Nagising ako na sobrang sakit ng buong katawan ko at ang taas ng lagnat ko. Nakita kong wala na sa tabi ko si Grae kaya kahit masama ang pakiramdam ay pinilit kong tumayo, kumuha ako ng damit ni Grae at isinuot ito bago paika-ikang bumaba ng hagdan. Hindi ko na siya naabutan dahil maagang umalis, na ipinagpapasalamat ko naman dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin. Pumunta ako sa kusina at doon uminom ng gamot sa lagnat, kumain narin ako dahil kahapon pa ako walang kain. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ko at pumasok sa CR. Nakita ko sa salamin ang mga naghalong pasa at marka na gawa ni Grae dahil sa nangyari samin kagabi. Naiyak naman ako dahil sa sinapit ko,hindi ko inaakalang aabot sa ganito ang lahat. Nakakapagod na. Masyado nang masakit ang ginagawa sa akin ni Grae a

