The 10th CHAPTER

2057 Words
Laszlo's POV. Hindi nagtagal ay bumangon siya sa pagkakahiga. "Sorry kanina. Hindi ko alam na ayaw mo pala yung lasa." Hindi ko talaga alam na pinakaayaw niya yung lasang iyon. Tumingin lang siya ng walang reaksyon. Kinabahan naman ako. "Y-you mad?" Umiling lang siya. Hindi tulad no'ng nakaraang araw na sumusulyap saka ngumingiti siya. Pinagmasdan ko na lang siya. Ayoko na siyang kulitin dahil parang ayaw niya ng nakukulit kapag wala siya sa modo. Baka sigawan niya na naman ako. "Habol tayo?" Tinig niya. Naguguluhang tumingin ako sa kanya. "H-ha?" Tanong ko. "Hindi naman na masama ang pakiramdam ko. I think makakahabol pa tayo. Picture naman yung ginagawa nila do'n. Siguro may time limit lang." P-pero solo na sana kita.. balak ko pa sanang pumunta sa taas. Solo parin naman kita dahil wala sila haha. Ayon nga lang, wala akong nakikitang makikislap na mata galing sa iyong ngiti't tawa. "Kung iyon yung gusto no." Nakangiting tugon ko. "Kukunin mo yang bag mo?" Tanong ko. Gusto ko sanang buhatin ulit. "Hindi na. Tingin tingin lang sa paligid ang plano ko." Deretsong sagot niya. Hindi na ako umangal. Nagtuloy na kami sa paglalakad nang malingunan ko ang instructor. "Zhaf wait lang." Tinig ko. Lumapit ako dito. "Hanggang kailan po yung time limit?" Tanong ko. "Hanggang six o'clock. Bakit hindi kayo pumunta kanina? Siguro nasa kalagitnaan na sila.." Ngumiti lang ako. "Iisa lang din yung daan. Tulad kanina. Gumagabi na kaya't hindi na kayo makakapagswimming. Nasa dulo kase yung mga banana boat at iba pa." Dagdag niya. "Sige po. Salamat." Nakangiting sabi ko. Bumaling ako kay zhaf. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Take your time to walk." Tinig ko. Hindi siya kumibo. Ang sabi'y tingin tingin lang sa 'paligid' ngunit nasa deretso lang naman ang tingin. Tch. Ano na naman bang iniisip nito. Tumigil ako sa paglalakad at hinawakan siya sa braso. "Picture tayo." Nakangusong sabi ko. Pacute lang baka sakaling ngumiti siya. Nabigo naman ako dahil tinignan niya lang ang itinuro ko. Lumapit siya doon. Maraming pumapaligid na paruparo sa mga bulaklak. Pinagmasdan niya ito. Hanggang ang isa ay tumigil sa balikat niya. Halatang naramdaman niya iyon dahil napatigil siya paghawak ng bulaklak. "Zhaf." Tinig ko. Lumingon naman siya. Kinunan ko siya ng litrato. Agad na tinignan ko iyon. Woah. Pang professional a. Hahaha. "Patingin." Sabi niya. Napalingon ako sa kanya. Ang akala ko ay magagalit siya. "Not bad." Banat niya. Napangiti ako doon. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang cellphone. Itinaas ko ang cellphone at kumuha ng litrato. Pagkatapos ay naglakad na kami papalayo. Naninibago ako sa kanya dahil hindi ito ang alam kong ugali niya. Pinagmasdan ko siya buong araw pero ibang iba ang kilala kong siya. Hindi ito ang nakikita ko sa kalayuan. Hindi din ito ang nakikita ko sa nakaraang araw. Kabaliktaran ang nakikita ko. Napakarami mo palang tinatago tsk. Hindi ako natuturn off kundi mas nagiging interesado pa ako sa' yo. Zhafee's POV Mas mabilis ang paglalakad ko ngayon kaysa kanina dahil 5:30 na. Nakita ko kanina sa mapa na mahaba ang islang 'to. Hindi na din kumibo ang isa sa amin pero ramdam kong patuloy pa rin ang masid niya sa akin. Hinahayaan ko siya dahil hindi naman ako naiirita. Saka parang balewala na rin siya dahil lutang naman ang aking utak. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang lalakeng sinalo ang babae pagkatapos nito matumba sa pagkakaakyat. "Aww." Dinig kong banat ni zhaint na nakatingin sa dalawa. Abala naman si zhas sa pagpapapicture kay voan. Gano'n din sila nicole at drake. Hindi ako nagseselos pero nasasaktan ako. Paano niya nagagawa ang mga bagay na hindi niya ginawa sa 'kin? Matagal ang samahan namin pero ni isang hatid, hindi ko naranasan sa kanya. At saka imposibleng selos 'to dahil bestfreind ko lang siya. May karapatan naman akong magselos pero iba 'to e. Kung selos 'to bakit hindi ko nakikita si bella? Kung selos 'to bakit yung namamagitan lang sa amin ni callis yung iniisip ko? Kung selos 'to sana'y kinaiinggitan ko na yung posisyon ni bella e hindi ko naman siya inaalala si callis yung punto ko. I'm not jealous. I'm just in pain. It hurts. Ramdam kong napatigil din si laszlo sa paglalakad. Siguradong nakita niya rin ito. Gumalaw siya sa kinatatayuan at agad na humakbang paabante. Agad ko namang hinarang ang kamay ko sa kanya. "B-balik na ako. Kung gusto mo pang maglakadlakad dito ay sumama ka nalang sa kanila." Sabi ko. Lumingon ako sa likod nang makita ang hindi kalayuang isang puno. Magsasalita na sana siya nang itinuro ko 'yon. "Lapitan mo sila kapag nando--" "Sasamahan kita." Putol niya. Tumingin lang ako sa kanya. Tumalikod na ako at naglakad papalayo ngunit sumama ito. Wala na akong balak makipagtalo. Sasayangin ko lang din ang laway ko dahil alam kong mananatili parin siya sa tabi ko. "You okay?" Tanong niya nang makarating kami sa barko. Hindi ako tumingin at ngumiti sa kanya dahil naisip kong mas nakakahalata kapag ginawa ko 'yon. Mas mabuti nang manahimik na lang ako. Kinuha ko ang tubig at ininom iyon. Kumuha ako ng pera sa bag at pumunta sa maliit na coffee shop sa labas at kaharap ng barko. "Igeo sa julge." Turo ko sa iced americano. *Translation: I'll buy this one." Nang makabili ako ay bumalik na ako sa upuan. "Gusto mong pumunta sa taas?" Bungad ni laszlo sa akin. Napatigil ako sa sinabi niya ngunit hindi ako tumingin sa kanya. "Saan yung daan?" Tanong ko. Hindi ko alam na may second floor 'tong barko. Dahil nakatitig lang ako ng deretso kaninang umaga. Itinuro niya ang hagdan na nasa gilid. Masulok din ito. Tumayo ako at pumunta doon. Sumunod naman siya. Napatigil ako nang makitang may hagdan din pababa. Ngunit agad na binalewala ko ito at nagtuloy-tuloy sa taas. Isang hakbang ko palang sa taas ay nakakaattract na. Bubungad sa iyo ang isang coffee shop. At sa side nito ay ice cream. Upuan at mga lights naman sa right side. Padilim na rin kaya may mga lights na. "Wow." Tinig niya. Pumunta ako sa gitna at pinagmasdan ang paligid. Kitang kita mo dito ang mga maliliit na isla at kalahati naman ang islang ito. Gumanda ito dahil sa mga ilaw. I really love nights and lights. "Okay ka na?" Tanong niya na animong sinisilip ang mukha ko. Tinignan ko parin siya hindi ako kumibo. Dinala niya ako dito para gumaan ang loob ko. Well, he succeed. "Aigo. Ang ganda." Singhal niya habang nakatingin sa isla. Ngumiti ako. Nakakagaan ng loob. Humigop ako ng kape nang akmang may narinig akong tunog na naman ng camera. Napalingon ako dito. Nakakarami na siya ng letrato sa 'kin. Ikaw lang ang nakakagawa niyan. Tch. "Woi, hindi por que nagugustuhan ko yang mga litrato na kinukuha mo ay aabusuhin mo na." "Inaabuso ko ba? Dalawang litrato lang ang meron ako 'no!" Angil niya. Kumunot naman ang noo ko. "Woi! Anong dalawa?! Anim na! Dapat dalawa lang dapat e." Sing-along ko. "Hala! Bakit counted yung 'tayo'?!" Diin niya. "Siyempre nando'n ako. Hehe." Nakangiting tugon ko. Humigop ako ng kape. At huminga ng malalim. Nakakarelax yung ganito. Napalingon ako sa side. Nakita ko na naman ang bilihan ng kape at ice cream. Astig a. Maiinit o malamig. Ano kaya ang mas lamang? At sino kaya ang lugi? Hahaha. Hindi ko alam na may coffee shop dito. Sana dito na lang ako bumili. Tsk. "Bakit hindi mo sinabi na may bilihan ng kape dito?" "Akala ko dun mo gusto. Hehe." He giggles. Ha-ha-ha. Tch. ~~hukkk~~ Bigla ay iniikot niya ang braso sa leeg ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nakarinig ako ng tunog ng kamera. Sa hindi na naman inaasahan ay napatingin ako dun. Aish! Marahas na tinanggal ko iyon at tinignan siya ng masama. Ngumiti lang siya. Hindi kinakabahan o ano ang mukha niya. Ang nakikita ko lang ay ang masayang mukha niya. Tsk. Mabilis na inubos ko ang kape na hawak ko at nagmadaling umalis sa tabi niya. Ramdam ko namang sumunod siya. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang malingonan ko na naman ang nasa baba nito. "Ano yang nasa baba?" Tanong ko at nanatili pa rin ang tingin doon. "Clinic." Sagot niya. Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan hanggang sa malampasan ko ang second floor. So tatlong floor pala 'to? Nakakadalawang hakbang na ako ng hagdan nang hawakan niya ako sa braso. "W-wait m-masama ba ang pakiramdam mo? Hindi ka naman m-mainit ah" Tch. OA. "Gusto ko lang tignan yang nasa baba, huwag kang OVERACTING." Tugon ko. Gusto kong malaman kung parang aquarium ang background nito. Kung gayon ay nakakagana ang maging pasyente. Hahaha. Nang makarating ako do'n ay normal na parang clinic iyon. Sa gitna't dulo ay emergency room at sa side nito ay mga rooms. Pero baka aquarium na sa room ng mga patient. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa mga rooms dahil baka may pasyente. Pero imposible yun dahil lahat ng tao kanina dito sa barko ay nasa loob ng isla. Nang lingonan ko si laszlo ay mukhang alam na niya kung ano ang pakay ko dito. Nginitian ko siya. "Mauna kang pumasok." Tinig ko sa kanya habang nakaturo sa isang pinto. "Ayoko ko nga! Tapos mamaya may pasyente pala sa loob niyan. Pagkamalan pa akong bisita! Ang gwapo ko pa naman. Tapos babae yung pasyente, pagkamalan akong manliligaw, tapos baka jowain pa ako! Tsk!" "Tch." Singhal ko. "Ang lawak din pala ng 'imagination' mo." Sabi ko. "Ha, talaga! Kasinglawak ng noo mo! Hahahaha!" Asar na banat niya. "Hindi gumana pangpikon mo." Normal na tonong sabi ko. "Ah ganon ba? Hahaha!" Tuloy siya sa pagtawa. Normal lang naman 'tong noo ko a. Tch. Epal. "Naiintindihang kong kailangan mo din ng atensyon, hehe." Asar ko din sa kanya. Ngumuso naman siya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napangiti ako. Hindi ko sinadya nag kusa. W-what am I doing??! Agad na tinanggal ko ang ngiti sa aking labi nang matauhan ako. "Pumasok kana." Seryosong sabi ko. Hindi na siya umangal at pumasok na. Nabigo ako nang makita ko iyon. Puti lang ang nasa paligid nito at wala ng iba kundi tv at air-con lang. Binabawi ko na. Boring ang maging pasyente. "Sa left room yung may aquarium." Tinig niya. Tinignan ko siya. Eh ba't dito ka pumasok? Shunga. Naglakad na siya palabas. Sinundan ko naman siya. Nakayuko siya nang buksan niya ang pinto. Agad naman na nakita ko ang isang babae na gulat na nakatingin kay laszlo. Natigilan ako sa pangyayari at pinipigilan ang tawa kong tumingin kay laszlo. Tatlong hakbang na nang tumingin siya sa akin. Isinenyas niya na pumasok ako ngunit nakatingin lang ako do'n sa babae. Mukhang mapapahiya ang unggoy ha. BWHAHAHAHAHA!! Nang naramdaman niyang nakatingin ako sa likod niya ay dahan-dahan siyang tumingin dito. Nagslow motion ang lahat. HAHAHAHAHAHA! Napaatras siya sa gulat..at gulat na nakatitig do'n sa babae na parang minamanyak na niya si laszlo. Itong si laszlo naman ay agad na nagsorry at bilis na bilis na lumabas. "Mukhang allergic ka sa babae ah?! HAHAHAHAHAHA!!" Malakas na tawa ko sa kanya. Yung itsura niya kanina parang nakakita ng baliw dahil sa takot. Para siyang artista na tumakbo palabas dahil sa baliw na fan. BWHAHAHAHHAHAHA! Hindi ko napigilan ang tumawa sa ilang segundo, siya naman ay gulat parin sa pangyayari. Buti na lang at mukhang injured ang paa nung babae dahil kung hindi baka, hinabol niya na si laszlo ng tuluyan. Haha. Tatawa tawa akong tumalikod sa kanya at nagsimulang naglakad papalayo sa kanya. Hindi ko maalis alis ang ngiti ko dahil sa itsura niya kanina. Nagslow motion pa nga ang lahat haha. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang may bumangga sa balikat ko. Dahil sa lakas niyon ay napatalikod pa ako. *Slowmo.* Wala akong naramdaman nang aksidendeng napalingon ako dahil sa lakas ng bangga niya sa akin, malayo na ito dahil sa pagmamadali, pilit ko paring tinitignan kung sino iyon. Nang malinaw kong mabuti ang likod at side ng mukha niya ay biglang may tumusok ng napaka bigat na animong winasak ang puso ko. - End of this Chapter - Preview ? The whole day I pretended to be happy. Pero ni isang minuto hindi mo napansin na malungkot ako. Noon, halos inaalam mo ano ang mga nangyari sa nakaraan ko pero ngayon parang wala na lang yun sa 'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD