Chapter 1

1845 Words
AGAD HINANAP ng mga mata ko ang dahilan ng marahang pagsiko sa akin ng dalawang nasa magkabilang gilid ko. Tiningnan ko ang mga mata ng nasa kanan na si Zyann. Hinayon ng aking paningin ang direksyon ng tinitingnan niya at agad kong nakita ang isang maputing babae. "Pretty." Tumatango-tangong sabi ko. "Pretty? You're kidding me. The girl's so damn hot!" Nilapit ni Zyann ang mukha sa akin upang marinig ko ang bulong niyang malakas naman. "Every girl's too hot for you, Zee." Singit naman ni Ei sa likod ko na nakikinig sa usapan. "Oh c'mon, bro. Look at those tits." Sinusundan parin ng tingin ang babae na sabi naman ni Yu. "Elle's hotter." Sabad sa usapan ng katabi ko sa kaliwa na si Ex. She snorted. "Uh-huh. Kaya pala kamuntik na 'kong tumilapon kanina sa lakas ng siko mo sa'kin." Hinaplos ko pa ang braso na siniko niya kanina. Actually, parang haplos nga lang iyon sa sobrang rahan ng pagsiko niya sa'kin. Gusto ko lang i-exaggerate para sabihin na nagandahan talaga siya sa babae. Ang ibig sabihin kasi ng akto nilang iyon ay palatandaan na nakakita sila ng maganda o sexy na babae sa paligid. At pag mas malakas ang pagsiko, ibig sabihin, mas maganda. "You're being OA. I barely—" "Shut up na Ex, bawal mo maisip na hot 'to. Kahit isipin lang." Sabay akbay sa akin ni Zee na halos pasakal na. Sinimangutan ko lang ang aking pinsan. Na para namang maiisip talaga ni Ex na hot ako. Alam kong biro lang iyon! Sa kabila ng sama ng aking tingin ay nginisihan lang ako. "Ouch! Bawal isipin na hot si Elle? Kill me now!" Nagkukunwaring nasasaktan na sabi ni Yu. Dinakot pa niya ang shirt sa tapat ng dibdib. "Because she's not, Yu. The word doesn't suit her." "Bakit, Ei. Kasi she's beautiful and not hot? Umisip ka nga ng bagong banat. Sa tingin mo easy-easy 'tong si Elle para mauto ng ganyan?" Sabi ni Ex na naki-akbay sa'kin. "Stop the bullshits, pwede?" Simangot ko habang kumakawala sa dalawang unggoy na nakaakbay. Napapalatak na lang ako at napairap. Sanay na sanay na 'ko sa ganitong mga eksena. At pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall. Nasa gitna kami ng daan bukod pa sa agaw pansin ang mga lalaking kasama ko. Naglalaro sa 5'8 hanggang 6feet ang mga height nila. Lahat ay may kaputian ang kulay. At lahat ay talaga namang gwapo kaya kahit saan sila magpunta ay pansinin. Well, para sa akin ay hindi gwapo si Zee dahil simula pagkabata itinuring na ko na siyang monster ng buhay naming mga magpipinsang babae. Kasama ng iba pa naming mga pinsang lalaki. Ngunit kung hindi ako magiging bias ay gwapo talaga ang pinsan ko. Para itong suplado dahil sa mga mata nitong sa tingin ko ay babagay sa isang babae. Maging ang labi niya ay mapula. Matangos ang ilong at perpekto ang hugis ng mukha. Ngunit sa oras na ngumiti naman siya ay parang anghel na pag sinabing magsimba ka ay talagang susunod ka. Si Yu naman tingin pa lang mukha nang makalokohan. Playboy. Which is totoo naman. Maraming naloloko ang painosenteng ngiti nito at singkit na mga mata. Si Ei ang pinakamatangkad. Siya naman yung talagang nakaka-intimidate ang aura. Na pag nasalubong mo siya pakiramdam mo ni hindi ka karapatdapat huminga sa parehong hangin na nilalanghap niya. Sa gwapo nito, parang di mo siya pwedeng kausapin. At hindi lang iyon sa itsura. Talagang suplado siya. At hindi palasalita pag may ibang tao kaming kasama. Si Ex naman ang tingin mo pa lang, alam mo nang mapanganib. Hindi ko alam kung bakit ngunit siya ang pinakahabulin ng babae sa apat. Siguro dahil sa bad boy image. We all know that girls love bad boys. Nakukuha niya ang babae sa simpleng pagtitig lang gamit ang malalalim niyang mga mata. O di kaya ay ang bahagyang pagnguso ng labi niyang kahugis ng isang bow. O ang ngiti niyang tila ang daming sinasabi. Paano pa pag pinagsama-sama ang apat? Sa tingin ko din, iyon ang dahilan kung bakit maraming napapatili sa tuwing nagpe-perform kami sa stage sa tuwing may gig. Hindi dahil magaling kumanta si Ex o maggitara si Ei. Kundi dahil gwapo sila, nadadala na doon. But ofcourse that's a lie. Alam kong magaling ang apat. Sa kahit saan. Guitar, drums, bass, keyboard or even with the microphone. At iyon lang ang dahilan kung paanong napasama ako sa kanila. Dahil kung may bagay akong sigurado, iyon ay ang magaling din ako sa lahat ng nabanggit! Pag nati-threatened na ko sa kagwapuhan ng apat at pag pakiramdam ko hindi ako nabibilang sa grupong ito, iniisip ko na lang na gwapo nga sila, ako naman ang the best! "Saan tayo kakain?" "Ano Yu, gutom ka na naman? Kakakain lang natin bago umalis ng studio." Kontra ni Ex sa kay Yu na palaging gutom. Nasa likod ko siya kaya nang hawakan niya ang strap ng back pack ko ay napaatras ako. Nakasimangot na tinaasan ko siya ng kilay. Nilapit lang niya ang mukha sa akin at tinaas din ang isang kilay. "Kaya tayo pumunta dito para ipag-shopping si Elle? Hindi para busugin 'yang alaga mo sa tiyan." Sabi ni Ex habang inaayos ang pilipit na strap ng aking back pack. Pinasadahan din niya ng ayos ang collar ng long sleeves ko at ang kalat-kalat na buhok galing sa aking messy bun. Naglalakad kami sa likod ng tatlo habang ginagawa iyon. Napanguso na lang ako nang matapos ay umuna na siya sa paglakad. Its my birthday today. Mamayang gabi ang celebration kasama ang pamilya kaya ngayon ko kasama ang apat na unggoy. Nangako sila na sa akin ang buong araw. And I can spend their money to the last drop or hanggang kaya kong gastusin! Pera pa lang ni Zee alam kong tiba-tiba na 'ko. "Kain muna tayo!" Habol ko sa apat at sumingit sa gitna nina Yu at Ei. "I know I like you for a reason!" Ang laki ng ngiti ni Yu habang pinipisil ang ilong ko. Dumiretso kami sa isang kilalang fast food chain dahil natalo si Yu sa jack 'n poy at siya ang manlilibre. Napakatakaw na tao pero napakakuripot. Sana ay si Ei na lang ang natalo dahil siguradong fine dining iyon! "Kailangan mo ba talagang simutin iyan ng ganyan? Maawa ka sa manok, Yu." Reklamo ko sa kalapit dahil ito na lang ang hinihintay. Nakatapos na ako ng isang chapter sa librong dala, hindi parin siya tapos kumain! "Bakit, kasama ito sa binayaran ko?" Sabi niya habang ngumunguya. Pagkatapos ay sumilip siya sa binabasa ko. "What the hell, Elle! Kailangan mo bang basahin iyan? Dapat ay ini-skip mo 'yang ganyang part! SPG 'yan!" Dinutdot pa ng daliri niya ang pahina. Agad kong inilayo sa kanya ang libro sa takot na kunin niya iyon. "Bakit, kasama ito sa binayaran ko?" Panggagaya ko sa sagot niya. Umirap siya sa akin at inirapan ko siya pabalik. Pag-ikot ng mata ko ay nakita kong nakatingin sa hawak kong libro ang nasa tapat kong si Ex. Ang klase ng tingin niya ay tila gustong itapon ang libro. Agad ko iyong itinago sa back pack. "You read p**n?" Pagalit na sabi niya. Magkasalubong ang kilay at madilim ang tingin ng malalalim niyang mga mata. "No! Its not p**n! Ang considered as p**n lang ay 'yong may mga graphics or pictures!" Nanlalaki ang aking mata sa sinabi niya. Like, what the hell? p**n? "Ofcourse that's p**n! It creates graphics and images in your head while you're reading it!" Napasinghap ako sa pagtayo niya at tila aabutin ang bag ko. "No!—" Sinagip ako ng pagtunog ng phone niya. Sandali lang siyang napatigil ngunit hindi naman sinagot ang telepono. "Ex, stop bothering Elle. Nagbabasa na iyan ng romance romance na iyan high school pa lang? Hayaan mo na." Sabi ni Zee na sumusubo ng sundae. "Hinahayaan niyo?" Nakakunot parin ang noo ni Ex. He tsked when his phone beeped again. "Excuse me? I'm eighteen! Pwede nang magbasa nito." Mahigpit parin ang hawak ko sa back pack. "Bakit, eighteen ka ba nung high school?" Medyo mataas na ang boses niya kaya may ibang tumitingin na sa gawi namin. "Bakit ang big deal mo? Ikaw nga nagri-ring iyang phone mo kahit ang usapan dapat naka-airplain mode lahat! Its my day tapos siguradong isa sa mga babae mo lang 'yang tumatawag!" Pigil ang boses na sumbat ko. Nakatingala ako sa kanya nang bahagya dahil nakatayo parin siya habang nakaupo ako. "Its not—" "Answer it." I seriously said, in a commanding tone. Bumuntong-hininga siya bago iyon sinagot at umupo. "Hello?" Hindi nakaligtas sa akin ang walang boses na pagmura niya. Ibig sabihin, tama ako! Pinaningkitan ko siya ng mata habang apologetic na nakatingin sa akin. "What? O-okay..." hindi inaalis ang tingin sa aking mga mata na pagkausap niya sa nasa kabilang linya. Hindi pa man ay sumisikip na aking dibdib. Tiningnan ko siya ng pailalim atsaka humalukipkip. No, he won't do it! Hindi niya ako iiwan para lang sa isa sa mga babae niya! Kagat ang ibabang labi na ibinaba niya ang aparato. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Nakita kong nakakunot na rin ang mga noo nina Yu at Zee. Nakataas naman ang kilay ni Ei. "What?" Pilit kong pinataray ang aking boses kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko nang maglupasay. "Sorry—" "Just go." Padabog akong tumayo, sinukbit ang back pack at diretsong lumabas ng fast food. "Elle—" "Just go, Ex." Ani papalapit na boses ni Ei. Sa tingin ko sumunod na siya sa akin. At tama nga dahil ngayon ay nakaantabay na si Ei sa paglalakad ko. Naramdaman ko din ang pag-akbay niya sa akin. "Elle, stop." Mahinahon na sabi niya tapos ay pumwesto sa harap ko at hinawakan ang aking magkabilang balikat. Napatigil ako sa mabilis na paglakad dahil doon. Nakatungo ako at hindi makatingin sa kanya. Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ako makahinga! Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko lang matanggap na mas pinili pa ni Ex iyong babae niya o dahil mas matimbang pa kay Ex ang kaartehan noon kumpara sa pangako sa akin Hindi ko rin alam kung may pagkakaiba ba iyong mga sinabi ko. "Calm down, sweetheart, and breathe. Deeply." Masuyo ang pagkakasabi ni Ei gamit ang nakakakalma niyang boses. Sinunod ko ang sinabi niya. Talagang sumisikip ang dibdib ko pag sumasama ang loob. Tumingala ako at lalong gumaan ang pakiramdam nang makita ang masuyo at puno ng pag-aalalang tingin sa akin ni Ei. Narinig niya ang mga yabag galing sa likod. Maya-maya at may humahaplos na sa likod ko habang inabutan naman ako ni Yu ng bottled water. Agad ko iyong ininom at nakatulong din ang malamig na tubig sa pakiramdam ko. Tiningnan ko ang tatlong pares ng mga matang puno ng simpatya para sa akin. Tatlong pares. Kusa ang pagtulo na ang luha sa aking mga mata. He really did left. Umalis na naman siya at muling pumili sa pagitan ko at ng ibang babae. At talo na naman ako. Ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD