bc

Lost and Found

book_age4+
54
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
playboy
popstar
drama
bxg
humorous
campus
city
highschool
like
intro-logo
Blurb

He was once hers. She exactly know how to be his girl, how it feels to be loved by him, to receive those seering stares, melting smiles and warm hugs, being cared by him... and being cheated by him.

Then she was his friend. Nasaksihan niya kung paano ito manloko ng iba't-ibang babae. How he can make one girl feel special today then dump her the next day.

Alam na alam na niya. Kabisado niya lahat. Kaya bakit pa ulit siya susugal?

But she did, anyway.

For the second time, he was hers. For the second time, she found his love and lost herself. And for the second time, he found another one and lost her.

How long can she take that endless cycle of Lost and Found?

chap-preview
Free preview
Prologue
HE LOOKS all the same. Mula sa magulo niyang buhok na gustong-gusto kong lalong guluhin, sa nipis ng pula niyang labi na labis kong kinaiinggitan, ang tangos ng ilong niyang ang sarap panggigilan, at ang itim na itim na mga mata niyang tila laging nangbabasa ng kaluluwa. His soft and boyish looks just turn more manly but all of him is all the same. Except for that uncertainty written on his god-like face. He's standing there looking all confident but the look in his eyes betrayed his emotions. Matapos ang ilang taon. Nakakatawa na sa lahat ng maaaring ipagbago niya, iyon pang mataas na tiwala niya sa sarili. Hindi ko naisip na kahit kailan, titingnan niya ako ng ganito. Na tila walang kasiguraduhan. Makikita rin sa mga mata niya ang takot at pangamba. Na baka matapos ang ilang taon na lumipas, hindi parin ako handa. Hindi inaalis ang tingin sa akin na may inilabas siya sa mula sa kanyang likod. At halos manlambot ang mga tuhod ko nang makita ang pamilyar na drumsticks. Alanganin ang bawat hakbang niya palapit. Bigla ang pagtahimik ng kanina ay sobrang ingay na mga tao sa paligid. Halos ang naririnig ko lang ay ang tunog na nililikha ng hakbang niya, at ang malakas na pintig ng aking puso. Ngayon ay nakatayo na siya sa harap ko. Halo-halong emosyon ang mababasa sa mga mata niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata habang nakatitig sa perpektong niyang mukha. Pilit kong inaalala lahat ng dahilan kung bakit ko nagawang umalis. Lahat ng dahilan ng desisyon ko na sa tingin ko noon ay tama. Sa dami niyon, wala akong maalala kahit isa ngayon. Lalo na nang itaas niya ang kamay sa pagitan namin at makita ko nang malapit ang hawak niya. Tumingala ako upang pigilan ang pagtakas ng luha na kanina pa pala dumadaloy. Gusto kong matawa. Na pagkatapos ng lahat, paglipas ng mahabang panahon, parehong desisyon parin ang kailangan kong gawin. "Will you take it, keep it, and never let it go this time?" Mahina ang boses niya nang sabihin iyon. Tila bulong ng isang sikreto. Gamit ang boses niyang una kong minahal. Tinitigan ko ang mga mata niya bago ibinaba ang tingin sa pares ng drumsticks na kanyang ibinibigay... ibinabalik. At ginawa ang sa tingin kong pinakatamang desisyon na gagawin ko sa buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook