The 1st Chapter

2370 Words
ZHAFEE'S POV. "Yung si voan diba kapatid mo yun? Kailan sila nagkakilala ng kapatid ko?" Tanong ko. Bigla naman siyang natahimik at tumingin sa malayo. Ilang segundo bago siya sumagot. May hindi ba ako nalalaman? "Noong grade four sila. Hindi ko masyado alam yung ugnayan nila pero ang alam ko ay close talaga sila." Tumingin siya sa akin ng deretso, pero pagtingin niya'y bumaling ako sa dagat. "Bad influence ba siya?" Deretsong tanong ko. "Ah hindi. Mabait siya." Sagot niya. "May crush ba siya sa kapatid ko? Pakisabi sa kapatid mo bata pa sila sa mga ganun." "Meron man o wala, alam niyang bata pa sila sa ganyan." Napakunot noo ako. "Talaga? Bakit? Kilalang kilalang kilala mo ba yung kapatid mo? Bawat samahan ba nila nakikita mo? Alam mo bang may bata na ngayon na nagsisinungaling? Yung sinasabing bata pa sila sa mga ganyan pero may katipan na pala sila?" Sabay-sabay na tanong ko. Ngunit wala paring nagbabago sa reaksyon niya. "Hindi siya gano'n." Kalmado lang siya, wala kang makikitang irita sa tunog ng boses niya. Tumigil na ako at tumayo na. "See you around." Paalam ko sa kanyang nakatalikod at naglakad na papalayo. Ang inaasahan ko ay sasabihin niyang pinapalabas kong masama ang kapatid niya. Pero kalmado lang siya. Tch. Boring. Nakakaisang floor palang ang elevator ay tumigil na ito. May bababa siguro. Bahagyang bumukas ang pinto. Dahil nakatingin ako ng deretso ay kita ko ang babaeng maiiyak-iyak dahil sa higpit na hawak ng lalake sa kanyang kamay. "Let go!" Tila sigaw pa ng babae sa lalake habang sinusubukang alisin ang mahigpit na hawak ng lalake sa braso ng babae ngunit tila nagmamakaawa ang lalake na huwag itong umalis. Nanatili lang akong natayo at walang pakeng pinapanood ang sitwasyon nila habang nakapamulsa ang aking isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa sketchpad. Dahil sa wala namang pumapasok ay kusang sumara ang pinto ngunit naharang ang kamay ng babae kayat bumukas ulit ito. Muli ko na naman nakita ang sitwasyon nila. Walang nagbago kun di patuloy ang p*******t ng lalake sa babae. Muling sasara ang pinto ngunit inulit ng babae ang kanyang ginawa. Eysh. What a waste of time. "Oy!" Malalim ang boses na sigaw ko. Bahagyang naagaw ko ang atensyon ng dalawa. Inilabas ko ang selpon ko at pinikturan ang gawain nila, pagkatapos ay ibinalik ko ang selpon sa aking bulsa at marahang inilagay ang sketchpad sa sahig. Dahan-dahan akong tumingin ng deretso sa kanila't humakbang papalapit habang nakapamulsa ang magkabilang kamay at nanatiling kalmado. "Let go of her." Nanatiling malalim ang aking boses habang seryosong nakatingin sa kanya. Nanatili naman ang babaeng tulala sa akin. "He's a black belt taekwondo, you can't beat him!" Sigaw ng babae nang matauhan ito. Sandali pa akong tumitig sa kanya. Did she just look down on me? Shame on her. Napasinghal ako at bahagyang napahagikhik. Pagkatapos ay umabante, tumingin ng deretso sa babae. "He looks a piece of cake for me." I said silly then I look at the girl. "I decided to help you but you misjudged me miss. If you just shut up and let me beat him up then you are now peaceful. Many times you blocked the door and waste my time—" Napatigil ako't buntong hininga habang nakangiti. "Take care of yourself then." Ngingisi-ngising sabi ko. Muling sumara ang pinto ngunit hinarang na naman ito ng babae. Napayuko ako't bumuntong hininga pagkatapos ay agad na tumingin sa kanya. "What do you think your doing?!!!" Malakas na sigaw ko na ikinagulat nila. "S-sorry." Napapahiyang sabi ng babae habang patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mata na tila napapapikit pa dahil higpit na hawak ng lalake. "Ya, let go." baling ko sa lalake. One. "Why whoul I?" Tatawa-tawang aniya. Muling tinignan ko ang babae, nakapikit lang siya habang patuloy ang pagluha niya. "Let go." Muling seryosong tinig ko habang nakatingin parin sa babae. "Why whould I?!! Who are you to stop me?!!! Can you see yourself?!!!" Two. Bumaling ako sa kanya at sinamaan ng tingin, bahagyang napaatras naman ito. Humakbang naman ako palapit sa kanya. "D-don't come near us!!! Or else I-i'll h-hit you!" Three. Taekwondo ba 'to? Eh bakit takot? Uutal-utal pa. Tch. Hinawakan ko ang kamay ng babae, napatingin naman ito sa akin. "H-hey! Who do you think you are?!!!— Don't touch he—ahhhhhhhhhh!" Bahagya pa niyang pinigilan ang kamay ko, ngunit agad na marahas kong kinagat ang braso niya! Wala kang karapatang humawak sa akin. Malakas kong sinipa ang ibaba ng lalake. "Ahhhhh!!!" Inda ang sakit na sigaw niya. Agad naman siyang napahawak dito at tila natumba. Mula sa gilid ko ay tanaw ko ang babaeng gulat sa aking ginawa. Ilang sandali ko pa siyang tinignang iiniinda ang sakit bago tumalikod habang hawak-hawak ang braso ng babae. Halatang marupok siya, dahil sinubukan niya pang ipagtanggol ang nanakit niyang boyfriend o asawa. Ang babaeng marupok na katulad niya'y dapat kaladkadin hanggang sa hindi na niya tanaw ang kasintahan niya. Pahagis kong binitawan ang kamay niya ng sumara ang pinto. Nanatili itong nakahawak sa kamay niya, habang nakatingin sa akin. "What's your name?" Tanong niya. Binalewala ko siya na parang wala akong narinig at kinuha ang sketchpad ko sa sahig. "Thank you for saving me." Aniya na umaasang papansinin ko siya. "He's my boyfriend in 3 years but I just saw his cellphone, texting another girl, this is not the first time but the third—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tumunog ang elevator. Muli siyang tumingin sa akin. "May I-i know your na—" Nagsimula na akong maglakad palabas na parang wala siya sa tabi ko na ako'y animo nakatingin lang ng deretso. 'Knock! Knock!' katok ko sa pinto ni zhas. Pero walang sumagot. 'Knock! Knock!' ulit ko. Pero gano'n na lang ang kaba na naramdaman ko nang wala paring sumasagot. "Zhas, I'll come in!" Pagpasok ko'y natutulog siya sa kama. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Hindi nagtagal ay tumayo ako at naglakad papunta sa kitchen area. Dahan-dahang bumalik ako do'n bitbit ang dalawang maliliit na kawali. Pfft. Sorreey. ~~~blaaannnggggg!!!~~~ tunog nito. Gulat na gulat siyang umupo na tila parang gising na gising na. Lumake yung mga mata niyang singkit. "BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Walang pigil na tawa ko. "O-o HAHAHAHAHAHA! O-one HAHAHAHAHA! P-p-point HAHAHAHAHAHA!!!" Putol-putol na sabi ko. Habang siya ay tinitinignan ako habang dikit na dikit ang dalawang kilay niya. Tumayo siya at sinugod ako gamit ang dalawang kamay niya pero hinayaan ko lang siyang gawin iyon dahil sa walang pigil na pagtawa ko. "Punta na tayo sa baba hahaha." Sabay kindat na sabi ko. Nakasimangot siya hanggang sa makarating kami sa resto dito sa first floor ng hotel. "Humanda ka, lintik lang walang ganti." Bulong niya sa akin na tila inaabot pa yung tenga ko. "Don't worry, I'll prepare my self." Pilosopo namang sabi ko. Nang tumingin ako ng deretso ay nakita ko yung table namin. Kasabay no'n ang pagkawala ng ngiti sa aking labi. Nakita ko sila mama at papa kasama sila voan at laszlo. Gano'n na din ang magulang nila na kaharap nila papa. "Bakit kasama sila?" Seryosong tanong ko kay zhaf. "Hindi mo alam ate? Magkaibigan sila mama at tita vanessa. Pumunta na din kami sa bahay nila." Nakangiting tugon niya. Bakit parang ako lang ang hindi nakakaalam? "Bakit wala si zhaint?" Ang nag-iisang kapatid ko na lalaki. "Don't know." Kibit-balikat nito at lumapit na sa table. Sa harap ko si laszlo. Tapos si zhas ay kaharap si voan. Nakaorder na sila nang makarating kami. Naiilang ako sa pwesto ko habang itong kaharap ko ay kanina pa nakangiti. Abala silang lahat sa kwentohan. Habang tahimik kaming dalawa ng kaharap ko. Halatang close na close talaga sila. Kaya pala minsan, wala silang lahat sa bahay. Ayoko dito pero wala na akong magagawa. Ako lang itong walang alam. Aksidenteng napalingon ako kay laszlo nang matapos na akong kumain. Ililibang ko muna sarilil ko sa 'yo. Nalulungkot ako. Pansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin ngunit abala ako ditong kumakain. Ngumisi ako ngunit nanatili parin siyang nakatingin sa akin. Mukhang nag-iimagine siya. "Woi. Kanina ka pa nakatingin sa akin." Tinig ko. Hindi ako nagparamdam malungkot ako. Ever since pakiramdam kong ampon ako. "Malamang ikaw kaharap ko." Pilosopong sabi nito habang nakangisi na natutuwa. "'Wag kang titig ng titig at baka mabusted ka." Mahinahong sabi ko. "'Di nga ako nanliligaw e." "Huwag kang mag-aalala dahil hindi ko hahayaang manligaw ka." Nakakapagod na. Kahit minsan man lang lumibang ako. Nakakapagod isipin na sa lahat ng oras wala kang masandalan. Ang sakit na bawat dinadala mo noon ay buhat buhat mo pa rin hanggang ngayon. Yung lahat ng nararadaman mong sakit ay kinikimkim mo na lang. Yung kahit iiyak mo parang buhat buhat mo parin yung sakit na nalampasan mo kahit yung dahilan lang ng pag-iyak mo ay yung pinagdadaan mo ngayon. "As if you're really going to do that." Nakangising dagdag ko. Ngayon palang nagpapatawad na ako sa 'yo. Pasensya na kung ginamit kita ngayon. Pero parang wala namang silbi dahil wala naman akong nararamdamang saya. "Pa'no kung manligaw ako?!" Sigaw niya. Nagbulu-bulunan naman ako sa sinabi niya. Umiinom ako ng tubig kaninang isinigaw niya iyon. I already need to cry. Pero kung aalis ako dito sasabihin naman ni mama na wala akong respeto. I really want to cry to lessen the pain, even though it won't work. "Tsk. Lower your voice." Sabi ko. He just chuckled. Sa loob-loob ko ay namumuo na ang mga luha ko ngunit sa labas ay alam kong normal lang ang galaw ko. Hindi na kami nagsalita matapos no'n at hinintay na matapos nila papa yung kinakain nila. At nang matapos na sila, bumalik na kami sa sari-sariling kwarto. Isasara ko na sana yung pinto nang makita ko siyang nakasandal sa pinto niya habang pinagmamasdan ako. Nakacross pa ang kanyang magkabilang kamay. Sa hindi inaasahan ay kumindat siya. Natatawa siya habang sinasara yung pinto. Napangisi lang ako. Ngayon lang 'yon. Hindi na bukas. Hindi na ako magpapanggap. LASZLO'S POV. Nang makita kong paparating na sila ay umupo ako ng maayos. Cute. Maganda. Mataba siya sa tingin ng mga bullies, pero for me normal lang yung katawan niya. She has a cool personality. She's quite. Matalim yung mga mata 'pag tumitingin. Maayos naman siya, maayos tignan. Alam niya yung limitasyon sa pagsusuot ng mga damit. Mga matured na lalaki lang ang nagkakagusto sa kanya. Ako lang yung matured sa school namin kaya ako lang yung may gusto sa kanya. Hahahahahaha. I love her. I love her personality. Everything. Everything about her. Mabuti naman at umupo si zhas sa harap ni voan. Kaya't wala siyang choice kundi umupo sa harap ko. Naiilang siya. Parang gusto na niyang umalis. Iniiwasan kong hindi tignan siya ngunit hindi ko kaya. Ngayon lang 'to. Dapat hindi halatang kinakabahan ako. Ang daming kong tanong sa aking sarili. Halata namang ayaw niya dito sa harapan ko pero nasa isip ko parin ang 'ayaw niya ba akong kaharap.' Nang tapos siyang kumain ay nakatingin parin ako sa kanya. Nagulat ako nang tumingin siya sa akin pero hindi ako nagpahalata. Kalmado lang ako dahil kung magpapahalata ako ay baka kung ano pa ang isipin niya. Dapat komportable siya, hehe. "Woi kanina ka pa nakatingin sa akin a." Sigaw niya. Ngumiti ako. "Malamang ikaw kaharap ko." Kahit ngayon lang.. kahit ngayon lang na parang akin ka pero hindi okay na sa akin. "'Wag kang titig ng titig at baka mabusted ka." Mahinahong sabi niya. Maganda siya, ako lang talaga ang nakakakita. "'Di nga ako nanliligaw e." Pabulong na sabi ko. "Huwag kang magaalala dahil hindi ko hahayaang manligaw ka." Wala siyang reaksyon pero ang cute niyia parin. "As if your really going to do that." "Pa'no kung manligaw nga ako?" Sigaw ko. Nabulunan naman siya sa sinabi ko. Why so cute my babylady? Hm? "Tsk. Lower your voice." Sus. Kinilig ka naman. Sa gwapo kong 'to!? Natawa ako a sarili kong naisip. Ilang minuto na ang nakalipas nang pabalik na kami sa sari-sariling kwarto. Nanatili muna ako sa pinto at hinintay na isara ni zhaf yung pinto. 1.... 2..... 3..... Kinindatan ko siya. Halatang nagulat siya. HAHAHAHAHA. How can you be so cute? Hm? Makikita ko siya mamaya. Lahat ng activities ay kasama namin sila. Iidlip ko lang ng kaonti dahil mamayang four o'clock ay may gagawin kaming activity, excited na ako dahil by partner iyon. Nang gumising ako ay 3:30 na. Binilisan ko ang pagpalit ng damit dahil kailangan attractive ako sa paningin niya. Pumunta ako sa kabilang kwarto pagkatapos magbihis. Pumasok ako sa kwarto ni voan ng walang paalam. Naka bihis na siya pagpasok ko kaya naman pumunta na kami agad sa baba. Pumunta kami area. May tent doon, isa malaki siya. Dito yung sinasabi nila mom kaninang paakyat kami. May mga puno na sa kaliwa. Mabilis na pumasok si voan sa tent at sinundan ko naman siya. Ang laman lang ng tent ay mga kumot. Colorful siya in the inside pero sa labas ay grey lang. "Sir, dito na po tayo sa labas." Boses ng isang lalaki. Nang lumabas kami ay nandoon na silang lahat. Iisa lng ang taong hinanap ng mata ko, si zhafee. Nakita ko siya sa gilid, as usual walang reaksyon ang kanyang mukha. "Ang unang activity natin ngayon ay gagawa ng seashell wreath o seashell flowerpot. Syempre, kukuha tayo ng mga shell dito lang sa area natin 'no? Pagkatapos saka namin ibibigay ang ibang materyales! Pabilisan po ito at pagandahan! Ang mananalo sa activity'ng ito ay magkakaroon ng 10 thousand pesos cash!" Paliwanag ng lalake. "Ang ilang mga activities ay tigdadalawang tao." Aniya. "Tayo na po ay mamili ng kaparehas natin!" Mabilis na nagsiktakbuhan ang lahat. Nang lingonan ko si zhaf ay eksaktong palapit siya kay zhas ngunit agad na tumalikod si zhas at lumapit kay voan. Bahagya itong napasinghal at walang choice kun'di magstay sa posisyon niya. Ilang segundo ko pa siyang pinagmasdan bago nakangiting lapitan, habang nakapamulsa ang aking mga kamay. Don't worry, I'm always here. - End of this Chapter - Preview ??️ 'All I can feel is pain. Heavy pain.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD