bc

Mysterious Luna

book_age18+
49
FOLLOW
1K
READ
others
comedy
mystery
like
intro-logo
Blurb

Sa pag pagkatao ni Sarah ay pilit itinago ng kanyang ama ang hiwaga ng kanyang kapangyarihan, sa mundo nila na hindi pang ordinaryong tao ay may mahigpit na batas sa kanila na pina tutupad. Hindi maari mag karoon ng relasyon ang isang magkaibang lahi.. kagaya ng isang wolf+vampire, witch+wolf, o anu pa man maliban sa purong tao..

Ngunit hindi ito napigilan ng mga magulang ni Sarah, buong lahi ang nagalit sa kanila at kinakailangan silang ipapatay, dahil nag bunga ang pag iibigan ng isang Vampire at Witch, pinaniniwalaan malaking delobyo ito sa ibat ibang lahi ng kalahating tao, ngunit si Sarah ay isang itinakda rin maging luna ni Alpha Augustine, na kilalang malalakas ng mga super natural creatures, paano niya maliligtas ang kanyang luna kung sa kasaysayan ay ipinagbabawal ang pag iibigan ng mga kagaya nila, maililigtas paba ng Alpha si luna o ang pamilya niya at ang buong nasasakupan nito ang dapat na iligtas..

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
The Queen Sa kataasan ng aking Palasyo ay tanaw na tanaw ko ang lawak ng aking kaharian mga ibon nag aawitan, lagaslas ng ilog at alon sa karagatan. kitang kita ko sa kalayuan ang galaw ng mga taong aking nasasakupan. Idinako ko ang aking pangingin sa kung saan ako nakakarinig ng pag tatalo, huminga ako ng malalim para pakingan ang kanilang pinag uusapan. " hindi mo kailangan gawin to maawa ka sa mga anak mo!," " kung hindi ko gagawin to! papatayin n'ya ang itinakda!," "Ramon, hindi lahat ng hula ay Totoo' wala ka na ba sa katinuan!," "ang tagal na natin nagtitiis Stella! nakikita mo itong lugar natin? yung sitwasyon natin! nakikita moba! ilang sakit at luha at pag mamakaawa pero wala siyang puso! binigyan niya ng limit ang buhay ng mga "ORBAT" at ilang taon nalang malapit na tayong sumunod, hindi na natin makikita ang mga anak natin na lumalaki at magagaya din sila sa mga magulang at ninuno natin. wala siyang karapatan ikisian ang buhay ng mga nilalang dito! "huhu! ramon umalis nalang tayo dito, hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo! gusto kong sisihin ang babaylan nayon!," Mahigpit akong na kuyom kamao! hindi ko alam kung paano nalaman ng mga orbat ang tungkol sa hula! "Pumasok ka!," mabilis kong utos nag iiting ang aking panga sa galit. " mahal na Sola," bungad ng aking tagapag utos. wala pa akong ginagawa ay na ngangatog na ito. "Lusubin nyo ang lahi ng mga Orbat at wala kayong ititira!," hasik ko. Napa nganga ang kinakausap ko at nanlaki ang mga mata. Mabilis itong lumuhod at nag mistulang nag samba habang nag sasalita " Ma..mahal na Sola, ang mga lahing orbat ang nag bibigay ng balita sa kasalukuyan. sa lahi lang yon isinisilang ang mga itinakda para maging babaylan. Kung mawawala sila hindi natin malalaman ang mga sakuna na paparating ," Suminghap ako at matalim na tinititigan ang mababang uri ng tagapag sunod ko. Alam ko na may katotohanan ang kanyang mga sinabi pero isa akong Reyna. Malakas at makapangyarihan meron akong kakayahan makarinig at makakita kahit milya ang layo ng aking mga nasasakupan. Ngunit ang tanging hindi ko magawa ay ang magbasa ang kasalukuyan para mabago ko ang pang yayari na ayaw ko maganap. At ito ang dahilan kung bakit matagal ko ng isinabatas ang pag ikli ng kanilang buhay. "Hindi ko na kailangan ang kanilang serbisyo! Ang mga lahing yon ang sumisira sa lahat!," Sa lakas ng sigaw ko pati kalangitan ay nakisabay sa akin galit na salita. "Gawin mo ang pinag uutos ko, O ikaw ang mauuna sa kanila.," Banta ko sa tagapag sunod. wala itong nagawa at matamlay na tumayo.. "Masusunod po Mahal na Sola," pilit nyang sagot. Nag iwan muna ito ng pag-galang saakin bago nilisan ang aking malawak na silid. *** The Forecaster Habol hininga ako sa hirap ng aking kalagayan. sa dame na natamo kong sugat ay hindi ko alam kung san ang pinaka masakit. Dagdag pa nito ang pag tali nila sa aking mga kamay sa likuran. Narinig ko ang pag bukas ng bakal na pinto sa aking kulungan. Tanging ang pag galaw ng aking mga mata ang magagawa ko para sila'y makita. Pag buhos ng tubig sa akin ang nagbigay ng lakas upang ako'y mapabangon. sinipsip ko ito para madampian ng tubig ang tuyo kong lalamunan. Walang takot kong matalim na tiningnan ang Babaeng hindi marunong tumangap ng kapalaran. At kahit siya ang Reyna para saakin isa siyang demonyo!. Sumenyas ito sa mga kawal niya na lumabas at iwan kami. "Alam mo bang ikaw ang nag pahamak sa mga kalahi mo," Unti unting nag didilim ang muka ko ng marinig ko iyon. Pumikit ako ng mariin para makita ang nangyayari. Mabilis akong namulat at minura siya! wala siyang karapatan gawin ito sa mga orbat. Tumawa siya ng malakas ng makitang gusto ko siyang sugurin. "Ano nais mong gawin sa akin kaawang nilalang?," Pang uudyok ng Reyna sa akin, lumapit ito at sinakmal ang aking Panga. "Masyado kayo mapangahas at mga walang isip, gumagawa kayo ng hula na malabo naman mangyayari!," Inipon ko ang buong laway ko at sabay kong idinura sa kaniya, ngayon ko mas naisip na hindi na talaga siya ang dapat na mamuno. Nandidilim ang muka niya at pinanlilisikan ako ng tingin. hindi na ako natinag pa, dahil alam ko na ang kahaharapin ko. matagal kong pinag isipan ang bagay na ito para sabihin sa Reynang to' ang totoo. "Isa kang hangal na Reyna! hindi mo mababago ang dapat na mangyayari, kahit anong kasamaan pa ang gawin mo, dinadagdagan mo lang ang kaparusahan na nag-aantay sayo!," Gigil kong pag babanta sa kaniya. pinilit kong makapag salita kahit inipit niya ang bibig ko sa pagkakasakmal. Sa galit ng Babaeng ito sa akin ay ginamit niya ang kaniyang lakas para ako'y ihihambalos sa pader buhat ang aking panga'.. Daosdos akong bumagsak at nanghina, bumulwak ang dugo sa aking bibig gawa ng pagkakahambalos niya. Tanging naaninag ko ay ang paghakbang niya palapit sa akin, kahit nakadapa ay pinilit ko parin siyang tiningnan. "Wula.. kang mababago sa kapalaran, kahit patayin mo ako, ang mangyayari ay matutupad parin.," huli kong salita kaniya at tuluyan na ako hindi na makakita pa.. *** Sarah Pov "Sarah!," mabilis akong napatayo ng marinig ko ang tawag sa akin ni china, may sa maligno talaga ito, kahit saan lugar ako naroon ay nahahanap niya ako. " Impakta ka talaga pag may nakakita sayo mababaril ka talaga!," Bulyaw ko sa kaniya. Nasa 3rd floor ako ng isang mansion para upahan na mag linis. iilan katulong lang kasi ang nandito, kaya kapag hindi nila kaya linisin ang malaking bahay ay umuupa sila ng makakasama, pansamantala lang naman. Ang kaso lang itong kaibigan ko na hindi makapag tiis ay gagawin ang lahat para mahanap lang ako, kasama kona siya simula pag kabata at may dahilan kung bakit hangang sa pag laki kami parin ang mag kasama. "Halika ka nga rito!," hila ko sa kaniya sa maliit na bintana, pinag kasiya ko siyang hilahin papasok. "E..Erey ko naman sandali lang naman!," reklamo niya sa akin. " hindi kaba talaga makakapag antay na makauwi ako, at lumipad kapa talaga diyan? dapat sayo kasama na nilalatigo ni Papa e!," saway ko dito. ngumuso sa akin si china, at parang hindi ako pinagkikingan sa sinabi ko. " Asuss, Para namang tinatablan ka ng panglalatigo sayo ng tatay mo, kala mo hindi ko alam na umaacting kalang, pero ginagamit mo parin yan--," "Huwag kana mag-ingay ano ba ipinunta mo dito!," pangunguna ko sa kaniya, at ipinag patuloy ko ang pag lilinis ko. "kailangan mo ng pera tiba? para sa Guitar Audition sa Sabado," Natigil ako sa ginagawa ko at napaharap ako kay china. ito yung kanina kopa iniisip habang naglilinis, nasira lang sa pambubulabog niya. hindi ko kasi alam kung san ako kukuha ng ganon kalaking pera para sa guitara na gusto ko bilhin at gamitin sa audition, madali naman gawan ng paraan kaso baka ma disqualified naman ako, kung yung luma ko ang gagamitin. matagal ko na itong pinangarap na mapasama ako sa banda na kinahuhumalingan ko, kaya laking tuwa ko ng malaman na kailangan nila ng Guitarista. " kinausap ako ni aling inday kanina, may engagement party sa... sa.. Ano bang apeldiyo yung may ari ng malaking building sa Dubai?," kamot ulo tanong ni china sa akin. "Ahmed?," sagot ko rito.. "Ayon lintik na apelyido yan! yung pamilya non nandito pala sa bansa natin at sa Companiya nila gaganapin ang Engagement party, sasama tayo kay aling inday para maging Janitress pansamantala at 5k isang araw.," Nanlaki ang mata ko sa narinig na presyo. "5k isang araw tapos buong building ang lilinisin?," "Gagi! syempre hindi, tutulong lang tayo mag aayos doon at mag liligpit pag natapos, Duda pa nga ako sa 5k na sinabi ni aling inday kasi hindi lang basta mayamang pamilya ang pupuntahan natin kundi may ari ng sikat na mga sasakyan sa ibang bansa," mahabang paliwanag nito sa akin. "kelan daw ba?," "Ngayon na..," na out of balance ako at napa nganga sa sinabi ni china. " Ngayon e anong oras na? nag uumpisa palang akong mag linis dito sira ulo kaba!," "E kaya nga kita nilipad dito para makahabol TAYO..," nilakihan ako ng mata ni china habang nag sasalita. Tumingin ako sa paligid na maraming kalat. " Eh paano to' sayang naman 1,500 din to," Umirap sa hangin si china at pabigat paa akong nilapitan kinuha nito ang kamay ko at itinaas taas. "Anak ng kamote! ano bang ginagawa ng kamay nato na ni Wave wave lang!," mabilis kong binawi ang kamay ko sa kaniya.. "Hindi na puwede alam mo naman na nagagalit na saakin si Papa kapag ginamit ko yon," "Bakit maraming beses mo naman ginamit yan ng hindi alam ng Papa mo? kaya nagagalit sayo kasi nag papahuli ka, sukat ba naman kasing paliparin mo yung bata pababa sa nasusunog na apartment," "Niligtas ko lang naman yon," " E nakita nga ni fader, pero itong' gagawin mo hindi na makikita ni fader..Ano? 1,500 O 5k?," "Syempre 5k," "5k O 6,500," tanong niya muli sa akin, suminghap ako at napatawa ng irap. " Sa 6,500 tayo," huli kong sagot. at muli sa isang iglap tinapos ko ang dapat linisin sa malaking silid kasama ang iba pa. *** Augustine's Pov Isang katok ang pumukaw sa akin habang abala ako sa pag aayos, si Dylan ang nasa labas ng pinto at tuluyan itong pumasok. Huminga ako ng malalim ng makita ang mapang asar niyang ngiti.. "Hey, my Handsome groom are you ready?" kantiyaw niya sa akin. umupo ito sa swivil chair ko at nag astang kaniya ang trono, hindi na bago sa akin ang ganito dahil siya ang kanang kamay ko sa pamumuno at malapit na kaibigan. "why are you here? baka makahalata si belinda sa Proposal kung makikita niyang magkasama tayo dito," Paninita ko sa kaniya, i told him to stay with my girlfriend so that she wouldn't notice that i was going to propose to her. pero mukang wala talaga akong balak sundin ng hinayupak kong Beta nato. "August, are you sure what are you Planning? you know Luna isn't BELINDA and you said you didn't feel that way about her," dismayadong muka ang tanong sa akin ni dylan Huminga ako ng malalim at napaiwas ng tingin, totoo ang sinabi niyang yon, Everyone set to be Alpha had a sense of who Luna would be, at lahat ng palantandaan ay wala kay belinda. Pero siya ang sinasabi ng Propisiya, when I came to the right age, I had to find the right woman for me, pero ilang taon ang lumipas bigo ako na mahanap siya. it's easy to find the right Luna for alpha and because that's the feeling of those you meet. Pero wala talaga akong nakita o naramdaman, maliban sa Babaeng naging malapit sa akin at yon ay si Belinda, nasa katawan tao raw ang magiging luna ko kaya hindi ko makuha ang Sense ng pagiging luna niya. Tinangap ko ang dahilang yon kahit sinasabi sa akin ng kapuwa ko Aplha na hindi yon totoo kahit Tao pa ang maging luna mo ay mararamdaman ko yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook