Flashback Rain again. Every drop reminded her of those nights she waited by the Vergara gates, hoping Damien would open the door. Pero tulad ng dati, ang tanging bumungad sa kanya ay ang malamig na tingin ng mga kasambahay. “Hindi ka bagay sa anak ng amo namin, Alcaraz,” sabi ng isa, may ngiti ng pang-aalipusta. “Pang-probinsya ka lang,” dagdag pa ng isa. Pinili niyang manahimik. Kasi alam niya, kung lalaban siya, baka lalo lang siyang pagtawanan. Ang tanging iniisip niya noon—darating si Damien. He’ll come out. He’ll stop this. Pero hindi siya dumating. Hindi kahit isang beses. Minsan, nakita pa niyang dumaan ang sasakyan nito, ngunit imbes na huminto, diretsong dumaan si Damien. Nang gabi ring iyon, kinausap siya ng mga kaibigan niya. Ramdam at umay na rin sila sa araw araw niya

