Chapter 8 "Nate, makinig ka nga sa akin." busangot ang mukha kong sinusundan siya. "Don't follow me." sabi niya at kinaway ang kamay habang nakatalikod sa akin. Napabuga ako ng hangin ng makitang kinakausap niya ang iilang mga babae na kanina pa nagtatangkang lumapit. Hindi kasi sila makalapit kanina dahil nakabantay ako, at ngayon ay si Nate na ang lumalayo kaya makakalapit na yung mga babae sakaniya. "Why a long face, shorty?" biglang may umakbay sa akin at agad kong nalaman na si Gabe 'yon dahil sa kaniyang laging pabango. A Christian Dior Sauvage. Tinignan ko ng masama si Nate na tuwang-tuwa kausap ang mga babae at agad ko itong napansin na sina Leandra ito at ang kasamahan niya sa cheer squad. "Hayaan mo na 'yang unggoy na 'yan. Pumasok kana sa loob." pag

