6 ECKA POV: Nang matauhan ako sa ginawa niyang paghalik sakin ay agad ko siyang tinulak, mabilis akong tumakbo dahil sa kahihiyan. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi manlang ako nakapalag nang halikan niya ako, tumagal pa ang halik ng isang minuto bago pumasok sa isip ko ang nangyari. Nakuha niya ang first ko na ang dapat ay ibibigay ko lang sa magiging asawa ko. Tinatawa niya ang pangalan ko pero hindi ako lumilingon para tingnan siya. Ramdam na ramdam ko parin ang pag-init ng mukha ko maging ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya. Nang maramdaman ko na malayo na ang tinakbo ko at hindi ko na naririnig ang pagtawag niya ay napag-pasyahan ko na tumigil sa pagtakbo. Agad na napahawak ako sa labi ko, naala ko ang magaan na halik niya sakin, nandyan parin ang

