Chapter 7
The dinner ended well at nakakapagtataka dahil parang may tensyong nabubuo sa kanila ni Gabriel at Nate pero hindi naman sila kumikibo.
Nakauwi ako ng maayos, ihahatid na sana ako ng dalawa pero ako na ang umayaw dahil nakakahiya naman, ako pa ang naka-aberya sa dalawa. They are still fighting kaya umalis na ako habang nagbabangayan ang dalawa at sino raw ang mas mukhang unggoy.
Nadatnan ko si mom na nagbabasa ng isang magazine habang bukas ang tv pero hindi ito nakatingin dahil busy sa pagbabasa. Napanguso ako at linapitan si mom. I kissed her cheek at napasinghap ito sa gulat at tinignan ako.
"Oh, Diana? Napagabi ka?" she asked at inilagay na niya ang magazine sa tabi.
Ngumiti ako. "I'm sorry mom, kakatapos lang ng practice." I lied, kahit kanina pa 'yon pero kumain pa ako sa labas.
"Tumawag yung lolo mo sa akin, huwag kang kumain. Nag-away ba kayo?" tabong ni mom na may pag-alala sa mukha nito.
Bumuntong-hininga ako at ngumiti. "Nalate lang ako mom. It's fine."
Not at all! I love foods, wala akong pake kung anong punishment ang ibibigay sa akin tulad noong mga binibigay niya sa akin n'ong bata pa ako pero 'wag lang ang pagbawal kumain.
Tumalikod na ako kay mom para makapunta sa kwarto ko at makapagpahinga pero natigil 'yon dahil may sinabi si mom.
"Next time 'wag mo ng pahirapan lolo mo ha? Ayusin mo rin ang pag-aaral mo,0" aniya na nakapagtigil sa akin.
"Kailan uuwi si dad? Kailan ko ba siya makakausap uli?"
Naikuyom ko ang aking kamay at humarap kay mom na nakaawang ang labi, parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.
Nakita kong umiwas ito ng tingin at ibinalik ang tingin sa tv. "I'll call you kapag tatawag uli dad mo."
That's it. Sawang sawa na ako na lagi maririnig 'yon. Lagi niyang sinasabi na tatawagan lang ako ni mom kapag tatawag si dad. It is not a coincidence anymore. Everytime wala ako sa bahay ay doon lang raw tatawag si dad, hindi din nila sinabi sa akin na saan nagtrabaho, saang lugar at ano ang kaniyang hanapbuhay.
If ayaw nila akong bigyan ng number ni dad, fine I will do it myself.
Pumanhik ako sa loob ng aking kwarto at agad humilata kahit 'di pa ako nakabihis dahil sa sobrang pagod ko. Pagod na pagod akong tahimik dito sa bahay namin, pagod na akong sumusunod sakanila na ayaw ko.
Narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at tinignan ang mensahe galing kay sir Harold.
Manager Harold
We will pick you up exactly 8 am. May kasama kayong security para walang gulo. Please take care and Nate, too! Goodluck!
SMS 9:37 PM
Hindi ko mapigilang mapangiti. Atleast ngayon, may ginagawa akong makakapagpasaya sa akin.
Nagising ako sa ingay ng alarm clock kaya dali-dali akong naghanda sa sarili ko. Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko si mom na may dalang pagkain na nakalagay sa tray.
"Sweetie?" takang tanong nito sa akin na nagmamadaling bumaba.
"Goodbye, mom." sabi ko at hinagkan ito sa pisngi.
"Wait, kain ka muna. Kahit konti lang, huwag mo pansinin ang sinabi ng lolo mo." pagpigil ni mom sa akin, kung walang hawak lang ito sa tray ay kanina pa niya ako hinawakan.
Ningitian ko siya, "It's okay mom. Sa school na ako kakain."
Dali-dali akong lumabas dahil 8 am na. Kahit mamaya pa ang klase ko pero kailangan naroon ako para sa school dahil kay Nate.
Napanguso ako sa aking iniisip, para na akong security ni Nate dahil sa kakabantay niya.
Napailing ako sa aking nakita pagkalabas. Is that a van? Unbelievable! Akala ko kotse lang ang kanilang dadalhin, baka maraming makakakita tuloy. Ayaw pa naman ni sir Harold ng gulo ngayong first day.
Pinagbuksan ako ni manong sa gate at agad ko siyang pinagsalamatan. Bumukas ang pintuan ng van at tumambad sa akin ang nayayamot na mukha ni Nate in his handsome uniform. Oh la la!
Ako na nagsara sa pintuan ng van at agad tumambad sa akin ang papel kaya nagtataka ko itong kinuha at tinignan.
"Schedule 'yan ni Nate. Sayo muna 'yan." ani sir Harold na nagsisimula ng magdrive.
Ngumuso ako at tinignan siya. "Sir akala ko ayaw mo ng show off? Bakit van? Diba ito lagi niyong ginagamit kapag concert?"
Tinignan niya ako sa salamin na nagkasugat na ang kilay sa galit. "Well, ask Nate. Ang tigas ng ulo."
Napatingin ako kay Nate sa aking tabi na nakapikit na ito at mau headphones sa tenga na ang lakas lakas ng volume dahil rinig ko ito.
Napatingin ako sa likod dahil ang laki ng van at wala itong laman. Napabuga ako ng hangin. Ang tigas talaga ng ulo.
I checked the schedule at nanlaki ang mata ko dahil lahat ng schedule niya at schedule ko ay kaparehas lahat! So, kaklase ko siya lagi? Hindi ko mapigilan ang saya sa aking katawan. Ito ang good news na hinihintay ko. Pero bakit 8 am kami pupunta sa school? 9 pa ang pasok naming dalawa ah?
"You happy?" tanong ni sir Harold ng mapansin ang ngiti ko.
"Very happy."
Pagkababa ko sa van ay agad sinuot ni Nate ang kaniyang hoodie at tinakpan ang ulo nito. Napanguso ako, sayang ang cute pa naman niya sa uniform namin.
"Sasamahan ko kayo pagpasok, don't worry walang nakakaalam na media sa atin-"
Halos sabay kaming napamura ni sir Harold sa nakita. Ang daming taga-media ang nakatambay sa gate na parang may hinihintay. Kawawa na rin ang security guard namin dahil may iilan na tumangkang pumasok sa loob ng school.
"s**t! Candlemaker!" hindi mapigilan ng bibig ko ang maibulaslas ang salitang 'yon.
"Candlemaker?" sabay na tanong nila Nate at sir Harold.
Napamulahan ako at umiwas ng tingin. "Nevermind that."
Kapag kinakabahan ako at natatakot kung ano nalang ang lumalabas sa bibig ko na hindi ko mapigilan. Kyla, Gabe at si ate ay sanay na pero ayoko naman pati sa harap ni Nate ay malalaman niya na ganon ako.
"Bakit sila nandiyan?" tanong ko. Ang akala ko ay walang nakakaalam na media ngayon.
Narinig kong sumipol si Nate kaya napatingin ako sakaniya.
"Akala ko pwede? Dahil ipapakita natin diba na magiging isang ordinaryong estudyante ako diba?" sabi niya na parang wala lang ang kaniyang ginawa.
I gritted my teeth at tinignan siya ng masama. "Nate!" singhal ko.
Narinig ko ang pag buntong-hininga ni sir Harold. "Stay here. Magpapatulong tayo sa mga security guard." ani sir Harold at tumakbo papasok. Ang iilang nakakakilala kay sir Harold ay agad lumapit sakaniya at tinatanong kung saan si Nate.
Dumating ang limang security guard at nakilala nila ako kaagad, magtatanong pa sana sila sa akin pero tinulungan na kaming pumasok.
Flashing of cameras everywhere, ang daming mga tanong na nakakapaghilo sa paningin ko. It is an unfamiliar feeling.
"Anong nangyari doon sa babae na nabangga mo?"
"Bakit ka dito pumasok?"
"Ano masasabi mo sa mga fans mo?"
"Is it true na may kinakasama kang babae ngayon?"
"Ano masasabi mo sa mga fans ngayon?"
Nagulat ako ng may isang recorder ang nasa mukha ko at napapikit ako sa pag flash ng camera.
"Ikaw ba ang babaeng kinakasama ngayon ni Nate?"
"Girlfriend ka ba niya?"
"Ano ang relasyon niyong dalawa?"
"Ikaw ba ang dahilan bakit wala na sila sa kaniyang girlfriend ngayon?"
"Ano ang masasabi mo sa kinasasangkutan ni Nate ngayon?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa mga tanong nila. Before I could open my mouth ay may humila na sa akin papasok at naiwan ang mga taga-media sa labas ng gate na nagkamagulo.
Nang mahimasmasan na ako ay tinignan ko ng masama si Nate na sumisipol sa tabi. "Tinutulungan ka namin, pero mas pinapalala mo pa." singhal ko.
"Ayaw mo 'nun? Tinutulungan kita maging celebrity? Gusto mo maging celebrity diba?" aniya at tinalikuran ako.
Napatulala ako sa sinabi niya at kinagat ang aking labi. Nasaktan ako.
"No Nate, hindi ko ito tinanggap para maging celebrity ako. Tinanggap ko ito dahil mukhang mahal na kita." bulong ko ng makita siyang unting-unting lumalayo sa paningin ko.
----