The 11th CHAPTER

1978 Words
Zhafee's POV. Tila bumagal ang lahat. Gulat at namumuo ang luhang nakatitig ako kay callis na buhat-buhat si bella habang sumusugod sa emergency room. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko't siya lang ang nakikita ko. Deretso lang ang daan kaya't kitang-kita ko ang takbo niya patungo doon. Nanatiling mabagal ang galaw ng lahat sa paningin ko. Mula sa likod ko ay sunod sunod ang bangga sa akin ng mga kaibigan niya. "Stay awake bella! Please!" Sigaw ng kaibigan niyang si nicole. "Calm down."Pinapahinahon na aniya drake. Bakit si callis ang nagbubuhat kung pwede namang si drake? Ano ba ang nangyari? Urgent yan. Naiintindihan ko. Pero kahit sulyap man lang callis, hindi mo nagawa? Sa daan ka nakatingin. Nandito ako, bakit hindi mo ako nagawang lingonin? Nasa daan mo ako callis, sa side lang. Binangga mo ako. Imposibleng hindi mo ako nakita o napansin man lang. Gulat din ako pero hindi niyo ako kailangang banggain dito na parang wala kayong nakikita."Tch."Singhal ko. Walang reaksyong tumalikod at nagtuloy sa pag-akyat ng hagdan. Tumigil ako sa upuan ng likod namin dahil doon sila zhas. Tinignan ko lang sila. Focus si zhaint sa cellphone at itong dalawa naman ay nanonood ng movie. Naka headset sila. Kawalan ang tingin kong bumalik sa taas. May mga upuan doon ngunit nanatili akong nakatayo sa gilid at kawalan ang tingin sa dagat. Kasabay no'n ang paglubog ng araw. "Isang segundong.... a-atensyon. I-isang lingon. Sa aki'y h-hindi itinuon. Kaya't ako'y hindi m-makagalaw sa sitwasyon." Walang makakatalo sa sakit kung ang binago niya ay ang nakasayan kong siya. "I-ikaw na lang ang inaasahan ko, b-bakit ikaw pa yung nagbabago?" Hindi napigilan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Pero agad na pinunasan ko iyon dahil ayokong umiyak dito. Paparating na din ang mga adults na tanaw ko dito mula sa baba. Ibig sabihin malapit ng aandar yung barko. Lumanghap muna ako ng sariwang hangin bago tumalikod at maglakad patungo sa hangdan. Ngunit wala pang limang hakbang pababa ay bumungad na sa akin si laszlo. Habol ang hiningang nakatingin sa akin. Buti't hindi lahat nasaksihan mo. Achievement for you. Walang reaksyong linagpasan ko siya at bumaba na. Isang oras na lang yung biyahe. Wala akong balak kumain. Matutulog na lang ako. Dating postura ang ginawa ko. Gusto ko pa sanang pagmasdan ang dagat dahil gabi na at umaandar pa yung barko ngunit nawala na lang ako bigla sa sarili, dahil na din sa mga hindi inaasahang pangyayari. Hindi nagtagal ay nakatulog na ako. "Ate... Ate gising na nandito na tayo.... Ate." Bahagya akong niyugyug para magising. Mukha naman ng kapatid ko ang bumungad sa akin. Dahan dahan akong umupo sa pagkakahiga at hindi makontrol ang sariling tumingin sa paligid. Biglang nawala ang gana ng aking mukha nang makitang buhat buhat ni callis si bella papalabas ng barko. Alalay naman ni drake si nicole. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa makalayo na. Walang gana na kinuha ang bag ko at naglakad na din patungo sa hotel. Tulala lang ako hanggang sa makarating sa kwarto. Bahagya akong umupo ako sa kama nang eksaktong tumunog ang tiyan ko. Pumunta ako sa kusina at walang ganang binuksan ang ref. Binuksan ko iyon. Nagsisilbing ilaw sa paligid ko ang ilaw niyon. Ngunit walang laman. Padabog na kinuha ang coat ko palabas ng room, malamig na din sa labas. Pero hindi ko man lang naramdaman iyon kanina. Wala din si unggoy. Isa pa 'to. Nawawala na lang bigla tapos biglang magpapakita sa harapan ko. Tch, sakit niyo sa ulo. Hindi ko nararamdaman na gutom ako pero dahil sa tunog ay kakain ako. Naaawa rin ako sa tiyan ko. Malungkot na nakayuko lang ako habang hinihintay ang tunog ng elevator. Hindi nagtagal ay bumukas na ito ngunit nanatili pa rin ako sa postura ko. Gusto kong mawala sa isip ko ang nakita at nangyari kanina ngunit pilit na pumapasok iyon sa isipan ko. Nagsimula akong maglakad. Nakakadalawang hakbang na ako nang biglang may humawak sa braso ko. Nananatili akong nakayuko at walang gana. Matamlay na tinanggal ko ang pagkakahawak niya habang nakatingin pa din ako sa kawalan. Wala namang ibang lalapit ngayon sa akin kung 'di si laszlo. "Kakain ka? Sabay na tayo." Tinig ng pamilyar na boses. Dahan dahang tinignan ko ang mukhang 'yon. Nakangiti siya na parang stress na stress. "H-hindi ka pa kumakain?" Tanong ko. Nawala ang walang ganang mukha ko at napalitan ng panggap na ngiti. Ngumiti siyang umiling. Pilit din akong ngumiti at nagtuloy na sa paglalakad. "Gusto mo sa labas? O dito na lang tayo sa loob ng hotel?" Tinig niya. Bahagya akong napatingin sa kanya. "Kung saan mo gusto." Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalabas ng hotel. "Aren't you cold?" Tanong niya. Pilit akong ngumiti pagtapos ay umiling. "Rice or snacks?" "Kung anong gusto mo. Hindi naman ako gano'n kagutom." Pagsisinungaling ko. "Hmm, Rice na lang, I am that hungry haha." Sabi niya. Pilit akong ngumiti para hindi siya mapahiya. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Paano ako nasasaktan sa taong akala ko siya'y magbibigay kalakasan? Lumapit kami sa mga table at umupo doon. May mga light lang sa paligid na nagsisilbing ilaw sa mga taong kumakain dito. May parang catering. Magsisimula ka sa kanan at magtatapos sa kaliwa doon na yung cashier. "Ako na lang ang kukuha." Banat niya. Bawat galaw niya mula sa kalayuan ay hindi ko namamalayang pinagmamasdan ko. I would be happy if this is a dream, if the callis he shows today is a dream. Napayuko ako't namuo na naman ang luha ko. I hope what he shows that makes my heartache, was a dream. Pumatak ang namuong luha sa mata ko. Pagkatapos no'n ay tumingala na ako. Pinipigilan ko ang mga luha kong naguunahang magsilabasan. "This looks delicious."Tinig ng isang lalake. Napatingin ako sa kanya. Bibit na niya ang mga pagkain. "Bakit hindi ka pa kumakain? Ang alam ko'y kumain na kayo do'n sa barko kanina." Tinig niya habang inilalagay ang dalawang plate sa table. Nanatili akong nakatingin ng deretso sa kanya. Looks like he really doesn't notice me. "Wala ako kanina kase naaksidente si bella. Ako ang nagbuhat dahil hindi ko naman masyado kilala si nicole. Sabi ni drake ay manerbyoso ang babaeng 'yon. Hindi ko din naman alam ang nagpapakalma do'n kaya hinayaan ko na." Biglaang kwento niya. Tulala ang tingin kong nakatingin sa pagkain. He doesn't really notice me. Really. "Okay lang, natulog naman ako buong biyahe." Pilit na ngiting tugon ko habang umaasa pa rin na sasabihin niyang nakita niya ako. "Hmm, nauntog kase siya sa bato. Nahulog kase siya sa hagdan. Kawawa naman kaya ako na ang naghintay na magamot 'yong ulo niya. Hindi naman daw gano'n kalala pero binantayan ko na lang kase kawawa. Si nicole naman ay nasa taas kasama si drake. Hindi sila makatagal sa clinic dahil nasusuka si nicole sa amoy nito." Nginunguya ang pagkain na kwento niya. Pilit akong napangiti. Gusto kong tanongin kung nakita mo ba ako kanina o hindi....pero kase parang alam ko na yung sagot. Kung nakita mo ako sana'y humingi ka na ng pasensya. Nakatingin siya sa daan pero tila hindi ko naagaw ang atensyon niya. Haha. Silly. Kahit nalaman ko na yung dahilan masakit pa rin e. Hindi na kami umimik at nagmadali ng kumain. Dahil na din gutom kaming dalawa. Matapos ang dinner ay pumunta na kami sa floor namin. "Take a rest." Sabi kong nakangiti sa kanya. Sinuklian niya naman ako ng ngiti at isinara ang pinto. Hindi siya nag-abalang sabihin din 'yon sa akin. Mas pagod siya kaysa sa akin kaya naiintindihan kong hindi niya na kailangang ihatid ako. Walang gana akong lumakad patungo sa kwarto. Pagpasok ko ay tinanggal ko ang sandal kong maalikabok at nagtungo sa cr para maligo, tunay ngang wala ako sa sarili. Nakatingin sa malayo't lumilipad ang aking isipan sa kakatanong at kakaisip. Ang hitsura din ngayon ng mukha ko ay parang gusto ng umiyak ngunit halatang nagmamatigas. Nagpalit na ako't lumabas sa cr nang aksidenteng napatingin ako sa balcony. Ilang segundo ko iyong pinagmasdan bago dahan-dahang lapitan. Mula dito ay tanaw mo rin pala ang dagat. Umupo ako sa sofa, itinaas ang aking tuhod dahilan para sandalan iyon ng aking braso. Tsaka ko pinatong ang aking baba. Sa hindi inaasahan ay tumulo ang mga luha ko. Patuloy parin na malayo ang aking tingin habang nakatingin sa dagat. I am going to explode again. Luhang kanina pa gustong lumabas. Hindi ko na din naiwasang mapahikbi at mapahagulgul. Ganito ako. Kapag tuloy tuloy na ang patak ng luha ko'y hindi ko na nakokontrol ang aking hikbi't hagulgul ko. Gano'n na din ang pag-agos ng masasakit na luha na galing sa aking mga kawawang mata. "H-hindi ko tinatanong kung a-ano ang nangyari sa kanya. Ang hinihintay kong tanongin mo ay kung saan ako nag-aaral, kung k-kamusta ba ang buhay ko sa p-pinas--" ~hhukkk~ Patuloy ako sa paghagulgul. You said when I pretend to be happy tho I'm sad you won't believe it. But you just said it, you don't mean it. The whole day I pretended to be happy. Pero ni isang minuto hindi mo napansin na malungkot ako. Noon, halos inaalam mo ano ang mga nangyari sa nakaraan ko pero ngayon parang wala na lang yun sa 'yo. Wala akong ibang naririnig kung 'di ang paghagulgul ko, alon na tunog ng dagat at kaonti na ingay mula sa baba. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito pero hindi ko din inaasahan na ganyan na yung nakasanayan ko. Ibang iba ka na sa kilala ko. ~~~hukkk~~~ Mahal kita bilang kaibigan, hindi 'yon nagbago. Pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka nang tuluyan sa tabi ko. Akala ko'y may masasandalan na ako. Akala ko'y bumalik na yung taong kukumpleto sa akin ngunit hindi pala. Umasa ako. Masakit 'yon. Pero mas masakit pala kung yung hinihintay mong dumating ang hindi dumating. Nakakasikip sa puso, ang hirap huminga. "P-pakiusap bumalik kana sa dati. Bumalik kana sa n-nakasayan kong ikaw. Ibalik mo na kung saan ako komportable." ~~~hhukkk~~~ "Huwag mo na akong pahirapan, P-p-pakiusap..." Hindi nawala ang pag-iyak at paghagulgul ko. It doesn't have to be big deal. Yes, it's not a big deal, I-i just feel p-painful. I r-really can't control it. Umiiyak ako nang hindi tahimik. Maririnig mo ang bawat hikbi at hagulgul ko. Tumigil ako nang maramdamang inaantok na ang mata ko. Ramdam ko ding namamaga na ito. Para akong bata na umiiyak dahil iniwan ng sarili kong nanay. Dahan-dahan akong gumalaw sa pagkaka upo't taas ng paa ko. Isinuot ang tsinelas habang hihikbi-hikbi't pumasok sa loob, pinatay ko ang ilaw at binuksan ang ilaw sa baba ng kama. Kulay sky blue siya. Tumahan na ako nang humiga ako sa malambot na kama. Saksi na naman ang aking mga braso sa sakit na naramdaman ko. Tulala akong nakatingin ng deretso sa kawalan, at sa hindi inaasahan ay pumatak na naman ang luha ko. Hindi mapigilang hikbi ang lumabas sa aking bibig. Ipinatong ang isang braso sa aking mga mata, nanatiling deretso ang aking katawan sa pagkakahiga't nakapatong ang aking isang kamay sa tiyan. "B-bakit ang bigat sa pakiramdam? Inii-hukkk wasan kong hindi na isipin pero-hukkk galaw mo ang nakikita ko sa bawat kawalan ng tingin ko-hukkk." "P-please tell me this is not true. P-please." "Tell me this is a dream. P-please." - End of this Chapter - Preview ? Nagtuloy na ako sa paglalakad ngunit sa hindi inaasahan ay hinawakan niya na naman ang braso ko at iniharap sa kanya. Dahil bigla iyon ay deretsong napatingin ako sa mata niya. Bigla ay hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Ni bumaling sa iba ang mata ko ay hindi ko magawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD