Shania Pov: "b***h kunin mo yung mga maruming damit sa kwarto namin ni Grae at labhan mo,pakibilisan lang please." mataray na saad ni Venice pagkakita niya sa akin sa garden sabay hagis pa ng kanyang suot na jacket. Gustuhin ko man siyang pagsabihan ay hindi ko magawa dahil sigurado naman ako na ako parin ang kawawa sa huli. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita kong nasa sala si Grae at Venice. Naramdaman ko nanaman ang nagbabadyang luha sa mga mata ko dahil sa nakita ko. Nakaupo sa kandungan ni Grae si Venice habang naghahalikan at tila walang pake sa paligid nila. Ang sakit. Talagang hindi na nila ako ginalang at dito pa sa mismong pamamahay namin ginawa ang kalaswaan nila. Pinunasan ko ang luhang diko namalayang bumagsak na pala sa mga mata ko. Mabilis akong tumakbo papunt

