bc

Batang AMA

book_age18+
47
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

***

"Balik sa trabaho!"

Katapos mag meryenda ni Carlo ay bumalik na ito sa pag aalsa ng semento pa akyat sa taas. Isang construction worker sa carlo, kahit labing limang taon palang ay kumakayod na ito sa kanyang pang araw-araw na buhay. Ulila na kasi ito dahil naghiwalay ang kanyang mga magulang at nagkanya-kanya naring buhay. Nasa poder si carlo kasama ang kanyang itay at dalawa pang kapatid. Pero sa kasamaang palad ay pumanaw rin ito dahil sa sakit na diabetes. Wala kasing pera at kulang sa pagkain ay hindi nila ito ipina gamot. Kahoy nga lang ang ginamit sa lalagyan sa paglibing nito. Namamalimos sa tabi-tabi kasama ang dalawa niyang kapatid para lang may makain. Hanggang sa nagising nalang siya na wala na ang dalawang kapatid. Hinanap niya ito pero sa laki ng syudad ay hindi niya makita, magpapasalamat siya kung may umampon man dito.

Habang lumalaki ay nakapasok siya ng trabaho ay nakatira sa ilalim ng tulay na barong-barong na gawa lamang sa kanyang pangongolekta ng karton sa may basurahan. Pati mga damit ay nangalkal kaya meron siyang maiso-sout.

Ano kaya ang magiging kapalaran ni Carlo sa buhay niya??

chap-preview
Free preview
Chapter 1
*** "Oh carlo,sahod mo" sabay bigay sa kanya ng limang libo. "Ito lang?" "Bakit? Aangal ka? Pagbutihin mo kasi para lumaki laki kita mo" sabay bilang nito sa limpak limpak na pera na nagyoyosi pa. "Next!" Wala namang nagawa si Carlo. Wala din naman siyang ibang mapapasukan dahil kahit elementarya ay hindi sa nakatong-tong. Umuwing pagod si Carlo at pumasok sa kanyang barong-barong. Minsan nga ay hindi siya nakakatulog ng maayos dahil sa ingay ng mga sasakyan na nanggaling sa itaas. Isama mo pa ang mga taong nagtatapon ng basura. Kahit mabaho ay tiniis niya, wala din kasing ibang malilipatan dahil panigurado dadakipin ng mga pulis ang sinong makitang palaboy-laboy sa daan at kung saan-saan matutulog. Sa pang araw-araw na buhay ni carlo ay tinitipid niya ang limang daan sa isang linggo. Minsan nga ay kulang pa ito dahil magbabayad pa siya sa inutang niyang meryenda sa trabaho pati sa tindahan malapit sa kanila, minsan nga ay walang sweldo kaya nakaka utang talaga siya dahil sa tindi ng gutom. Napagpasiyahan niyang pumunta sa tindahan para bumili ng bigas at ulam para mamaya at kasama narin bukas. Kahit malapit ng mapanis ang kanin pagdating ng bukas ay kinakain niya parin ito. "Manang,isang kilo ho ng bigas... Pakisamahan narin ho ng isang sardinas" "Aba'y carlo! Nagsweldo naba kayo? Utang mo dito, singkwenta lang yun. Bayaran muna para maka utang ka ulit" "Ito ho," Para kay carlo ang singkwenta ay malaki na para sa kanya kaya wala siyang inaaksayang pera. *** Pagbalik sa barong-barong ay nagsindi agad siya para makasaing. Kahit panggatong ay binibili pa niya, bente pesos ang limang piraso. Habang nagsasaing ay winawalis din ni carlo ang kanyang tagping bahay. Kahit papaano ay marunong naman siya gumawa ng gawaing bahay. Sa paglalaba naman ay sa gilid lang siya dahil narin nasa ilalim siya ng tulay ay malapit lang ang tubig. Ito narin ang ginagawa niyang tubig at sabaw ng bigas. Wala kasi siyang malaking pera para pambili ng tubig. Pag bumaha naman ay nagtitiis muna siya sa gilid ng kalsada dala ang mga gamit niya. Pag humupa na ay balik na naman siya sa paggawa ng tagpi-tagping bahay. Kahit maraming iniindang sakit si carlo ay kaya parin dahil ano nalang ang kakainin niya kung hindi siya papasok sa trabaho. Ng maluto ang kanin ay nagsandok siya ng limang kutsarang kanin. Ang iba na doon ay inilaan niya para bukas pati na ang sardinas. Kahit kulang pa sa kanya ang kanyang kinain ay tinitiis niya. Lahat ng gamit niya ay pinulot lang sa basura, mapa kaldero,plato o kutsara man. Kalderong butas na pero ginawan niya ng paraan. Nagyosi saglit at natulog narin sa papag na karton at tanging unan nito at kumot ay karton lang din. ---------- Maaga palang ay gumising na si carlo. Hindi ka pwedeng ma late dahil panigurado bawas sa sweldo mo. Katapos kumain ay gumayak na ito dala ang jacket niya at sumbrero. "Oh carlo, mabuti naman at napa-aga ka! Kumusta ang tulog mo?" Tanong ng kanyang kaibigan na si Bimboy. *** Nakilala lang din ni carlo si bimboy dito sa kanyang pinagtatrabaho-an. "Ayos naman," sabay hikab pa niya. "Ikaw? Napa aga ka ata?" "Ang ingay kasi ni misis sa bahay kaya ito aalis talaga ng maaga. Kaya ikaw wag ka muna mag-asawa carlo, mahirap ang buhay ngayon" "Oo na, oo na" --- Habang nagyoyosi malapit sa kanilang pinagtatrabaho-an ay marami ding dumadaan na estudyante. Hindi maipag kaka-ila na gwapo si carlo kaya marami talagang napapalingon sa kanya. Minsan pa nga ay hinihingi ang number niya pero ang tangi niya lang sagot.. "Wala akong cellphone," Kahit papano'y gusto ring magkaroon ng cellphone ni carlo pero kulang parin talaga ang sweldo niya. Minsan din may tumatambay na babae sa tindahan at nagyoyosi. Malapit lang talaga sa kanila ang bar na kung saan ay nagtatrabaho ang mga babaeng bayaran. Kahit mga menor de-edad nga ay nakapasok na. "Nakita mo ang babaeng yun?" sabay turo ni bimboy sa babaeng kakalabas lang ng bar. Kita niya rito ang kagandahan, pa minsan-minsan ay nakikita niya ito sa tindahan dahil dumadalas ito rito para bumili ng napkin. "Oh! Anong meron sa babaeng yun?" "Di kaman lang nabighani? Ang ganda kaya! Kahit ako nga na may asawa na ay nagkaka gusto parin sa iba. Gusro ko nga tikman yan kaso kulang pa kinikita ko. Nagtatago ako konti ng pera kahit pambili lang ng yosi" "Ikaw talaga! Ang babaero mo, tara na nga!" Pag-uwi galing trabaho ay lugmok na naman si carlo dahil magsasaing na naman siya. *** Naisip niya rin mag-asawa kahit papano'y may makatulong na siya sa bahay, pero hindi ata mangyayari yun dahil pihikan siya sa mga babae. Kahit nga manligaw ay hindi niya alam. --- Araw ng sabado kaya walang trabaho si carlo kaya naisipan niyang maglaba, ang taas din kasi ng sikat ng araw. Habang ginugusot ang aking mga damit ay nakita ko sa di kalayuan yung babaeng tinutukoy ni bimboy kahapon. Papunta ito sa tindahan at may bibilhin ata. Hindi naman maiwas ang tingin ko dahil sa makikinis nitong balat at maganda ang kurba. Agad ko iyong winaksi at pinagpatuloy ang aking paglalaba. Katapos magsampay ay nakahinga naman ako ng maluwag. Makakapag-pahinga narin ako sa wakas! Medyo nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan dahil sa tindi ng sikat ng araw, kaya napagpasiyahan kong bumili ng ice sa tindahan. "Manang,pabili po ng ice isa" Bigla namang sumulpot ang babae kanina, naka sando at short lang ito, bagong ligo ata dahil nanonout sa aking ilong ang bango nito. "Manang,pabili ho ng ice" "Ito sayo carlo," sabay bigay sakin ng ice. Bago ako umuwi ay narinig ko pa ang pangalan ng babae. "Ingrid oh," "Salamat ho" Ingrid pala pangalan nun. Kinagabihan ay maraming tao sa bar. Maraming kotse ang nakaparada at mga taong naka pormal attire pa. May entrance fee kasi kaya hindi basta basta makakapasok. Ano kaya ang nasa loob? Sana makapasok rin ako jan. --- Araw ng linggo kaya naisipan kong pumasyal sa syudad. Titingin tingin lang muna ako sa mga ukay-ukay. Wala pa kasing budget para doon. "Carlo sayo nalang oh, pinaglumaan nayan ni utoy" sabay bigay sakin ng supot na naglalaman ng damit. Kahit papaano'y may nagbibigay rin naman kahit kaonting tulong sakin. "Salamat ho," Masarap talaga tumira sa siyudad pag marami kang pera dahil kahit anong gusto mo ay mabibili mo pero ni piso ay wala ako. Marami ding naka paskil na wanted waiter,janitor at ano pa pero dapat high school graduate kaya wala talaga ako. Tumambay muna ako sa parke para magpahangin. Presko kasi ang hangin doon kaya marami rami rin ang tumatambay lalo na pag araw ng mga puso. Marami ding napapadaan sa aking harapan at nagpapa cute. "Hi kuya,pwede mahingi number mo?" "Wala akong cellphone" "Ay sayang naman!" sabay alis nito. Basta araw talaga ng linggo ay marami kang makikitang tao sa siyudad. Pumunta ako ng simbahan para magtirik ng kandila. Maka diyos din naman ako. "Pabili po kandila isa," Nanalangin ako saglit at umuwi narin. Dumaan ako sa bar, marami rami rin ang tao dun. Tumambay muna ako sa tindahan saglit. "Carlo andiyan ka pala," "Oo eh... Kagagaling ko lang po ho ng simbahan" "Kay bait mo talagang bata hano? Anong sadya mo?" "Tatambay lang ho sabay utang narin" sabay kamot sa aking ulo. "Kung bata ka, kung di kalang mabait hindi na kita pa uutangin. Aba'y di katulad ni bimboy na utang ng utang! Parami ng parami rin ang anak. Kita mo ngayon,buntis na naman si lene."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.8K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook