Zhafee's POV.
Bigla akong nagising nang may yugyug ng yugyug sa akin. Inis akong bumangon sa pagkakahiga at inis na tinignan siya. Patuloy pa rin siya sa pagyugyug habang tulalang nakatingin sa labas ng bintana. "Ano ba!" I shouted at zhas.
Dahan-dahan siyang napatingin sa akin. "Opps, zorrey!" Asar niyang sabi.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Bumaba ako sa van at at kinuha ang dalawang maleta sa likod nito. Pagkatapos ay binuhat ko ito't pumasok sa loob ng hotel.
"Gomowo." Tinig ko sa cashier. Tumalikod at nagtungo sa elevator. Agad akong pumasok nang bumukas ito.
Deretso akong nakatingin nang makita ko ang isang lalakeng tumatakbo sa dereksyon ko. Dahil alerto ako ay agad kong iniharang ang aking kamay sa pintoan dahilan para bumukas ulit iyon. Mula sa gilid ko ay dinig na dinig ko ang buntong-hininga niya.
"Floor?" I asked.
"Seven." He answered. Napatigil ako nang marinig ang tugon niya, ngunit agad naman akong nahimasmasan. Magkafloor kami.
Nasa kalagitnaan kami ng elevator nang aksidenteng makita ko ang reflection niya mula sa pinto. Dark-green t-shirt and short. Not bad.
Hindi nagtagal ay lumabas na kami sa iisang floor. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pinaka dulo. Tumingala ako sa taas ng pintong iyon. Room 119.
Tinignan ko yung number ng susi, parehas. Binuksan ko iyon at isa-isang inilagay sa loob ang mga maleta.
Isasara ko na sana iyong pinto nang makita ko ang lalakeng pumasok din sa harapan ng kwarto ko. Binalewala ko na lang ito at tuluyan ng isirana.
Nagtungo ako sa dresser at inilagay ang mga nasa maleta ko do'n. Nang matapos ako ay pumunta ako sa kabilang kwarto. Kwarto ng babae kong kapatid. Kumatok ako ng napakalakas. Makagising kanina akala mo kung sino.
"Who's that?!" Naiiritang sabi niya.
"Let's go!" Sigaw ko.
"Just, come in!"
Nang pumasok ako ay nasa salamin siya, nagliliptint. Mahigit walong taon ang pagitan ng edad namin ngunit sobrang arte pa niya kaysa sa akin.
Pinagmasdan ko 'yong buong kwarto niya, may balcony siya pagkaharap mo nang pinto. Yung sa akin ay sa side dahil na din siguro nasa dulo ako.
"Faster."
"Hmm, I'm done."
"Let's go." Sa wakas ay natapos na din siya. Nauna siyang naglakad kaya't siya ang bumukas ng pinto.
Nakayuko ako habang sinusundan ang mga apak niya. Pagkatingin ko ng deretso ay nakita ko yung lalakeng nakasabay ko sa elevator.
"Oh, you're here! What a coincidence!" Bigla ay binati ni zhas ang kasama niyang batang lalake na parang kaedad din ni zhas. Bahagya akong napatingin kay zhas. Naramdaman niyang napatingin ako sa kanya kaya't dahan-dahan din siyang napatingin sa akin. "Ate, he's voan." Nakangiting aniya.
"Hi po!" Nakangiting sabi sa 'kin.
Pilit na ngiting tinignan ko siya, Not bad.
"Siya po pala si kuya laszlo, kapatid ko ho." Tukoy niya sa lalake.
Tsk, napakagalang niya naman sa kin. Bumaling ako sa lalake.
"Hi." Makikipagkamay sana siya ngunit hindi ko iyon hinawakan. Bagkus ay tinignan ko lang. Nahihiya naman niyang binawi ang kamay niya. Plastik ang ngiti kong tinignan siya, baka malunod kase siya sa hiya. Tsk.
Nagtuloy-tuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kaming lahat sa mga booth, dito na din kami naghiwahiwalay.
Pumunta kami sa mga bilihan ng teady bear. Adik si zhas ng gano'n. Nine years old na siya ngunit walang nagbago. Puno na din yung room niya sa pinas ng teady bear.
Hindi nagtagal ay natapos na siya sa pagpili. Nagpaalam na bumalik na sa kwarto niya at walang alinlangang iniwan akong mag-isa.
Habang naglalakad ay may nakita akong bilihan ng mga bracelet, ngunit tila iisa ang nakaagaw sa atensyon ko. Glow in the dark. Lumapit ako do'n at pumili. Unique ang mga 'to dahil iisa lang ang product dito siguradong wala kang kapareha. Maliban kung couple ang bibilhin mong bagay. Kayat may kamahalan.
Hindi nagtagal ay may napili na ako. Isang maliit na moon sa gitna at isang maliliit na star sa paligid. Bumalik na ako sa hotel.
Walang ganang inibagsak ang sarili sa kama. Ilang segundo pa akong nakatulala nang may sumagip sa isipan ko.
Ano kayang itsura ng rooftop nila dito?
Bilis na kinuha ko ang sketchpad at nagtungo sa rooftop. Habang tumataas ang elevator ay aksideng napatingin ako sa tsinelas ko.
Bigla akong natawa nang maalala kung pa'no yung itsura ni lola no'ng bilhin niya sa 'kin 'to. Mahigit sixty thousand ang bayad nito. Noon lang ako nagpabili ng ganitong mamahaling bagay. Masaya naman niyang binayaran dahil alam niyang ikakasaya ko iyon.
Pagtunog ng pinto ay tumingin ako ng deretso. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil nakita ko si laszlo. Hindi ko inaasahan na nandito siya, gano'n na lang din ang gulat ko dahil bihira akong makakita ng tao sa rooftop.
Hindi niya naramdaman ang presensya ko kaya't binalewala ko na lang din siya. Walang ingay na nagtungo sa isang sulok. Binuksan ko ang sketchpad at sinimulang idrawing ang aking view.
"Hey!" Anang tinig ng isang lalake. Pamilyar ang boses niya't iisa lang ang taong nadatnan ko kanina kayat hindi ko na siya nilingon pa.
"Ahm, hi?" Ramdam kong sinilip pa niya ang aking ginagawa. Buntong hiningang bumaling ako sa kanya. "Yes?"
Ngumiti siya bago sumagot. "I just want you to be close with me, hehe."
Nonsense.
"But I don't want to." Bumalik ako sa pagdro-drawing.
See my worst, before my best.
"How old are you?"
'I DON'T WANT TO.'
Parang walang narinig ha. Hindi ako sumagot. "Ahm, H-how old are—" Pilit na itinuloy ko ang pagguguhit ngunit tila isang tuldok ay hindi ko magawa.
"17." Banat ko. Dahil hindi naman ako makapagfocus sa pagdro-drawing ay itinigil ko na at bumaling sa kanya.
"Same... Naclassmate na kita dati. Hindi mo matandaan? Elementary palang tayo no'n. Sixth grade. I'm nerd. I'm fat. Then, I got bully."
"Hmm." Tugon ko.
"Yes."
"Yung si voan, hindi ba't kapatid mo yon? Kailangan sila nagkakilala ng kapatid ko?"
Ilang segundo na't hindi pa din siya sumasagot. Tinignan ko siya, nakatingin sa kawalan.
Did I say something wrong? Or do I need to know something I don't know?
- End of Prologue -
Preview ??️
'Kahit ngayon lang.. kahit ngayon lang na parang akin ka pero hindi okay na sa akin.'