5 CLAYVIN POV: Napabuntong hininga ako nang makita ko si Angelica na nakaupo sa may malaking bato habang nakatanaw sa bahay nilang nasunog. Ilang araw na rin matapos masunog ang bahay nila, nailibing narin ang nanay niya. Nang magising siya pagkatapos ng sunog ay sinabi agad namin ang sinapit ng kanyang ina. Naalala ko pa no'n kung pano napuno ng luha ang maamo niyang mukha dahil sa nangyari sa nanay niya. Masakit para sakin ang makita siyang ganun, ayaw kong makita siyang nagkaka-ganun pero wala akong magagawa dahil dalawang mahalang tao ang nawala sa kanya. "Ecka," agad na tawag ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya. Tinapunan niya ako nang mabilis na tingin bago muling ibinalik ang tingin sa dati niyang bahay. "Umuwi na tayo, kanina ka pa hinahabap ni lola," sabi

