TMO3_7

1244 Words

7 ECKA POV:   Ilang linggo na rin ang nakalipas nang mawala sina tatay, unti-unti ko ng natatangap na hindi ko na sila makakasama. Sina lola Vicky na ang tumayo kong pangalawang magulang, naging mabuti sila sakin, kaya bilang kabayaran sa pagiging mabuti nila sakin ay ako na ang gumagawa ng gawaing bahay. Nang una ay hindi nila gusto na gumawa ako sa bahay nila pero pinilit ko nakakahiya naman na kain- tulog lang ako dito.   Pag wala naman ako ginagawa ay gumagawa ako ng kakanin tapos ibibinta ko para kahit papano ay may kinikita ako at may maipon, hindi parin naman nawawala sa isip ko ang pag-aaral kahit wala na sina Inay. Gusto ko parin makapag-aral at maging teacher. Gusto kong magturo dito sa lugar namin, hindi ko mapigilan ang mapangiti isipin palang na magtuturo ako ng mga bata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD