sa kung ano ang dahilan ng biglaan 'kong pagtatanong tungkol sa kanila. "I'll stay here, Mr. Castro." Sabi ko sa kanya at napag desisyonan na umupo sa loob ng kanyang opisina na 'di kalayuan sa gymnasium. Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw na tanaw ko ang mga bata na kasama ang kanilang mga magulang na masayang masaya habang sumasali sa iba't ibang mga palaro. Nasan kaya sila? Sino kaya ang kasama nila? Wag naman sana 'yong mukhang tipaklong na lalaki na kasama nila last time sa isang restaurant. Seeing him with them makes my blood boil and I just don't know why. "Okay ka lang ba dito, Richard?" Tanong sa akin ni Mr. Castro. "Yes, I am. You don't have to worry about me." "Alright. Call me if you need anything." "I will." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Kinuha ko muna ang aking phone mula sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan muna ang aking sekretarya na kanselahin ang mga naka schedule 'kong meeting ngayong araw. Mabuti nalang at nandon naman si Kuya RD kaya panatag ang loob ko na iwanan muna sa kanya ang pamamalakad ng kompanya ngayong araw. Makalipas ang ilang minutong pakikipag usap sa aking sekretarya ay kaagad ko nang pinutol ang tawag dahil sa aking nakita mula sa tinted glass door ng opisina ni Mr. Castro. Bigla yatang bumilis ang t***k ng aking puso at gustong gusto ko nang tumakbo palabas pero pinigilan ko ang aking sarili. I finally found them. Hindi ko na napigilan ang sarili at lumabas na ng opisina ni Mr. Castro upang makita sila ng mas malapitan. Kumubli muna ako sa isang mayabong na halaman na nakatanim iilang metro mula sa kinaroroonan nila. Gustong gusto ko na silang puntahan pero nag-aalangan ako at baka iwasan ako ni Maine. Nakasuot si Chelsea ng black jogging pants at white shirt na may print ng logo ng school at Family Day, at ganon din ang suot ng kanyang ina. Kahit yata anong isuot niya ay bagay talaga sa kanya. Napaka cute nilang tignan dahil matchy matchy sila ng suot at parehas 'din na naka tirintas ang kanilang buhok. Ugh! Ang cute. Sarap panggigilan. Matapos itirintas ni Maine ang buhok ni Chelsea ay pinaharap niya ito sa kanya at tila sinabihan ang anak na ang cute cute niya na siyang dahilan ng paghagikgik ng bata. Natawa na din ang kanyang ina at kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pants. Kinuhanan niya ng picture si Chelsea at panay naman ang pa cute na pose ng bata. Sanay na sanay talaga na humarap sa camera. Kahit para na akong stalker sa ginagawa ay wala na akong pakialam. Hindi ko rin maintindihan ang sarili na kahit sinabi na ni Maine sa akin na hindi ko anak si Chelsea ay parang ayaw 'yon tanggapin ng puso ko. May duda talaga ako na nagsisinungaling siya sa akin. May dumaang naka Iron Man mascot sa gilid nila na labis na ikinatuwa ni Chelsea. Kaagad siyang nagpakarga dito at nagpa picture. Kinuhanan sila ng picture ni Maine at nang akma niya nang kukunin ang anak ay ayaw naman nitong bumaba mula sa pagkarga sa kanya ng Iron Man mascot. Looks like Chelsea likes Iron Man, huh? Usually kasi ay mga disney princess or fastfood chain mascots ang gusto ng mga batang babae pero kakaiba si Chelsea. Interesting. Just then, a silly and crazy idea popped in my head. I immediately got my phone and dialed Mr. Castro's number. Wala pang sampung segundo ay sinagot na nito ang aking tawag. "Yes, Mr. Castro. I need your help." I said with a grin on my face. Nicomaine's POV "Mama, I want Iron Man po." Malambing na pakiusap sa akin ni Chelsea sabay turo sa papalayong tao na may suot na Iron Man mascot costume. Kinarga ko siya at inalo dahil mukhang iiyak na. "Sige, baby. Pero later nalang, okay? May iba pa kasing gagawin si Mr. Iron Man. Babalik din 'yon mamaya." Saad ko sabay halik sa kanyang pisngi. "Really?" Sagot nito at lumandas na nga sa pisngi niya ang kanina pa namumuong luha sa kanyang mga mata. "Yes, baby." "Promise?" Sabi nito sabay labas ng kanyang kanang hinliliit na naka pinky swear. Napangiti nalang ako at sinuklian ang kanyang pinky swear sabay angkla ng aking hinliliit sa kanyang napaka-cute na hinliliit. "Yes, promise. Don't cry na, okay?" Pakiusap ko at pinahiran ng panyo ang mga luha sa kanyang pisngi. "Okay, Mama." Aniya sabay baba mula sa pagkaka-karga ko sa kanya. Mabuti nalang at tumigil din siya sa pag-iyak. Maya-maya pa ay tumatakbo namang lumapit sa amin ang isa niyang kaklase at maituturing na bestfriend na si Sophie. Pawis na pawis ito at halata sa mukha na sobrang nag eenjoy sa mga games na sinalihan niya. "Hello po, Tita Maine!" Bati nito sa akin. Pinunasan ko muna ang namumuong pawis sa kanyang noo. "Hello Sophie. Where's your mom?" "Mom's not here po eh. Si Yaya lang po kasama ko." Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa para sa bata dahil wala halos oras ang kanyang mga magulang na samahan siya sa mga school activities gaya nito. Sa pagkakaalam ko ay abala parehas ang mommy at daddy ni Sophie sa kani-kanilang mga negosyo. "Ah ganon ba?" "Tita Maine? Pwede po kami mag play ni Chelsea doon?" Pakiusap nito sa akin sabay nguso sa kanyang mga classmates na kasali sa larong Trip to Jerusalem. Tumingala muna sa akin si Chelsea na tila hinihingi ang aking permiso."Sige na baby. You go with Sophie na. Mag play na kayo with your classmates." "Okay po, Mama. Thank you po." Sagot nito at hinila na nga siya ni Sophie papunta sa mga kaklase niya. "Be careful, okay? Dito lang si Mama." "Okay po." Sabi nito at bumalik muna sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Habang pinagmamasdan ko si Chelsea na nakikipaglaro sa kanyang mga kaklase ay napapangiti na din ako. Sobrang thankful ko pa din sa Diyos dahil biniyayaan niya ako ng anak na sobrang bait. Masyado akong naka focus na pinapanood ang aking anak nang may biglang umakbay sa aking kanang balikat na siyang ikinagulat ko. Isa 'yong malaki at kulay pulang kamay na tila gawa sa metal. At nang lingunin ko upang tignan kung sino ito ay sumalubong sa akin ang umiilaw na mga mata at magkahalong kulay na pula at pilak na mukha na gawa sa metal. "Oh my gosh, Mr. Iron Man. Ikaw pala? Ginulat mo naman ako e." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa aking dibdib dahil sa pagkagulat. Kumaway siya sa akin at nag thumbs up na tila tinatanong niya kung okay lang ako. Siya pala 'yung taong naka Iron Man mascot kanina na halos ayaw paalisin ni Chelsea. Hindi ko ma-imagine ang sobrang init na nararamdaman ng kung sino man ang taong nasa loob ng napakalaki at napakabigat na costume na ito. Siguro, no choice na din siya dahil sa hirap ba naman ng buhay ngayon ay kahit anong trabaho ay papatulan ng mga tao. Pero bilib naman ako dito kay Kuya Iron man, or kung sino man siya dahil imbes na gumawa ng masama ay pinili niya ang ganitong trabaho. Kahit sobrang init sa loob nito at idagdag mo pa na napakabigat nga ng costume. Tahimik lang siya na nakatayo sa gilid ko. May iilang nagpapa-picture sa kanya kaya minsan ako na ang nagbo-boluntaryo na kumukuha ng larawan. Pero hindi siya umaalis sa tabi ko. Nakatayo lang siya at minsan napapahalukipkip habang pinapanood ang mga batang naglalaro. Napansin ko na may tila isang bata siyang sinusundan ng tingin pero hindi ko nalang siya tinanong kung sino 'yon. "Mr. Iron Man, pasensiya ka na sa anak ko kanina ha! Halos ayaw na yata humiwalay sa'yo eh." Nakangiti 'kong sabi sa kanya. Iwinagayway niya ang kanyang dalawang kamay at nag thumbs up sa akin. Siguro paraan niya 'yon na sabihin sa akin na okay lang sa kanya ang nangyari kanina. Nanatili lang siya sa tabi ko at paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin. Pero, wala naman 'yong problema sa akin. Who cares? He's just a random guy who's wearing an Iron Man costume. Siguro nakita niya na mag-isa lang akong nakatayo kaya gusto niya akong samahan. I honestly don't mind at all. "Alam mo, Mr. Iron Man. Bilib ko sa'yo kasi natitiis mo ang hirap ng trabaho mo ngayon. Kahit alam 'kong napakabigat at napakainit sa loob niyan. May mga anak ka na ba? Oh, sorry. No offense ha." Nag thumbs up ulit siya at marahan akong tinapik sa aking likuran. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa naka Iron Man costume na taong 'to, which is weird considering that I am introverted at mahirap sa akin na magsimula ng conversation towards strangers. Maybe his Iron Man costume helped me loosen up, a bit. "Siguro ang swerte ng mga anak mo dahil may isa silang ama na kagaya mo. Sadly, that isn't the case for my Chelsea." Naibulalas ko nalang sa kanya. I know it doesn't make sense dahil alam 'ko na hindi rin naman siya makaka relate sa pinagdadaanan namin, pero I kept on talking to him. "Hindi ko alam kung paano sasabihin ang totoo sa ama ng anak ko na siya talaga ang Papa ni Chelsea. Natatakot ako na kunin niya sa akin ang anak ko. He's quite rich and influential. Isa pa, I already lied to him about my daughter's true identity. Because there's no way that his father's family will accept my child." May halong kirot sa tono ng aking boses. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid ko at pinapakinggan ang aking mga sinasabi. "Pero kahit ganon pa man ay nagpapasalamat ako sa Panginoon na biniyayaan niya ako ng anak na gaya ni Chelsea." Pagpapatuloy ko sabay pakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Maybe my only one night stand experience more than seven years ago...wasn't a bad memory after all." Napatawa ako ng marahan sabay iling ng aking ulo. Napatingin siya sa akin at ako din sa kanya. I stared into his eyes. Feeling ko may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Hindi ko rin naman mabasa kung ano ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil sa suot niyang mask. He radiates power and authority. Sobrang in character naman ni Kuya! Kina-carrer niya talaga ang pagiging Iron Man. Calm down, Nicomaine. He's just-it's just a mascot. Hahaha. Wag kang kabahan, okay?" Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bigla nalang may isang matinis na boses na pumukaw ng aming atensyon. Si Chelsea pala ang nagma-may ari ng boses. Mababakas sa kanyang mukha ang labis na excitement nang makita niyang muli ang taong naka Iron Man costume. "Mr. Iron Man!!!!" Masayang bati ni Chelsea sa kanya. Kaagad naman niyang kinarga ang bata at napasulyap muli sa akin. "Mr. Iron Man, can you be my Papa for today? Sabi kasi nila Teacher, we need to play sack race together with our Papa. Pero wala po akong Papa eh." May halong lungkot na pakiusap niya sa Iron Man mascot. Tumango si Mr. Iron Man kay Chelsea bilang tugon kaya naman sobrang saya ng bata. "Yehey!!!! Thank you po, Mr. Iron Man. You're the best!" Sabi nito sabay pulupot ng kanyang maliit na bisig sa leeg nito. "Pasensiya ka na ha! Don't worry, I'll pay you---" Sabi ko pero pinutol niya ang susunod 'kong sasabihin. He refused by waving his hand. At nag thumbs ulit. "Talaga? Naku, thank you ha." Sagot ko naman at hinawakan ang kanyang metal na balikat. Napatingin siya sa kamay ko na nasa balikat niya at dumako ang tingin sa aking mukha. I smiled at him. "Thank you." I whispered. "Let's go, Mr. Iron Man. Mag play na po tayo." Wika ni Chelsea at itinuro na nga ang kanyang mga kaklase na naghahanda na para sa larong sack race kasama ng kani-kanilang mga daddy's. Wala na ngang nagawa si Mr. Iron Man kundi pagbigyan ang kahilingan ni Chelsea at sumama na nga siya sa aking anak habang karga karga ito papunta sa mismong lugar kung saan gaganapin ang laro. "Thank you, whoever you are." I said while staring at the mascot's back. Malapad ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Masaya na ako na makitang masaya ang aking unica iha. Absent man ang tunay na ama ni Chelsea ay nandito naman ang favorite super hero niyang si Iron Man. Oddly, it feels a little bit comforting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD